"Ma'am! Aba, ngayon na lang ulit kayo pumunta rito, ah? May celebration ba?"Friday night. Recently, kapag tapos na ako sa trabaho ay dumidiretso kaagad ako sa bahay. Not because walang nag-aaya sa akin, but because I want to regain myself. Ilang linggo na rin ang nakaraan noong huling pag-uusap namin ni Sir Phillip. Naging maayos naman ang huli naming pag-uusap, pero deep inside, it was really painful."Busy lang these past few weeks, ikaw? Kumusta naman ang college life mo?" pag-iiba ko. Nakilala ko siya rito noong college pa ako, I think he was a senior high school student at that time. Talagang inspirado siyang mag-aral kaya kahit delikado ang pagta-trabaho sa bar, tinanggap niya pa rin."Last sem na po ngayon. Tapos syempre, ga-graduate na rin sa wakas. Salamat nga po pala sa tulong ninyo sa akin noon. Kung wala po kayo, baka hindi pa po ako fourth year college ngayon," mahinahon niyang sabi.Bigla ko tuloy naalala ang araw na iyon. Sa nais kong magliwaliw at kalimutan muna ang p
Huling Na-update : 2022-06-11 Magbasa pa