Nagising ako nang nag-alarm ang phone ko. Teka Wala nga pala akong pasok bakit ako nag-alarm? Sabado naman... ayy naku ngayon nga pala ang birthday ni Sir Nikkolai! Dali-dali akong bumangon, pagtingin ko sa phone ko ay nabasa ko ang text ni Tiffany."Semphil pupunta ako sa inyo, sabay na tayong pumunta sa bahay ni Sir"Kaagad akong bumaba at doon ko lang napansin na walang tao sa bahay. May nakalagay na notes sa may ref. "Semphil may pupuntahan lang ako. Ang kuya mo naman ay pumasok na sa trabaho habang ang pamangkin mo ay iniwan ko kay Aling Lita. Mag-iingat ka sa lakad mo anak"Nagtataka ako sa ikinikilos nila dahil parang ang bait ata nila. Anong nakain nila? Pumunta ako sa kusina para kumain. Tamang-tama dahil may lutong ulam na at kanin. Luto siguro ni Mama.Matapos kumain ay nag toothbrush ako at dumeretso sa CR para maligo. Pagkatapos maligo ay umakyat ako sa kwarto para magbihis. Kinuha ko ang red dress ko at isinuot iyon. Nag-ayos din ako ng sarili, kaunting lipstick at mak
Last Updated : 2024-03-17 Read more