TATLONG-ARAW na ang lumipas. Ngunit wala pa rin akong nakukuhang perang pangpiyansa sa tatang ko. Sinubukan ko ng lumapit sa mga charity at ibang pang org para humingi ng donasyon pero hindi 'yon sapat para mailabas ko ang itay. “One night stand? Gusto mo?” alok ni Marites, kapitbahay kong GRO. Nagtatrabaho siya sa isang club sa bayan.Si Marites ang unang babaeng nakilala ko at naging kaibigang matalik mula nang mapadpad kami sa dito Tondo. Madali kong nakagaanan ng loob si Marites dahil sa pareho naming ugali, hindi man kami pareho ng way pero pagdating sa pamilya gagawin namin ang lahat.“Jusko! Virginity na nga lang ang meron ako, mawawala pa ba?” natatawa kong sabi.Umirap siya at nagsindi ng sigarilyo. Inalok niya ako ng stick pero agad akong tumanggi. “Virginity? Uso pa ba ‘yun? Maganda ka, sexy, makinis at birhen. Tiyak sa isang gabi lang Jackie paniguradong kinabukasan malalabas mo sa selda ang tatay mo baka nga makapag-aral ka pa.”Napangisi ako at umiling-iling. “Ayoko, w
Last Updated : 2022-07-21 Read more