Home / Romance / Love is Dead / Chapter 1 - Chapter 3

All Chapters of Love is Dead: Chapter 1 - Chapter 3

3 Chapters

Chapter 1: RIP Pag-ibig

***Marahas at maingit na umuuga ang malambot na kama sa condo ni Ram. May impit na dumadaing. May malakas na umuungol habang pinapalo nang mahina sa puwit. Base sa dalawang pares ng paang masisilip mula sa ilalim, may nakatuwad at may nagpatuwad. Sigurado si Aly na ang boyfriend niyang si Ram ang lalaki. Siya dapat ang babaeng sumabog na ang utak sa alapaap habang isinisigaw ang lahat ng patinig sa alpabeto. Pero siya na girlfriend ay nagtatago sa ilalim ng kasumpa-sumpang kama habang suot ang Victoria’s Secret lingerie na bagong bili.‘Shit ka, Ram. Sino ’yang babaeng ’yan . . .?’ Sa halip na itanong iyon ay tutop ni Aly ang bibig. Ayaw niyang makagawa ng ingay gaya halimbawa ng pagmumura nang walang humpay sa dalawang gumagawa ng bata. Gumagapang sa balat niya ang panlalamig kasabay ng pamamanhid ng kalooban.Ni hindi niya maalala kung paano siyang nagsuot sa ilalim ng kama o kung gaano kabilis. Basta one hour and fifteen minutes ago, pumasok siya nang palihim sa bedroom sa condo
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2: Unwilling

*** “I like your beard,” mapungay ang mata at may ngiti sa labi na sabi ng kaharap na babae ni Noonie. She was leaning seductively on the counter. Pinasisilip siya sa mababang neckline ng dress na suot nito.Hindi niya itinago ang ginawang pagsilip. She has big, milky white breast accentuated by the low light of the bar. He liked what he saw.“So you like beards. Does that mean that your boyfriend has a beard too?” simple niyang tanong habang naghahanda ng alak nito.“Stop that. Do I look like I have a man?” anitong makintab sa insinuations ang mga mata.He smiled. She just bit on the bait. Mukhang ito ang makakasama niya sa magdamag. “You shouldn’t be single, lady.”“Oh, but I am.”“You shouldn’t be left alone. It’s hard to imagine you without a guy pursuing.”“Well, let’s just say that . . .”—pinalagkit nito ang titig sa kanya. Pinababa ang tinig—“I’m not looking for anything serious right now. Just someone to get me through the night.”Lumapad ang ngiti niya. “I’m easily seduced b
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3: If you can't take it...

*** “He’s cheating on me . . .” bulong ni Alyson pagmulat. Nananaba ang eyebags at nangangapal ang labi niya. Mainit at masakit ang sikmura habang halos nakasaklob sa mukha niya ang pulang thong na hawak nang gabing nagdaan. “Still the smelly thong . . .”“Hey, damsel in distress . . .”Kasabay ng pag-iitsa ng thong ay napatingala siya sa uluhan sa pamilyar na lagom ng boses ni Noonie. Hubad-baro itong nagtutuyo ng buhok gamit ang isang tuwalyita. Nakasabit ang maong jeans na suot sa matikas na V-line. Kahit masakit ang mata ay nagawa niyang hagurin ng tingin ang abdominal muscles ng lalaki. May balahibo itong tulay mula sa pusod papasok sa nakatago sa pantalon. May mumunting balahibo rin sa dibdib. Nilunok niya ang pait sa lalamunan. “Bakit kayong magkaibigan . . . may ridiculous na abs . . .?” pabulong niyang tanong. Hindi pa siya makakilos sa couch. Masakit ang katawan niya dahil sa makipot na espasyong hinigaan.“It’s for the girls, Aly. Women love abs.”Mahina siyang natawa.
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status