Home / Romance / A WONDERFUL MEETING WITH YOU / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of A WONDERFUL MEETING WITH YOU: Chapter 1 - Chapter 10

16 Chapters

Kabanata 1

Cozy ambience, couples in every table, steak, wine and candle light dinner with matching mellow music. A perfect place for a perfect date. Ito ang nasa isip ko habang nakaupo ako sa table for two kasama ang aking boyfriend for five years. Perfect kasi siya para sa akin. Guwapo, mayaman, mabait at maalalahanin. Wala na akong mahihiling pa sa kanya. At kaya naman kami nandito sa loob ng nakaka-in love na restaurant na ito ay para i-celebrate ang aming fifth year anniversary as a couple. We've been together for five years at kasal na lang ang kulang sa amin. Ginagawa na kasi namin ang ginagawa ng isang tunay na mag-asawa. We're planning to get married next month. Sa katunayan, nag-aayos na kami ng mga kakailanganin namin para sa kasal namin ni Ted. Hindi dapat simple lamang ang kasal namin dahil tiyak na maraming mga taga-media ang dadalo sa kasal ko. It's because of me. As a ramp model I became well-known in the industry. Kaya maraming nag-aabang kung kailan kami ikakasal
Read more

Kabanata 2

"Aahh!! Help me!" malakas kong sigaw habang inihaharang ko ang aking mga braso sa aking mukha para maprotektahan ko ang mukha sa mga nagliliparang basag na bahagi ng salamin nang aking kotse. Wala akong tigil sa kakasigaw nang bigla akong matigilan. Tila walang nakakapa ang mga kamay ko at hindi na rin umiikot ang pakiramdam ko. Nagtaka ako kung bakit hindi ko na maramdaman ang sakit ng ulo ko na dulot ng pagkakauntog sa gilid na salamin ng aking kotse. Anong nangyayari? Bakit tila ayos lang ang pakiramdam ko? naguguluhan kong tanong sa aking isip. Para masagot ko ang aking tanong ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang matuklasan kong wala na ako sa loob ng aking kotse kundi nasa isang lugar na pawang kaputian lamang ang aking nakikita. At hindi na ako nakaupo kundi nakahiga sa isang puting sahig. "Where Am I?" sambit ko. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at mabilis na nagpalinga-linga sa aking paligid. Wala man lang akon
Read more

Kabanata 3

Ang dalawang pangungusap na lumabas sa bibig ng lalaking bagong dating ay tila bumingi sa akin. Ako? May asawa na? At asawa ko ang lalaking kaharap ko ngayon?"Iiwan ko muna kayo para makapag-usap kayong mag-asawa. Bibili lang ako ng pagkain ni Feelin, Rafael," mataktikang paalam ng babaeng nagsasabi na kanyang ina. Or maybe it's true, but not her mother but the mother of this woman's body."Ano ang sabi mo sa akin? You are my husband?" tanong ko sa lalaki nang makalabas na ang mama ng babaeng nagmamay-ari ng katawang nakita ko sa salamin."Wala na ang mama mo kaya puwede bang huwag ka nang magpanggap," naiiritang pahayag nito. Mukhang hindi ito masaya na nagising siya, este, iyong babaeng nagmamay-ari pala ng kanyang katawan. Nang tinangka siyang lapitan ng lalaki ay bigla siyang napatili."Huwag kang lalapit sa akin dahil kung hindi ay sisigaw ako ng malakas," nata
Read more

Kabanata 4

Hindi ako makapaniwala. Talagang ipinagtulakan ako ni Rafael palabas ng bahay niya. Ang sama naman ng ugali nang asawa ni Feelin. Hindi naman niya kailangang ipagtulakan pa ako palabas dahil talagang aalis naman ako sa bahay niya kahit hindi niya sabihin. Hindi ako si Feelin kaya bakit pa ako mananatili sa bahay ni Rafael? Pero sa halip na palayasin ako sa bahay niya ay bakit hindi na lang siya pumayag na makipag-divorce sa akin? Dapat pa nga ay matuwa siya dahil nakikipaghiwalay ako sa kanya. Mulha namang wala siyang pag-ibig sa kanyang asawa kaya bakit hindi siya pumayag na makipag-divorce sa akin?Sa halip na pakaisipin ko ang dahilan kung bakit hindi pumayag na makipag-divorce sa akin si Rafael ay nagpasya akong puntahan sa condo nito si Ted. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kanya ang mga pinag-usapan namin na tanging kami lamang ang nakakaalam. Tiyak na maniniwala siya sa akin kapag narinig niya ang mga sasabihin ko. Pero teka
Read more

Kabanata 5

Masakit na masakit ang dibdib ko dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ng dalawang taong itinuring ko na siyang pinakamalapit sa akin. Wala akong kaalam-alam na isinusuka na pala ako ni Ted. Na habang ginagawa namin ang ginagawa ng mga mag-asawa ay ibang babae pala ang iniisip niyang kasiping. At ang matalik ko pang kaibigan. Nagsisisi ako kung bakit ipinagkatiwala ko pa sa kanya ang aking sarili. Kung bakit ko pa siya nakilala at minahal.Dahil sa sakit ng dibdib ay ipinasya kong magtungo sa isang bar. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para kahit paano ay pansamantala kong makalimutan ang sakit na dulot ng mga natuklasan ko."Miss, saan ang punta mo?" tanong sa akin ng driver na puno ng pagtataka ang mukha. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya umiiyak."Dalhin mo ako sa pinakamalapit na bar," sagot ko habang sumisinghot."Sa tingin ko ay dapat na umuwi ka na
Read more

