Home / Fantasy / The Supreme (TAGALOG VERSION) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Supreme (TAGALOG VERSION): Chapter 11 - Chapter 20

33 Chapters

KABANATA 10

Oktubre 25, 1799...Naggising ang diwa ni Prinsipe Zumir. Pakiramdam niya ay galing siya sa isang malayong paglalakbay. Alam niya sa sarili na lumipas na naman ang isang siglo kaya nagsisimula na namang maggising ang kaniyang espiritu. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid. Mayroon na naman bang mga tao na siyang responsable sa pagtuturok sa kaniya ng kemikal na magpapatulog ulit sa kaniya?Lumipas ang ilang minuto ay wala siyang nadinig. Tanging katahimikan ang namutawi. Sa bawat oras ay nararamdaman niyang nagiging magaan ang kaniyang paghinga. Wala na siyang nararamdamang kirot at nakakapanibagong tunay. Makalipas ang tatlong oras ay nakarinig siya ng pagaspas ng pakpak at yapak ng mga paa na papalapit sa kaniyang direksyon. "Kamahalan, naggising na bang muli ang inyong diwa?" Narinig niya sa unang pagkakataon ang boses ni Twari makalipas ang ilang siglo."Twari?" Pangungumpirma ng Prinsipe."Ako nga, Kamahalan. Bilang na lamang ang mga oras at muli mo nang masisilayan ang mun
Read more

KABANATA 11

Oktubre 28, 1799...Hindi mapakali si Prinsipe Dalleon habang naririnig ang iyak at pagsigaw ng kaniyang asawa na si Prinsesa Lovera habang iniluluwal nito ang pangalawa nilang anak. Halos isang oras na itong pinapaanak ng komadrona ngunit hindi pa rin lumalabas ang sanggol."Mahal, tatagan mo ang iyong loob. Magiging maayos din ang lahat sa oras na mailuwal mo na si, Zaitan." Sambit ni Prinsipe Dalleon na nasa labas ng pintuan."Hindi ko na kaya! Napakasakit!" Umiiyak na sambit ng kaniyang asawa na sinundan ng sigaw.Hindi na nakatiis ang Prinsipe. Binuksan niya ang pintuan at pinuntahan ang kaniyang asawa. Nagulat ang komadrona sapagkat hindi sana pwede na siya ay pumasok dahil ang komadrona lamang ang maaring nandoon at siyempre ang manganganak."Kamahalan, bakit—" hindi na nagawang matapos ni Tes, ang komadrona nang magsalita ang Prinsipe."Paunmahin sa aking inaasal ngayon, Tandang Tes ngunit hindi ko maatim na marinig ang aking asawa na umaatungal. Nais kong mailuwal niya ang am
Read more

KABANATA 12

Disyembre 09, 1803...Naalimpungatan si Aling Sabelia nang marinig ang mahinang pagyugyog ng higaang kasalukuyang tinutulugan ni Rycon. Umuuga ito ng bahagya at ng kaniyang tignan ay nakita niyang papaling-paling ang ulo ng anak. Tagmak ng pawis ang noo nito at tila tumakbo sa malayong lugar. Sa unang pagkakataon simula nang mapunta sa kanilang puder ang binata ay narinig niya ang boses nito."Rycon, anak! Gumising ka," mahinang aniya at tinapik ng mukha ng anak. Agad na nagmulat ng mga mata si Rycon at sumalubong sa kaniyang mga mata ang nag-aalalang mukha ng Ina.Napabangon na rin si Mang Rios at tinignan kung ano ang nangyayari. Kinapa ni Aling Sabelia ang noo ni Rycon at napag-alaman niyang mataas ang lagnat ng binata. Nagpresenta si Mang Rios na siya na ang kukuha ng maligamgam na tubig ang iilang mga dahon na papakuluan upang mapababa ang init sa katawan ni Rycon. "Binabangungot ka yata, anak," malumanay na sambit ng babae.Nakatitig lang sa kaniya si Rycon. Nanatiling mabilis
Read more

