Third Person’s View Nanginginig ang kamay ni Eris habang hinihintay ang test result niya. Panay ang kuskos nito at hipan sa palad. Hindi siya mapakali ngunit hindi rin maitago ang excitement na nararamdaman ng babae. "Please, be positive," paulit-ulit na dasal nito. Pakiramdam niya ay buntis siya dahil lahat ng palatandaan ng isang buntis ay nasa kaniya. Lihim ang pagpunta ni Eris sa oby-gyne, hindi niya ipinaalam sa asawa ang pakay niyang gawin ngayong araw. Kung positibo ang resulta, uuwing may surpresa si Eris sa asawa. Paniguradong matutuwa ito sa dala niyang balita lalo na at matagal na nilang nais mabiyayaan ng supling. Hindi na sila magtatalo mag-asawa tuwing negatibo ang resulta. Kung sakaling walang laman ang sinapupunan niya, sa sarili lang niya ang disappointment. Humugot siya ng malalim na hininga at hinintay makalabas ang doktora sa loob ng opisina nito. "What's the result, doc? Is it positive or negative?" Pilit ang pagpapakalma ni Eris sa sarili. Her anxiety is eati
Last Updated : 2021-09-18 Read more