PAGKATAPOS dalawin sa ospital ang kapatid ay dumiretso sa Baguio si Raquel. Ayon kay Arthur ay nasa bahay nito ang wedding gown na isusuot niya ‘pag sumapit na ang takdang araw ng kanilang kasal. Tanghali siya dumating sa kanyang destinasyon. “Ma’am, nakahanda na po ang hapag,” pabatid sa kanya ng isang kasambahay. Kanina pa siya nakaupo sa sofa at tinititigan lang ang kahon kung saan nakalagay ang kanyang wedding gown. Alam niyang maganda ang disenyo niyon kahit hindi usisain. “Mauna na kayong kumain,” wika niyang walang emosyon. “Eh, ma’am. . .” Napakamot sa batok nito ang kasambahay. Tumayo siya at dinampot ang kahon. Dadalhin niya iyon sa guest room. “Bakit?” “Galing ho kayo sa biyahe, tiyak na gutom kayo. Gusto niyo bang dalhan ko kayo ng makakain sa iyong silid?” “Huwag mo na akong intindihin,” aniya. “Busog pa naman ako, e. Papanaog na lang ako mamaya para kumain. Sige, papanhik muna ako sa aking silid.” “Tawagan n’yo na lamang ako s
Terakhir Diperbarui : 2022-11-13 Baca selengkapnya