Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1851 - Chapter 1860

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1851 - Chapter 1860

2346 Chapters

Kabanata 1851

”Alam niya pa kung paano alagaan ang mga bata. Tignan mo kung gaano siya katiyaga sa batang iyon.”“Gusto ko ng isang dosenang lalaking ganito.”“...”Mula sa gilid, si Freya ay natuwa na pinagmumulan ng inggit.Tsk tsk. Masasabi niya na ang pakiramdam na ito ay medyo maganda.Dati, tanging si Catherine lang ang nakakaranas ng pagiging asawa ng gwapo at mapagmataas na presidente. Subalit, sa wakas nararanasan na ito ni Freya sa ngayon.Ang singsing sa kanyang kamay ay talagang maganda.Atsaka… sa unang beses, hindi niya nakita ang mukha ni Rodney na nakakairita at nakakainis....Tanghali.Sila apat ay kumain sa labas.Dinala ni Rodney ang bata para maghugas ng kamay.Tumingin si Harley kay Freya ng diretso. “Talaga bang sinusubukan mo akong inisin sa pagaya sa akin lumabas ngayon? Gusto kong magpalit ng asawa ngayon.”“Hindi. Hindi naman siya ganito dati,” Seryosong sinabi ni Freya. “Siguro ito ay dahil sa nagaway kami kahapon at pinagusapan ang divorce, kaya malinaw na s
Read more

Kabanata 1852

Alam ni Freya kahit sa kanino man kung ano ang kakayahan ni Linda. Ng si Linda ay secretary ni Patrick, maraming mga bagay ang hindi niya kayang gawin ng maayos. Subalit, ang ginawa niya lang ay kumilos na parang spoiled na bata at sa tulong ng ilang mga secretary sa likod niya, nagpanggap siya na may kakayahan at inosente sa harap ni Patrick.Sumang ayon si Harley. “Tanga din si Patrick. Sa kakayahan ng iyong kapatid, ang pamilya Lynch ay umuunlad higit kaysa dati. Kung siya ay nanatili kasama mo noon, ang pamilya Jackson ay hindi muuwing isang biro sa Melbourne tulad ng kung ano sila ngayon.”Uminom ng milk tea si Freya at may sasabihin sana ng ang kanyang mata ay biglang napahinto. Binaba niya ang kanyang ulo. ”Hindi talaga natin mapagusapan ang mga tao sa likod nila. Speak of the devil at ayan na nga siya.”Napahinto si Harley at biglang tumingin, para lang makita si Patrick sa kabilang panig ng aisle. Subalit, maraming partition sa gitna, kaya hindi niya sila nakita. Sa halip,
Read more

Kabanata 1853

”Linda, sinabi ko na sayo. Tapos na tayo.”Pagod na binawi ni Patrick ang kamay niya.Kaagad na nagalit si Linda. “Hindi ako pumapayag. Mahal kita. Sobrang mahal kita. Mamamatay ako kung wala ka. Patrick, nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin? Sinabi mo na hindi mo ako bibiguin at na pakakasalan mo ako. Paano mo nagawa sa akin ito?”Kung ito ay dati, si Patrick ay maaaring malambot ang puso. Subalit, matapos makaranas ng maraming bagay sa Canberra at personal na nakita kung gaano siya sa taong tulad ni Rebecca Jones…Pakiramdam ni Patrick na ang kanyang isip ay sasabog.Simula ng bumalik siya sa Melbourne, pakiramdam niya na may bagay na naipit sa kanynang dibdib. Pinigilan niya ito, pero pakiramdam niya na ito ay sasabog ano mang sandali.“Mahal mo ako?” Malungkot siyang tumawa. “Kailan mo ako minahal? Tatlong taon nakalipas, o bago pa man iyon? Iyon ang dahilan… ako at si Freya ay nagkahiwalay, tama?”Nanginig si Linda, peero tumangi siyang aminin ito. Sa halip, umiyak si
Read more

