Home / Romance / For the Love of Rafael / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of For the Love of Rafael: Chapter 1 - Chapter 10

60 Chapters

Kabanata Isa

“The nerve!” puno ng iritasyon na wika ni Rada sa sarili. Labis ang pagngi-ngitngit niya ng araw na iyon. Araw ng biyernes at nasa panghuling asignatura na sila. Kanina pa siya naiinip sa tagal na itinatakbo ng klase. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang napasulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Parang kay bagal ng ikot niyon sa pakiwari niya, animo nananadya para mas lalo siyang maasar. Haisst! Isinandal niya ang likod sa backrest ng metal na upuan bago inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Kanina pa niya napapansin ang panaka-nakang sulyap ng mga kaklase, kahit na nasa likurang bahagi na siya nakaupo. Talaga namang to the effort pa sa paglingon ang mga classmates niya. Nakapagkit sa mga mukha ang samut-saring reaksyon. Mayroong gulilat, namangha, nalungkot at naawa. Meron namang mga nakangisi at tila sinasabing buti nga sayo kasi pabibo ka. Ang iba naman ay pangitang pinipigilan lang matawa sa sitwasyon katulad nila Cathy at Bing na naturingan pa m
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Kabanata Dalawa

Who is he? Muling pinasadahan nang tingin ni Rada ang lalaki. Siya lang naman ang piping saksi saiyong kahangalan. Pangungunsensya ng isipan niya. Napangiwi ang dalaga. Bigla ay nahiya sa kanyang naging asal. Maaari ngang mag-isip ang lalaki ng hindi kaaya-aya sapagkat nasaksihan nito ang kanyang ginawang kalokohan. Labag sa regulasyon ng akademya ang kanyang ginawa. Mabigat na parusa ang kakaharapin niya pag nagkataon. Paano na lamang kung magsumbong ito sa pamunuan? Anong mukha ang ihaharap niya sa mga magulang ni Clark kapag umabot sa kaalaman ng mga ito ang pinaggagagawa niyang kalokohan ngayong hapon? Siguradong ipapatawag ang kanyang mga magulang at malamang ay magpuputok ang butse ng ama. Pag nagkataon ay grounded na naman siya at hindi siyempre nito palalabasin ng mansion sa loob ng ilang linggo, depende sa kanyang parusa.Kalma Rada, hindi ka pa naman sigurado kung nakamasid nga ito kanina. Hindi nga ba at nasa likod ito ng halamanan? Tama, paano nga kung wala naman itong
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more

Kabanata Tatlo

Napangiti si Rada. Baka nagkaroon na naman ng aberya. Hindi pa siguro nakakabalik sa inuupahan nitong bahay ang kanilang maestra. Malamang ay umuwi ito sa home town nito kung saan ay tatlong bayan pa ang layo mula sa San Isidro. Dalawang oras din ang kinakain nila sa klase ni Miss Tionco at kung susumahin niya ang binabyahe ng propesora na isang oras mula sa tinitirhan nito ay imposibleng umabot pa ito sa unang klase. Kaya't may isa't kalahati pang natitira sa kanila, tamang magpalamig sa school canteen. Hinablot ni Rada ang bag at niyaya ang dalawa na lumabas ng kuwarto. "Imposible nang umabot si Ms.Tionco sa klase, palamig tayo sa canteen." aniya. Nagbunyi ang dalawa. Kita sa mga mata ang tuwa. Kapag kasi si Rada ang mag-aya, siguradong libre ang kanilang meryenda. Hindi lang iyon wala itong reklamo sa halaga. Habang patungo sa school canteen ay wala pa ring tigil ang dalawang kaibigan sa pambubuska. Hindi maawat ang dalawa sa panunukso Andoon iyong manghaharang pa ng mga kap
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more

