Althea's POV 'But I keep cruisingCan't stop, won't stop movingIt's like I got this music...' "ALTHEA! Bumangon ka na riyan! Hindi mo ba narinig yang tunog sa alarm mo. Alas siyete na!" Ano ba yan! Grabe yung sigaw ni Mama. Hihintayin ko lang naman matapos yung kanta ni Taylor. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto ko, alas sais pa lang sa umaga. Yung unang klase ko alas otso y treinta pa. Kaasar! Inayos ko muna higaan ko, pagkatapos ay naligo tsaka nag toothbrush, nag ayos at nagbihis ng uniporme. Ganyan talaga ang style ni Mama, yung alas sais niya e-a-advance niya ng isang oras. Kesyo ang tagal ko raw magprepare papunta sa school. I'm on my 3rd year highschool this school year, by the way I'm 14 years old. Just call me "Thea" or "AM" in short for Althea May. Today is the first school day this 2018, kakatapos lang ng christmas break namin last year. "Thea, halika ka na! Handa na ang pagkain sa mesa." "Opo Nay! Pababa na po ako!" Pagkababa ko sa dining room, naabutan kong nakas
Last Updated : 2021-09-01 Read more