"Okay lang 'yun, Mommy. Nakausap na ako ni Mr. Gardner tungkol doon, at ako rin naman ang nagdesisyon na magtrabaho sa araw na 'yun," kalmadong sagot ni Ivy "Ako ang pinakabata sa mga intern ngayong taon, at dapat ako ang mag-take ng shift na 'yun."Sa shift siya, dapat umalis siya ng 10 pm sa bahay nila, ibig sabihin, sasalubungin niya ang bagong taon sa TV stationIto ang unang Bagong Taon na hindi makakasama ni Ivy ang kanyang pamilya, at kahit si Avery na walang pakielam sa ibang bagay ay nahihirapang tanggapin na mag-isa ang kanyang anak sa New Year's Eve."Ayaw ni Hayden sa mga kumpanyang masyadong pinapahalagahan ang seniority." Alam ni Avery na hindi niya mababago ang desisyon ni Ivy pero gusto niya pa ring sabihin ang bagay na ito. "Kapag palagi kang nakikipag-compromise, minsan ginagamit yun ng iba bilang lisensya na ibully ka kaya nga yung iba ay mas pinipili nalang na maging demanding at selfish."Tumango si Ivy at kinonsidera ang payo ni Avery."Mommy, siguro nasanay
Read more