KANINA pa paikot-ikot si Raquel sa loob ng kwarto pero hindi mahanap ang kanyang sketchpad. Nabaling ang tingin niya sa pinto nang makarinig ng katok. “Pasok,” sabi niya. Dumapa siya sa sahig upang silipin ang ilalim ng kama. “Raquel, kanina pa kita hinihintay sa sala. Ano ba–” Hindi natapos ang sasabihin ni Arthur nang makita ang ayos ng dalaga. “Hey, may hinahanap ka ba?” “Oo,” sagot ni Raquel sabay tayo. “Hindi ko makita ang sketchpad ko.” “Marami namang mabibiling sketchpad sa Manila. Pagdating natin doon ay ibibili kita nang marami.” “Hindi lang ‘yon basta sketchpad.” Nasapo niya ang sariling noo at disappointed na umupo sa gilid ng kama. “Sa sketchpad na iyon ang final na iginuhit kong dream house namin ng kapatid ko.” “Oh, I’m sorry,” mukhang sincere naman sa sinabi nito ang lalaki. “Pwede ka naman gumuhit ulit. Pagkatapos ng ating kasal titira na kayong magkapatid sa bahay ko sa Baguio. Handa akong tulungan ka na matupad ang dream house n’yo
Huling Na-update : 2022-11-10 Magbasa pa