Ni linga-linga ko ang paningin ko at walang tv si insan, walang ref, wala din siyang aircon. Kaya pala nag sisimula na akong pag pawisan dito eh, kase ang hot ko este ang init-init."Ahh, baka may electric fan siya?" Tinapos ko na muna yong kinakain ko at pumunta sa kwarto ni insan, napangiti naman ako ng may makitang electric fan kinuha ko ito at dinala sa sala. Nang isaksak ko yon ay napakamot ako sa kilay ko nang hindi ito gumagana."Sira yata to ah, oyy sira ka ba? Hello?" Sinundot-sundot ko yong electric fan at nanlaki ang mata ko nang matumba siya bigla... tang*na namatay na siya, nahiwa-hiwalay yong katawan niya!Natataranta naman ako kase di ko alam kung pano ito ayusin.Hala baka magalit si insan sakin kase sinira ko yan pero sira na naman talaga yan...kung bilhan ko nalang kaya siya ng bago no? Mura lang naman yong ganyan, may pera naman ako dito pero nga kailangan kung mag tipid, lalo na ngayon na hindi pa ako nakakahanap ng trabaho, ayaw ko namang manghingi kay Mommy gusto
Huling Na-update : 2022-08-19 Magbasa pa