NAGTUNGO ako sa pinaka malapit na store dito sa condo ko sa Paris, para bumili ng mga prutas. Napag-isip isip ko na hindi kasalanan ng nasa sinapupunan ang katangahang ginawa ko. Biktima lang ang nasa sinapupunan ko, at hindi ko dapat inisip na ipalaglag ang sariling dugo ko. Bukod pa ro'n, ito na siguro ang nakatadhana sa 'kin. Ang magkaroon ng anak na walang amang kikilalanin. Sa tuwing iniisip ko na na-disappoint ko ang magulang ko, sobrang kirot ng dibdib ko. Pero, wala na akong magagawa. Siguro, ipagpatuloy ko na lang ang sinimulan ko, ang pagpapalago sa negosyo namin dito sa Paris. Hindi naman siguro magiging sagabal ang magiging anak ko, sa hangarin kong iyon. Nabalik ako sa ulirat ng may isang binata ang lumapit sa 'kin at inabot nito ang wallet ko. Tiningala ko ito, napakunot ako ng noo nang mapagtanto ko na akin ang wallet na hawak ng binatang 'to. “Miss, wallet mo.” Saad niya. Kaagad ko itong kinuha sa kamay ng lalaking ito at sinabing. “Salamat, hindi ko napansi
Last Updated : 2023-11-17 Read more