Jhiya's Point of view..''Tulala kana naman?'' tinig sa likuran ko na agad kong ikinalingon.Si Kris, ang bestfriend ko na nakakaalam ng lahat ng tungkol samin ni Derex. Ang taong minahal ko ng husto at minahal ako ng buong puso.''Siya na naman ano? Hanggang ngayon ba nagsisisi ka na nakipag hiwalay kakay derex? Anim na taon na ang nakalipas Jhiya baka nga may asawa na si Derex at mga anak. Kaya pwede ba Jhiya kalimutan mo na si Derex at sagutin mo na lang si Drio, mayaman ito at tiyak na kayang kaya nitong isurvive yung kumpanya ninyo at pati narin ang mansyon nyo.'' suggest nito na inilingan ko.''Paano ko papakasalan ang lalaking yon kung ang mahal ko pa rin ay si Derex?'' tanong ko dito na hindi na nito sinagot pa.Kaya naman napaisip na naman ako at saka ko naalala ang nakaraan.Flashback...''Ano kaba Derex, wag kang sumigaw, baka marinig ka ng yaya ko at ni Mang del. Baka isumbong ako kay daddy..'' kalabit ko kay derex na hindi ako pinapansin bagkos lalo pa niya akong niyakap
Last Updated : 2022-05-25 Read more