Pagpasok palang sa hospital room ni mama ang masayang mukha niya agad ang bumungad sa akin. Alalay niya ang isang nurse habang naglalakad ng dahan-dahan. Tagal na rin pala ng madalaw ko si mama dahil naging abala din kasi ako kay Jayden. "Anak, mabuti naman at napadalaw ka? Ang akala ko ay tuluyan mo na akong nakalimutan. Maayos kana man ba sa bahay ng asawa mo?" nagulat pa ako sa tinanong ni mama dahil wala pa akong nababanggit sa kanya tungkol kay Jayden. Inilagay ko muna sa ibabaw ng lamesa ang mga dala kong pagkain para kay mama. Ang iba dito ay galing sa pera ni Jayden kaya kahit labag sa kalooban ko ay dinala ko na rin. "Anak, kumakain kaba ng maayos doon? Hindi ka naman ba nagiging sakit sa ulo ng asawa mo?" "Nay, naman, kailangan ba ako naging sakit ng ulo sainyo? Tapos magiging sakit ng ulo din ako sa asawa ko? Malabo iyon nay dahil ayoko maging pabigat,""Mabuti naman anak dahil napakabuti ng asawa mo. Utang na loob ko sa kanya kung bakit nagiging maayos na ako kahit papa
Last Updated : 2024-02-18 Read more