April 15th had come, ang araw ng kaarawan ni Charles. Sa isang exclusive hotel gaganapin ang kan'yang kaarawan. Isa itong hotel malapit sa exclusive village sa Makati."You look so pretty, Cosette," ang namamanghang ani ni France habang katabi si Cherie, ang aking personal assistant. Pinapanood nila ang makeup artist na ilagay ang isang kuwintas na yari sa pilak at diyamante. Nakasuot ako ng isang evening gown. Ang tube top ng aking blue gown ay yari sa pearls. May manipis din na tela na nakadantay sa gilid ng aking balikat. Samantala, yari naman sa silk ang mahabang dark blue skirt na umabot ang haba sa sahig."You look perfect, Ms. Cosette." Ngumiti ang makeup artist. Pinasadahan niya ng tingin ang mahaba kong brown hair na umabot lagpas sa aking siko. Plinantsa ang aking buhok kaya straight na straight ito ngayon. Ang eyeshadow ko ay smokey ang style. Ang ibang parte ng aking mukha ay minimal lamang ang makeup."Nasaan si Charles?" ang tanong ko matapos tumayo sa upuan."Nasa hotel
Last Updated : 2022-07-29 Read more