"Ah, oo. Schoolmates ko sila, Ate Jamie.""Don't tell me pati yung babae-?" Hindi ko na pinatapos pa si Ate dahil agad din akong tumango."So, kailangan na talaga namin lumipat sa SFU para mabantayan si Iya." Sabat naman ni Justin."Hindi niyo naman ako kailangan bantayan. Kasama ko naman palagi yung mga kaibigan ko. At isa pa, masyadong malaki ang SFU. Minsan ko lang makita si Eunice. Madalas nga ay hindi pa. Kapag nagkakasalubong naman kami, lagi kong kasama mga kaibigan ko kaya hindi rin siya nakakalapit." Pagpapaliwanag ko pa sa kanila."Paano kung hindi na kayo magkakaklase ngayong taon? Edi wala kang kasama." Pagpipilit pa ni Justin.Hindi ko naisip yon. Hindi pa kasi namin napag-uusapan sa group chat kung kailan kami mag-e-enroll at kung sabay sabay ba."Kung hindi man, edi ayos lang din. Magkakatabi lang naman ang room ng bawat section ng STEM, Tin.""Hiwalay ba building ng HUMMS sa STEM?" Curious na tanong ni Ygrette kaya tumango ako. Napasimangot naman siya sa nalaman."Hindi
Last Updated : 2021-10-18 Read more