HUMINGA nang malalim si Michelle sa sinabi nito. "Sigurado ka ba?"Tumango si Shiela. "Ayoko na siyang pahirapan pa dahil ang sakit-sakit nang isipin na mawawala rin siya sa'kin sa susunod na mga araw," aniya saka muling nagpunas ng luha sa pisngi.Habang nasa ganoong tagpo ang dalawa ay tumunog ang cellphone ni Shiela na nasa loob ng bag. Nang tingnan kung sino ang tumatawag ay napatingin siya kay Michelle.Nakita ng Doktora kung sino ang caller saka nagsalita, "Gusto mo bang ako nang kumausap kay Zia?""Ako na lang." Saka sinagot ang tawag ng hipag, "Hello, Ate?""Pauwi ka na ba?" ani Zia sa kabilang linya.Huminga muna nang malalim si Shiela saka nagsinungaling, "Matatagalan pa ako, Ate. Bigla kasi akong nag-bleed.""Ano?! Safe naman kayo ng bata?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Zia."Yes, pero pinag-advice ako na mag-stay muna nang matagal para masigurong hindi na 'ko muling duduguin.""Salamat naman, sige, pupunta na lang ako riyan--""Hindi na kailangan, Ate. Maayos lang talag
Magbasa pa