Kabanata 1854

Syempre, si Patrick din ay naintindihan na ang kanilang katayuan ay magkaiba ngayon. Siya ay prinsesa at perlas ng pamilya Lynch, samantala siya lang ang fallen Young Master ng pamilya Jackson.“Patrick, tara na.” Nagaalalang hinatak ni Linda si Patrick.Tutal patay na si Rebecca, ayaw niya na asarin pa si Freya at Rodney.“Ano? Bakit ka tumatakbo ng makita ako?” Kumurba sa ngiti ang labi ni Rodney. “Hindi ba’t masaya ka na itapon ang mga kasama mo kay Rebecca? Ah, nga pala, ang kaibigan mo din ay nalaman na isang manloloko at ang kanyang buong pamilya ay nakulong. Ito ay malaking panloloko na kaugnay sa daang bilyon. Natandaan ko na ikaw ay merong magandang relasyon sa kanya dati. Hindi ka nahatak dito, hindi ba? Naimbestigahan ka na ba ng pulis?”“Hindi, hindi ako…” Kinabahan si Linda at ang kanyang mukha ay naging kasing puti ng niyebe. “Hindi ako pamilyar kay Rebecca kahit ano pa man.”“Hindi pamilyar?” Masamang ngumiti si Rodney. “Imposible iyan. Noon, pinakilala ka pa ni Reb
Read more

Kabanata 1855

Walang masabi si Patrick.Mukhang siya ay masyadong nagmamadali.Sa madaling sabi, hindi dapat siya lumapit para humingi ng awa.Pinagmukha nito na may pakialam siya kay Linda, sa katotohanan naman, si Linda ang siyang nagdulot kay Freya at sa kanya na mapunta sa posisyon ito...“Hindi mo din kailangan magmakaawa kay Linda. Siya ay tumakas na” Galit na tumuro si Rodney sa pinto gamit ang kanyang nguso.Saka napagtanto ni Patrick na si Linda ay tahimik na tumakas ng siya ay nagmamakaawa para sa kanya.Sa sandaling iyon, nanlamig ang kanyang puso.Para sa babaeng iyon, mali ang pagkakaintindi niya kay Freya at nawala na ang kanyang first love.Hah...Hanggang sa ngayon, akala niya na tutulungan niya si Linda sa huling beses kahit na nakipag hiwalay na siya sa kanya.“Hindi ka ba aalis?” Nakatayo si Rodney sa harap ni Freya, ang kanyang mata ay puno ng panlalait.Si Patrick ay masyadong nahihiya para manatili. Dahil dito, tumalikod siya at naglakad palayo.Saka lang ang mga na
Read more

Kabanata 1856

Napatunganga si Freya. Hindi niya inasahan na sobrang dami niyang binili…Sumugod paharap si Rodney at sinabi, “Mom, hindi ito kasalanan ni Freya. Binayaran ko lahat ng ito. Hindi ko ito naisip ng binili ko ang mga ito. Hindi ako nagingat. Paano kung ganito? Titignan ko kung meron mga villa na walang laman sa neighborhood na ito. Bibilihin ko ito para kay Freya para ilagay ang mga gamit niya.”Si Mrs. Lynch ay napatunganga. Pagbili ng villa para lagyan ng gamit?Ang buhay ng mayayamang tao ay bagay na hindi niya maintindihan.“Hindi na kailangan. Kahit na kung mayaman ka…”“Hindi importante iyan. Atsaka, si Freya ang tanging asawa ko. Saan ko gagastusin ang pera ko kung hindi sa kanya? Ito ay isang villa lang. Hindi ito makakahalaga ng malaki sa akin.”Si Rodney ay lalaking may malalim na bulsa.Hindi na makatanggi si Mrs. Lynch. Tutal sinabi niya na hindi ito gaano magkakahalaga ng malaki, ano pa ang masasabi niya?Sumimangot si Freya. Ayaw niya talaga na gamitin ang pera ni R
Read more

Kabanata 1857

“...”Sa sandaling iyon, kahit na kung ang mukha ni Freya ay kasing kapal ng pader, ang kanyang pisngi ay hindi mapigilan na mamula.Siya ay napatunganga. Ang kanyang utak ay nagshort circuit ng sandali at nakalimutan niya na magsabi ng pambawi sa kanya.Nakita na siya wala siyang sinabi, tumawa siya at patuloy siyang minasahee. “Humiga ka at huwag gumalaw. Mamasahihin ko ito para sayo.”Ayos ito ng mahimbing siyang natutulog. Subalit, ngayon na nagising siya, ang hawak niya ay nakikiliti. Ang kanyang katawan ay namaluktot na para bang siya ay nakuryente. “Bitaw na. Nakakakilit ito…”“Talaga? Lilipat ako ng pwesto.”Pinisil ni Rodney ang kanyang calf.“Huwag. Nakakakilit din diyan… Huwag… Bitaw.” Tumawa ng sobra si Freya ng nanginginig siya, sobrang hindi komportable. Hindi niya napagtanto na ang kanyang boses ay sobrang tamis, na para bang siya ay nakikipaglandian. Higit pa dito, sila ay nasa kama ngayon.“...”Habang nakikinig si Rodney, bumugso ang kanyang dugo.Pakiramdam
Read more

