Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1841 - Chapter 1850

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1841 - Chapter 1850

2346 Chapters

Kabanata 1841

Sinabi ni Mrs. Lynch, “Ito ay dahil hindi siya sanay sa pagbabago sa paligid niya. Mas kasama niya si Rodney palagi, kaya mas gusto niya sigurong hawakan siya ng tatay niya…”“Mom, huwag mo sabihin ang pangalan niya.”Nagalit si Freya agad nang marinig pa lang niya ang pangalan nito. Kahit noong tinignan niya ang hawak niya na kaligayahan, medyo nakaramdam siya ng pagkamuhi. “Gusto mo ba talaga yung g*go na si Rodney? Sasabihin ko sa iyo. Inalagaan ka lang niya ng saglit. Ako ang nagpakahirap na ilabas ka. Wala ka talagang puso.”Para bang naintindihan niya na inaakusahan siya ng Mommy niya, kaya mas lalo umiyak si Dani.“Bakit siya ang sinisisi mo? Bata pa siya. Ano ang alam niya? Sasakit ang lalamunan niya kakaiyak.”Mabilis na kinarga ni Mrs. Lynch si Dani at inalo siya.Umupo si Freya sa kama, mukhang pagod na siya.Hindi niya talaga alam kung paano naging ganito ang buhay niya.Sa pag-aalo ni Mrs. Lynch, nakatulog na si Dani.Pagkatapos ilagay si Dani sa higaan niya, sina
Read more

Kabanata 1842

Pagkatapos ay tumalikod na si Freya at naglakad papasok sa villa.Isang kasangkapan lang siya para magbigay ng anak at magpa-breastfeed ng bata.Gaano kalaki ang pagmamahal ng bata sa kanya?Natulala si Rodney at hinabol siya agad. “Freya, ano ang ibig mong sabihin? Huwag mo idamay ang bata sa away natin. Inosente siya. Paano nagawang iwan ng isang nanay ang anak niya? Kapag iniwan ka niya ngayon, tiyak na mas iiyak siya lalo.”Hindi niya alam kung gaano na-trigger si Freya sa sinabi niya, ngunit bigla itong umiyak.Tumalikod si Freya at sumigaw habang umiiyak. “Sa tingin mo ba ay gusto ko siya iwan? Laman at dugo ko siya. Ngunit ano ang magagawa ko? Gusto mo ba ako maghirap para sa kapakanan ng bata? Hindi ko na kaya. Hindi ko siya kaya bigyan ng buong pamilya. Sobrang makapangyarihan ng pamilya mo, kaya hindi rin kita malalabanan, at ayaw ko na ipagpatuloy ang kasal na ito. Sobrang pagod na ako.”Tinignan ni Rodney ang namumula niyang mata.Umiyak ulit si Freya.Gusto na niya
Read more

Kabanata 1843

’Di katagalan, lumapit si Rodney.Nagpalit siya sa isang itim na damit ni Forrest. Ito ang unang beses niyang makita na magsuot ito ng madilim na kulay. Gayon pa man, dahil sa mata niyang maganda, nag-iba ang buong ugali niya. Mukha siyang medyo bagot at mas mature ngayon.“Pasensya ka na…” Lumapit siya sa kanya at sinabi sa mababang boses, “Nagsalita ako nang galit kahapon. Hindi ko ito sinasadya-”“Kailan ka makikipaghiwalay sa akin” Hindi siya pinatapos ni Freya.Nanigas si Rodney pagkatapos ng ilang saglit. “Hindi ako makikipaghiwalay sa iyo. Nakita mo si Dani kagabi. Kapag iniwan ka niya o ako, hindi siya makakatulog nang mahimbing sa gabi. Mas iiyak din siya. Kahit na natulog siya kasama ako kagabi, nagising pa rin siya at umiyak ng dalawang bses.”Umismid si Freya. “Umiyak lang siya dahil gusto niya ng gatas ko.”Sumimangot si Rodney. “Freya, bakit ba kailangan natin idamay si Dani sa away natin? Bata lang siya na walang alam.”Pakiramdam ni Freya ay sinaksak siya sa puso
Read more

