“Sa tingin ko ma'am.. hindi uuwi si sir ngayong gabi,” alanganing sabi ni manang at tiningnan ako na may awa. Umiling lang ako. I hate it when she does it, but then hindi ko rin naman siya masisi because who am I kidding? Nakakaawa naman talaga ako. “Mas magugulat ako manang kung uuwi siya. Ligpitin na lang natin 'to tapos bukas initin natin. Lalo na 'yong Cordon Bleu, manang. Masarap 'yan,” tumulong na ako sa pagliligpit para mas mabilis.Kabaliwan na kung inaasahan ko pa rin na uuwi si Nico. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero alam kong mas pipiliin niya na makasama ang iba sa araw na ito kaysa sa'kin. Sino ba naman kasi ako 'di ba? Asawa lang naman niya ako.Nang matapos na kami, nagulat ako na biglang hinawakan ni manang ang mga kamay ko.
Last Updated : 2021-09-05 Read more