Amanda's POV"Amanda lumabas ka na dyan, marami ng customer ang naghihintay sa labas."Tawag ni Mama Jessa, ang pinakamanager ng mga babaing nagtatrabaho dito sa bar. Mabait si Mama Jessa, pumayag rin siya na hindi muna ako itable ng customers dahil baguhan pa lang ako. Ngayon gabi ay taga serve lang ako ng drinks sa mga customer sa labas. "Hindi po ba masyadong maikli?"Tanong ko kay Mama Jessa ng lumabas ako mula sa dressing room. Nakasuot ako ng maikling pulang palda at black tube na pinatungan ng white na long sleeve na nakatali ang dulo sa unahan. Ganito ang uniform ng mga babae dito sa bar. "Hindi naman, ang ganda ganda mo nga. Bagay sayo. Para kang manika. Halika ka na sa labas. Sigurado akong magugustuhan ka ng mga customer natin ngayong gabi."Nakangiting sambit niya sa akin. Nang lumabas ako ay marami ng customers at lahat sila ay napatingin ng maglakad ako papunta sa bar counter. Unang araw ko ngayon kaya hindi pa ako masyadong kumportable sa paligid. Kumuha ako ng alak
Terakhir Diperbarui : 2023-08-16 Baca selengkapnya