Kabanata 6

Ang sakit ng ulo nang magising ako. Ito na yata ang tinatawag na hangover. Naparami kasi ako ng inom kagabi kaya parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Although I drinks alcohol but I seldom got drunk. Patikim-tikim lamang kasi kung uminom ako ng alak kaya hindi ko naranasang malasing talaga at magka-hangover. Ngayon lang.Akmang babangon na ako sa kinahihigaan ko nang ma-realized kong nasa loob ako ng kuwarto ng bahay ni Rafael. Biglang napakunot ang aking noo. I don't remember that I came home after I got drunk. So how did I came here?"Mabuti at gising ka na, Feelin," sabi ni Rafael na biglang pumasok sa nakabukas palang pintuan. Seryoso ang anyo na iniabot niya sa akin ang isang tableta at isang basong tubig. "Heto ang gamot. Inumin mo para mawala ang hangover mo."Akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang maramdaman ko ang paghilab ng aking sikmura. Agad
Read more

Kabanata 7

"Can you repeat what you just said?" tila nabingi kong tanong  sa kanya. Sa tingin ko ay imposibleng magahasa si Rafael ni Feelin. Ang laki nitong lalaki at isa pa itong pulis. Kaya malamang ay binibiro niya lamang ako."You heard what I said so I will not repeat it again," tugon niya sa akin sa seryosong anyo."It's ridiculous! How can rape a strong man and also a police like you?" bulalas ko nang makita na mukhang nagsasabi siya ng totoo. "Yes, it's ridiculous. But you did. And it's a shame once the people know that a police captain like me was raped by spoiled woman like you. People will laugh at me that's why I choose to marry you," hindi humihiwalay sa akin ang mga paningin na sa sagot niya.Ilang beses akong napakurap-kurap habnag nakatingin sa mukha niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Feelin ang bagay na 'yon dahil sa sobrang pagmamahal nito kay Rafael. At kahit hindi naman ako gumahasa sa ka
Read more

Kabanata 8

Kinakabahan ako habang papasok ako sa condo kung saan narito ang aking condo unit. Baka kasi hindi ako papasukin ng guard dahil hindi naman ako nakatira rito, I mean, si Feelin pala. Mas mahigpit ang guard ng condo ko kaysa sa tinitirahang condo ni Ted. Sabagay, mas mahal kasi ang condo na tinitirahan ko kaysa kay Ted kaya siguro ganoon. Abot-abot ang dasal ko na sanay ay hindi ako mapansin ng guard lalo pa at may mga kinakausap itong customers. Kapag sinita niya ako at hindi pinapasok ay tiyak na sa isang mumurahing apartelle ako ngayon matutulog. Mabuti na lamang at hindi ko kinalimutang dalhin ang pera na pinagbentahan ko ng wedding ring ni Feelin. Sorry na lang Feelin at ibinenta ko ang wedding ring mo. Gipit lang talaga ako at saka ikaw lang naman ang nagpapahalaga sa pagsasama ninyong dalawa. Ganoon talaga siguro kapag pinikot mo lang ang asawa mo. "Sandali lang, Miss!" malakas n
Read more

Kabanata 9

Paano nangyaring nandito ang pangalan ni Feelin? At nakasulat na talagang sa kanya ko nga iniiwan ang lahat ng mga pag-aari ko pati na ang condo na ito sakali mang may masamang mangyari sa akin. At kapag may masamang mangyari naman kay Feelin ay saka pa lamang mapupunta kay Ted ang mga pag-aari ko. Lihim akong napangiwi sa huling nabasa ko. Bakit ko ba isinulat pa ito? Para ko na ring sinabi kay Ted na patayin niya si Feelin para mapunta dito ang lahat ng mga pag-aari ko. Pero hindi bali na. Sa ibang araw ko na lamang iisipin ito. Ang mahalaga ngayon ay ako ang mananalo sa aming dalawa ni Ted. Hindi ako mapapalayas sa condo ko dahil may katibayan na akong hawak na pirmado pa ng isang abogado na siyempre'y kilala ko dahil siya ang aking abogado.  "O bakit hindi ka na nakagalaw diyan? Ano iyang mga papeles na binabasa mo?" tanong ni Ted sa akin. Tila nainip na siya sa paghihintay sa akin kaya nilapitan na niya ako at pahablot na kinuha sa akin ang mga
Read more

Kabanata 10

Biglang naningkit ang mga mata ni Rafael nang marinig ang mabilis kong pagpayag sa alok niya. Siyempre, bakit naman hindi ako papayag kung kapalit ng pag-arte  ko bilang loving wife sa harap ng pamilya niya ay ang aking kalayaan?"Inuulit ko. You are my loving wife. Alam ng family ko kung gaano ako kamahal ni Feelin kakaya kapag malamig ang pakikitungo mo sa akin at tila ba gusto mong tumakbo kapag nasa harapan ako ay tiyak na makakahalata sila," nakasimangot na paalala niya sa akin. I just rolled my eyeballs. Kung hindi ko lamang alam na pinikot lamang siya ni Feelin ay iisipin kong may gusto siya sa asawa niya."Rafael, I miss you. I love you, Rafael," malambing kong sabi sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan na tila ba ngayon lang siya nayakap ng isang babae.  Hindi ba siya niyayakap ni Mitzy? B
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status