"Alyana!" pagsigaw ni Eduard sa likuran ko. Wala akong attention para lingunin siya. Nasasaktan ang puso ko. Parang binibiyak ang dibdib ko dahil sa sakit. Patuloy ang pagtakbo ko papalayo kay Eduard. Malakas lamang ang pagbugso ng ulan. Sobrang lamig ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Pinagdadaanan lamang ako ng mga sasakyan sa tabi ng kalsada. Napayakap na lamang ako sa aking sarili. Doon na ako napahagulhol sa pag-iyak. Gulong-gulo ang isipan ko. Para akong baliw habang umiiyak. "Alyana! Alyana mag-usap tayo!" rinig ko ang pagtawag ni Eduard papalapit sa akin. Napahinto ang mga paa ko sa pagtakbo. Nangangatog lamang ang tuhod ko. Dahan-dahan akong napaharap kay Eduard. Sumasabay lamang sa buhos ng ulan ang mga luha ko. Ang lamig sa pakiramdam. Naninigas ang katawan ko sa sobrang lamig. Pakiramdam ko huminto ang mga sandali. Pakiramdam ko hindi makagalaw ang mga paa ko. "Alyana! Alyana I want to talk to you if this is true, okay?" Nagsu
Read more