Hindi ito ang unang beses na pumatay siya ng tao, pero kung ikukumpara sa iba-- sa mga normal at pangkaraniwan, sa mga ordinaryong tao-- ang pumatay siguro ng isa ay marami na.Ang pumatay… Hindi ito madali, pero hindi rin naman gano'n kahirap na tulad ng sa una niyang inaasahan.Sa simula, noong wala pa siyang karanasan, ay masyadong kumplikado ang proseso. At madugo. Kahit na pinag-aralan pa niyang mabuti ang tungkol sa anatomiya ng tao batay sa mga impormasyong kanyang nakalap ay hindi pa rin naging madali ang lahat. Ang ilang suson na meron sa pagitan ng balat at buto, ang eksaktong mga posisyon ng lamang-loob a
Last Updated : 2021-10-20 Read more