"Miss Lin, I already informed you yesterday. I cannot change your exam's score. It was checked thoroughly by your professors and this school's supervisor!" dinig ang sigaw ni Prof. Edna mula sa labas ng faculty kaya napatingin ang nagdadaanang estudyante sa loob. Habang si Kendall Lin, isang top student, ay nanatiling nakayuko ang ulo dahil sa inis. Laki siya sa turo ng kaniyang mga abogadong magulang kung kaya't kailanman ay hindi pa siya umatras sa mga argumento o debate, maliban na nga lang kung doon na niya nasisigurado na mali siya. Hindi siya tumatahimik ngayon hindi dahil nahihiya siya, kung hindi iniisip niya kung nararapat pa bang isatinig ang kaniyang problema sa kan'yang marka. Sa limang taon na pag-aaral niya rito sa Cavin Internatiol School ay wala pang nakakuha ng kaniyang puwesto bilang Top 1. Ngayon lang, kaya nais niyang tanungin kung paano siya nawala sa kaniyang lugar. "Madam, I just think that maybe there is sim
Last Updated : 2021-09-14 Read more