NATASHA'S POINT OF VIEWMaaga akong umalis ng bahay para ilako ang mga basahang pinabenta sa akin ni Manang Lina sa mga jeep driver at karinderya. Ito ako ngayon, nagpapahinga sa isang tindahan habang iniinom ang tubig na nabili ko dahil sa pagod. Ako nga pala si Natasha Castillo, 24 years old, nagtapos sa kursong Business Management.Umeekstra sa gantong trabaho dahil napalayas ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko nitong nakaraaang buwan. Pano ba naman kasi sinampal ko pagkatapos akong hipuan nung kumukuha ako ng tubig sa water dispenser, ayun dugo yung bibig nya at ako naman namula yung kamay dahil sa ginawa ko. Hindi manlang ako nakatagal, wala pang isang buwan, tinanggal agad ako. Unfair lang ng buhay dahil hindi manlang ako binigyan ng paliwanag bakit ko ginawa yun, basta sinibak na lang ako bigla. Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ay nakita ko si Mang Nestor na mukhang kakapunta lang sa terminal ng jeep kaya agad ko syang tinawag."Mang Nestor!" sigaw ko sa pangalan nya na agad
Last Updated : 2022-09-12 Read more