Tahimik ang paligid at tanging putok ng baril ko lang ang maririnig. Nagpa-practice ako ng gun shooting sa likod ng bahay namin. At sa tingin ko mahigit isang oras na rin akong nandito.Wala namang makakarinig o makakakita sa'kin dito dahil wala kaming kapitbahay. Malayo kami mula sa mga kabahayan dahil kami rin ang may pinakamalaking bahay sa subdivision na 'to.Gamit ang 9mm Nickel Magnum Black Firing Revolver gun ko, inaasinta ko isa-isa ang mga shooting target na ilang metro ang mga layo mula sa'kin. Sa limang shooting target, lahat tinamaan ko ng bull's eye."Mademoiselle"Napalingon ako sa tumawag sa'kin, "Oh, Cedrick."Si Cedrick ay isa sa mga butler ng pamilya namin. Matagal na siya sa'min at mas matanda lang siya ng isang taon kay Ate Artemis."Pinatatawag na po kayo ng mga kapatid niyo, Ms. Athena. Handa na ang almusal," sambit niya."Sige. Susunod na ako," sagot ko.Ala siyete pa lang ng umaga at ito ang pinaka-exercise na ginagawa ko bago pumasok sa school.Niligpit ko mun
Huling Na-update : 2022-08-06 Magbasa pa