Kabanata 1858

Sa sandaling iyon… napansin ni Freya na may kakaiba kay Rodney.Ang kanyang mukha ay namula hindi makapaniwala.Biglaan, tinaas niya ang kanyang tuhod.“Urk…”Humiyaw ng miserable si Rodney, biglang ginising si Dani.Ang maliit na bata ay naiyak ng magising.Nabigla si Freya at mabilis na gumapang para hawakan si Dani.Ang kanyang damit ay magulo, pero nahanap kaagad ni Dani ang kanyang utong at huminto sa pagiyak.Katabi niya, si Rodney ay nakatayo sa tabi, nanonood. Kung ito ay dati, kaya niya na magpanggap na hindi ito pansinin, pero ang kanyang mukha ay mainit. Kung kaya, kaya niya lang tumingin sa kanya. “Pwede ka bang lumabas?”“Nasaktan ako. Kung malumpo mo ako, kailangan mong maging responsable.” Ang magandang mukha ni Rodney ay naging mapait pero ang kanyang tingin ay nakatitig sa bibig ni Dani na may naiinggit na ekspresyon.“Base sa kung paano ka tumingin, ikaw ay talagang hindi lumpo.”Pinagalitan siya ni Freya habang nakatitig ito nahihiya.“Huwag kang magalala
Read more

Kabanata 1859

Nanatili si Rodney sa pamilya Lynch ng dalawang araw.Kahit na ang pamilya Lynch ay hindi masaya na makita siya, si Mr. Lynch at Forrest ay parehong abala, kaya sila ay madalas nasa kumpanya sa umaga. Paguwi nila sa gabi, sila ay magkakasama ng dalawa o tatlong oras bago bumalik sa kanilang mga kwarto para magpahinga.Kung kaya, hindi ito nakaapekto kay Rodney ano pa man.Masarap na pagkain at inumin ang nakahain sa bahay ng mga Lynch bawat araw at si Rodney ay nakita ang kanyang sarili na masanay na manirahan dito lalo.Subalit, si Freya ay hindi sanay dito. Si Rodney ay masyadong nakakairita. Hindi lang niya kinalkal ang mga mahalay na comics, pero sa sumunod na araw, nagkalkal siya ng ilang mahalay na libro na tinago niya ng sobrang maigi.Sa loob lang ng dalawang araw, ang kanyang puro at eleganteng imahe ay nasira.“Pwede ka bang bumalik na lang? Nagmamakaawa ako, okay? Hindi mo ba kailangan asikasuhin ang iyong kumpanya?” Hirap na hinihikayat siya ni Freya.“Ang kumpanya a
Read more

Kabanata 1860

Walang intensyon si Freya na ilayo si Dani mula sa Snow couple. Atsaka, bilang babae, mabuti para kay Dani na mapalapit sa pamilya Snow.Subalit, si Dani ay hindi pa bumalik ng 9:00 p.m., kaya naiinip niyang tinawagan si Rodney. “Bakit hindi mo pa din siya binabalik?”“Masyado itong malayo. Matutulog ako kasama ni Dani sa villa.” Sabi ni Rodney, “Si Dani ay nanirahan dito ng higit sa isang buwan, kaya siya ay mas pamilyar sa lugar na ito at hindi umiyak masyado.”“Kailangan niya ang gatas niya,” Nababalisang sinabi ni Freya.“Pwede siya ng milk formula. Atsaka, busog siya mula sa milk powder ngayon.”“Rodney Snow, anong ibig sabihin niya? Plano mo ba na ilayo ang anak ko sa akin?” Biglang nairita si Freya.“Hindi. Pwede kang pumunta ngayong gabi kung namimiss mo siya.” Tamad na sinabi ni Rodney, “Atsaka, ang lugar ko dito ay mas kumportable kaysa sa Brighton Gardens. Wala ka sa bahay buong araw para samahan si Dani, kaya siya ay medyo nababagot. Tutal ang lugar na ito ay malapit
Read more
PREV
1
...
184185186187188
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status