KABANATA 13

Kasalukuyang taon...Abala si Aling Sabelia sa pagluluto sa kusina habang si Rycon naman ang taga igib ng tubig na kaniyang gagamitin para sa pagluluto. Nagpresenta ang kaniyang anak na maging pansamtantala niyang katulong habang hindi pa ito nakakahanap ng pagkakaabalahan. Tahimik lamang si Rycon na nag-iigib ng tubig mula sa balon nang makarinig siya ng kalansing ng mga armas mula sa labas ng bakod kung nasaan ang malaking balon. Pansamantala niyang ibinaba ang dala-dalang dalawang timba na may lamang tubig ay dahan-dahan na naglakad palapit sa mababang bakod. Dahil likas siyang matangkad ay nagawa niyang silipin iyon habang nakatayo lamang.Nakita niya ang iilang mga binatilyo na nag-eensayo gamit ang espada. Sinasanay sila sa tulong ng punong kawal na si Suvan at ang bunsong anak ng Supremo na si Prinsipe Zaitan. Napatingin si Rycon sa Prinsipe na may makisig na pangangatawan. Nalaman niyang magkasing edad lamang sila ng Prinsipe. Narinig niya mula sa mga usap-usapan sa paligid na
Read more

KABANATA 14

Kasalukuyang taon...Nagulat si Misan nang bigla na lamang gumuho sa kaniyang harapan si Prinsipe Zaitan. Nagpalit na ito ng kasuotan na kulay asul at sapin sa paa. "Nakakagulat ka naman, Kamahalan!" Sambit ni Misan at napahawak sa kaniyang dibdib."Hahaha ilang hayop na ba ang iyong napakain? Paumanhin pala sapagkat ngayon lamang ako, nakipag-usap pa ako sa kusinera sa aming palasyo." Sabi ng Prinsipe.Nakatitig siya sa paligid at talagang marami ang mga alagang hayo na pagmamay-ari nila. Muli siyang napatingin kay Misan na nakatalikod sa kaniya habang nagpapakain ng mga alagang manok. Kinuha ni Prinsipe Zaitan ang dalawang timba na may lamang tubig at isa-isang sinalinan ang sisidlan ng mga kabayo."Patapos na po ako, Kamahalan. Ako na po riyan baka po ay madumihan ang inyong kasuotan." Sambit ni Misan at binawi mula kay Prinsipe Zaitan ang timba."Ayos lang ako Misan. Nais kong tumulong upang matapos agad ang iyong gawain. Hindi ba't mangangabayo tayo? At magpupunta sa karagatan?"
Read more

KABANATA 15

Kasalukuyang taon...Walang ideya si Rycon kung bakit isinama siya ng Prinsipe Zaitan paakyat ng burol. Matapos ang kanilang naging ensayo ay inanyayahan siyang sumama ng Kamahalan. Hindi na lamang siya nagreklamo at pumayag na lamang. Wala rin naman siyang gagawin."Ilang taon kang nagsanay upang maging ganoon ka asintado, Rycon?" Tanong ng Prinsipe Zaitan kay Rycon.Napabaling ang tingin ni Rycon sa nagtatanong na Prinsipe. Kasalukuyan silang naglalakad paakyat. Hindi naman masyadon matarik, kita sa baba ang kanilang kaharian na nasa limampung metro lamang ang layo."Simula ng ako'y magkaisip ay hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ensayo, Kamahalan. Kami lang naman ng aking mga magulang ang magkakasama palagi. Unang beses ko pong nakahawak ng pana kanina." Sagot ni Rycon sa mahinahong boses.Nang marating nila ang isang malaking puno na may malalapad na mga dahon at malagong sanga ay nagpunta sila sa lilim niyon at nagpahinga ng sandali."Ang iyong paraan ng pagh
Read more