Kabanata Apat

Sa pagtama ng kanilang mga tingin ay tila nanlambot si Rada. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuway siya. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng presensiya ni Rafael sa kanya? Pinabibilis nito ang tibok ng kanyang puso. Tila ito alon sa dagat na basta na lamang rumaragasa pahampas na ikabubuway niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ng binata sa maliit niyang palad. "Ayos ka lang ba Miss Buenavista? Para kang bubuway saiyong pagkakatayo." pansin ni Mrs. Esperanza. Nagplaster sa mukha ng propesora ang pagkabahala. May sumilip na gahiblang emosyon kay, Rafael. Maagap siya nitong nahawakan sa may baywang. Napalunok siya nang kung ilang beses. Tila nawalan ng saysay ang suot na unipormeng pangtaas. Ramdam niya ang init ng palad ni Rafael nang lumapat iyon sa kanyang balat. Ang init na dulot niyon ay mistulang nagpayanig at nagbigay ligalig sa mga pandama niya. Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan. "A..ayos lang po ako." sag
last updateLast Updated : 2024-02-12
Read more

Kabanata Lima

Psstt!Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasa nitong aklat. Nag-angat ng mukha ang binata at lumingon sa kanyang likuran. Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso. "Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. Buenavista," wika nito sabay nguso sa labas. Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaibigan at kaklase. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Natanaw niya si Rada malapit sa may bintana ng kanilang silid.Ano ang ginagawa ng dalaga sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa? “Siguradong umabot na sa kanyang kaalaman ang iyong pagtanggi na makilahok sa darating na kasayahan.” anas ni Carlito.Maaaring tama ang kaibigan, subalit ay kailangan pa ba na sadyain siya ng dalaga para lamang sa bagay na iyon? Nakita ni Rafael na inilibot ng babae ang tingin. Hangang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Agad na kumaway si Rada pagkakita sa kanya. Lumiwanag ang mukha nito at awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga
last updateLast Updated : 2024-02-19
Read more

Kabanata Anim

Sa sasakyan ay hindi mapakali si Rada. Labis ang nadarama niyang kahihiyan para sa sarili. Ilang beses syang nag-ipon ng hangin sa dibdib bago nagsalita. "Mang Kanor, pasensya na po kung huli na akong lumabas." paghingi nya ng paumanhin sa matandang drayber. "A...ang totoo po niyan ay wala naman po akong aralin na tinapos. May hinintay lang po akong isang kaibigan, humihingi po ako ng paumanhin sa aking pagsisinungaling." malumanay at puno ng damdamin na wika pa niya kay Mang Kanor. Ngumiti ang drayber na sinilip sya sa unahang salamin. "Wala kang dapat na ipangamba sa akin, Ineng, ikaw ang aking inaalala dahil siguradong mapapagalitan ka na naman ng Senyor.," "Salamat po,. ngunit huwag po kayong mag-alala at sanay na rin po ako kay daddy," sagot niyang asa tono ang lungkot. Hindi na sumagot ang matanda ngunit dumaan ang pagka-awa sa mukha nito para sa dalaga. Malapit ang loob nito kay Rada. Nasundan nito ang paglaki ng batang heredera. At bagama't lumaking may ginintuang
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Kabanata Pito

Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mam
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Kabanata Walo

“You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi. "We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin. Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan. Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Kabanata Siyam

Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito. "Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan. "Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala
last updateLast Updated : 2024-02-21
Read more

Kabanata Sampu

Ibinalik ni Rada ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga. "Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang aking tungo sa inyong tahanan," aniya sa magalang at mababang tono. Kumunot ang noo ni Lourdes,nabahiran ng pagtataka ang mukha. "May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses. Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalaga. Sa isip ay may namumuong hinala. "Naku, wala po Aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," maagap na sagot ni Rada. Pilit nitong pinasigla ang boses at baka magkaroon pa ng maling konklusyon. Nahimigan kasi nito ang pag-aalala sa babae. Lumiwanag naman ng bahagya ang mukha ni Lourdes at naging kampante. Ngunit nanatili ang katanungan sa mata.“Kung gayun ay ano ang pakay mo sa amin, Ineng?” diretsa nang tanong ni Lourdes. Huminga muna ng malalim si Rada at humugot ng lakas bago nagpatuloy. Halatan
last updateLast Updated : 2024-02-21
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status