KAAGAD na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko nang pagkalabas ko sa building, nakita kong naroon na naman si Midas at naghihintay sa akin. Nakaupo na naman siya sa may hood ng koste ko habang nakapamaywang at nakatungo, kaya hindi niya agad ako nakita. Binilisan ko na ang paglalakad ko palapit sa kaniya. Sakto namang nag-angat siya ng kaniyang mukha. Tumayo siya at sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. “Hi, babe!” masiglang bati ko sa kaniya. Feeling ko, biglang nawala ang pagod ko ngayon nang makita ko na naman ang guwapo niyang mukha. Lalo na nang kaagad niya akong yakapin at hinagkan ang mga labi ko. “Kanina ka pa ba?” tanong ko sa kaniya nang pakawalan niya ang mga labi ko. “Mmm, ten minutes palang, Mahal,” sagot niya. Kinuha niya sa kamay ko ang bag ko. At pagkatapos ay kinuha niya rin ang isang steam ng red rose na nasa may likuran niya na naman, kaya hindi ko iyon nakita agad. “Para sa ’yo, Mahal.”Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko nang tanggapin k
Last Updated : 2023-11-28 Read more