Anya’s POVPinagmasdan ko ang engagement ring na nakasuot sa aking ring finger. Kumikinang ito, gawa sa mamahaling diyamante. Isang araw na lang at ikakasal na ako at matatali sa taong sobra kong mahal.We will throw a bachelorette party today. Nakaplano na ito bago pa ma-settle ang date ng kasal. It is kind of tradition sa family namin. We are all girls, and ako na lang sa amin ang hindi pa naikakasal. “Excited ka na ba for tonight?” tanong ni Ate Bea. Nakaharap ako sa salamin, kasalukuyang nag-aayos. Tanging sa repleksyon ng salamin ko lang siya nakikita. Naglagay ako ng kaunting foundation sa mukha at iniayos ang manipis kong bangs.“Syempre, ito ang huling araw na dalaga ako.” Ngumiti ako, at nasilayan ko ang kislap sa mata ni Ate Bea mula sa repleksyon ng salamin. “Ang dami naming hinandang supresa sa ‘yo ni Kara at Angeli.” Umawang ang labi ko noong marinig ang pangalan ni Angeli. Malapit kong kaibigan si Angeli dahil bestfriend siya ng aking mapapangasawa. Si Ate Kara at si
Huling Na-update : 2023-03-15 Magbasa pa