KABANATA 16

Kasakuyang taon...Maaliwalas ang panahon na maihahalintulad sa nararamdaman ni Prinsesa Amira ng kaniyang masilayan si Rycon na abalang-abala sa pagbubuhat ng dalawang timba na may lamang gatas ng baka. Wala itong damit pang-itaas at kitang-kita ng Prinsesa ang magandang hubog ng katawan ng binata. Wala siyang pakialam sa agwat ng kanilang edad kahit na magka edad sina Rycon at ang kaniyang bunsong kapatid na si Prinsipe Zaitan. Inayos niya ang ayos ng kaniyang mahabang buhok at binuklat ang kaniyang kulay lilang abaniko. Hinawak niya sa laylayan ang kulay lilang kasuotan at naglakad papalapit kay Rycon."Magang Umaga sa iyo, Rycon." Bati ng Prinsesa sa binata. Napahinto si Rycon at napabaling ang tingin sa Prinsesa. Ibinaba niya ang hawak na mga timba at yumuko upang batiin pabalik ang Prinsesa."Magandang Umaga, Kamahalan." Bati no Rycon.Matamis na napangiti ang Prinsesa. Mas lalong sumibol ang paghanga sa kaniyang puso nang mapagmasdan sa mas malapitan si Rycon. Kapansin-pansin a
Read more

KABANATA 17

Taon 1800...Nagising ang Prinsipe na si Zaitan mula sa isang masamang panaginip. Tagaktak ang kaniyang pawis habang inaalala ang bawat detalye ng kaniyang masamang panaginip na ayaw na niyang muling mapanaginipan. Ang kaniyang panaginip ay tungkol kay Rycon. Natutuo raw ang binata kung paano gumamit ng teleportasyon at nakita niya sa leeg ng binata ang marka na patalandaan ng Prinsipe Zumir. Sa kaniyang panaginip ay nasaksihan niya ang kaniyang kamatayan. Winakasan ng isang bampira na hindi niya nakilala ang kaniyang buhay. Kasama ng bampirang iyon ang isang Binibini na may mahaba at kulot na buhok ngunit hindi niya naaninag ang mukha nito.Inaalala niyang muli si Rycon na may kakaibang kakayahan sa paghawak ng mga armas. Ang bampirang iyon ay ordinaryo lamang at bukod sa mahusay itong gumamit ng mga armas ay wala na itong ibang kakayahan. Malabo rin na mangyari ang nasa kaniyang panaginip sapagkat ang katulad ni Rycon na isang ordinaryong bampira lamang ay hindi agad matututo ng te
Read more

KABANATA 18

Taon 1803...Hindi mapakali ang nadudurog na puso ni Misan nang malamang pansamantalang lilisan si Prinsipe Zaitan upang mag-ensayo kung paano kontrolin ang kaniyang pambihirang kakayahan. Kailangang-kailangan niya ang pagsasanay na iyon dahil mga nagdaang buwan na sinusubukan niyang gamitin ay hindi nakokontrol ng Prinsipe at madalas siyang mawalan ng malay sapagkat nauubusan siya ng enerhiya. Sa mga nagdaang mga taon ay unti-unting nadiskubre ang mga pambihirang kakayahan ng Prinsipe.May kakayahan ang Prinsipe na gamitan ng mahika ang mga armas upang magkaroon ito ng lason na siyang agarang papaslang sa kung sino mang matatamaan. Ang pangalawang kakayahan ni Prinsipe Zaitan ay ang kakayahan na hindi makita ng kung sino man at maaari itong magtagal kung kailan niya gustuhin. At ang pinaka nakakahangang kakayahan ng Prinsipe ay ang kapangyarihan na kayang kontrolin ang galaw ng mga bagay sa paligid.Sa mga nagdaang mga taon ay nahulog ang loob ni Misan sa mga ipinapakita sa kaniya ng
Read more

AUTHOR'S NOTE

Magandang Umaga sa Lahat! Pasensiya na po at ilang araw akong hindi nakapag-update dahil din sa sobrang ka busy-han dahil po nagsimula na ang classes. Sa totoo nga po ay may utang pa akong apat na chapters sa inyo pero dalawa lang ang kinaya kong i-update ngayon pero baka ay madagdagan po mamaya hahaha. Gusto ko pong magpasalamat sa 200+ reads at 28 subscribers. Sobrang nakakataba po ng puso huhuhu. I'll do my best po para hindi mabakantehan ang isang Linggo, sisiguraduhin ko na may update talaga at ng hindi po kayo maghintay ng matagal sa updates. Salamat po ulit and more power! -Depthless_Scrivener
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status