C52 END CHARLOTTE POV“Bilisan mo Charlotte!!” Natatawang sigaw sa’kin ni Jezz habang tumatakbo kami rito sa loob ng mall. Sumusunod kasi sa amin si Isaiah at Caleb, kaya kailangan naming bilisan para makawala kami sa kanila. Para kasing tanga ang mga asawa namin. Ayaw kaming paalisin na kami lang.“Oh! Sorry!” Hinging tawad ko ng mabangga ko ang isang bata.“Ayos ka lang ba baby?” Tanong ko habang tinulungan ko siyang tumayo.“Maabutan na talaga tayo.” Napatitig ako sa bata habang nasa likuran ko si Jezz. “Parang may kamukha ka..” Wika ko habang tinititigan siya.“‘Di ba Jezz?” Napatingin naman si Jezz sa batang hawak ko sa kamay.“Parang kamukha siya n-.” Naputol ang sasabihin sana ni Jezz nang may Isang babaeng yumakap sa batang hawak ko.“Bakit ka umalis? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?” “Sa susunod bantayan mong mabuti ang anak mo. Hindi pwedeng basta nalang silang umalis, lalo na at nasa mall. Ang daming tao. Baka mapano pa sila.” Napatingin ako kay Jezz dahil sa sina
Last Updated : 2024-10-29 Read more