" Congratulations, Abby and Oswald," abot tengang pagbati sa kanila ng bestfriend niyang si Angela, hindi niya tuloy alam kung seryoso ba ito o sadyang inaasar lang siya neto. " Thanks," malamig na sagot ni Oswald atsaka ito uminom sa hawak na basong may lamang wine. Apat na oras na silang nakaupo rito sa kinaroroonan nila kaya alam ni Abby na kagaya niya ay bored na rin ang lalaki sa kapapanood ng mga bisitang nagkakatuwaan sa ginagawang programa ng wedding coordinator nila. Napabuntong-hininga na lang si Abby at pabagsak na sumandal sa upuan. Gustong-gusto na niyang hibarin ang suot na reception gown niya, pagod na talaga siya sa buong araw na pagtayo't pagngiti sa harap ng mga tao, pagod na siyang magpanggap na masaya siya. " Mauna na ako, pagod na ako. Ikaw na bahala kung mananatili ka pa," mahinang bulong ng asawa sala nito nilapag ang hawak na baso at tumayo. Pinagmasdan niya ang likuran nito habang naglalakad palayo. Hinayaan niya lang ang lalaki dahil ala
Last Updated : 2022-07-25 Read more