Kabanata 1844

Ang gwapong mukha ni Rodney sa harap niya ay biglang bumagsak sa kalungkutan.Lumambot ang puso ni Freya sa mukha niya. Hindi niya kayang makita na ganito si Rodney.“Sa totoo lang, hindi ka naman ganun kasama. Nagmahal ka lang ng isang daga noong binata ka. Hindi ba at ganoon din ako? At saka, ang tao na nasaktan nang sobra ay hindi ikaw kundi si Shaun. Nakipaghiwalay siya at muntik na mawalan ng pera, pati ang tiyansa na maksama si Cathy at ang mga anak niya. Ginamit ni Sarah ang pera niya ng mahigit sampung taon. Sa tooo lang, kung hindi siya sinagip ni Cathy, siya ay pinagsamantalahan pa rin ni Sarah hanggang ngayon.”Nanigas si Rodney.Ang sinabi niya ay totoo.Pagdating sa pagloloko ni Sarah, naging kasing sama ba ng natanggap niya ang natanggap ni Shaun?Bigla niyang naramdaman na gusto niya purihin si Shaun. Ang lalaki na iyon ay tanga rin.Ipinagpatuloy ni Freya, “At saka, huwag mo isipin na mas mataas ang EQ ni Chester. Hah. Hindi ba at naloko rin siya ni Sarah noon? N
Read more

Kabanata 1845

Ano ang sinabi ni Rodney?Nabaliw na siguro siya.Natataranta na tumayo si Freya. Gayon pa man, hindi niya napansin na nakasabit ang paa niya sa upuan, kaya nahulog siya sa sahig kasama ang upuan.Sumakit ang katawan niya.Gusto niya umiyak.Sigurado, hindi sila tugma ni Rodney."Ayos ka lang ba? Tumayo ka." Mabilis siyang inangat ni Rodney at ang upuan. "Nasaktan mo ba ang sarili mo?"Inabot niya ang likod ng ulo ni Freya at marahan itong kinusot.Natatakot siyang iniwasan ni Freya. "Rodney Snow, sinasapian ka ba?"Nagdilim ang mukha ni Rodney. Hindi madali para sa kanya na kumuha ng lakas ng loob para ipahayag ang nararamdaman niya, ngunit hindi niya inaasahan na ganoon ang iisipin ni Freya sa kanya."Malinaw ang isipan ko."Nagngitngit siya ng ngipin at sinabi, "Kataka-taka ba na gusto kita?""Oo. Wala tayong ginawa kundi mag-away simula nang magkita tayo." Tumikhim si Freya. "At marami kang ginawa para saktan ako…""Iyon ay nakaraan na," Malungkot na sinabi ni Rodney.
Read more

Kabanata 1846

Matagal na tulala si Rodney. Nakapirmi lang ito sa kanyang pwesto.Bigla siyang naliwanagan sa pakikipag-usap kay Forrest.Magiging okay ba ang lahat kung tatratuhin niya si Freya sa paraang ginawa niya kay Sarah?… Sa itaas.Nakahiga si Freya sa kama. Kung saan-saan napupunta ang kanyang isip.'Sinabi talaga ng lintik na Rodney na iyon na gusto siya nito.Nagustuhan niya?What the f*ck. Ano ang nagustuhan nito sa kanya? Hindi niya masabi.Sinasabi lang ba niya iyon para manatili siya bilang isang libreng milk-giver?Bigla siyang umupo at tumawag kay Catherine.Subalit... walang sumagot.Nanlumo siya. Tanging si Catherine lamang ang kaya niyang makausap patungkol sa mga bagay na iyon..Dahil hindi sumagot si Catherine, mas susubukan pa niya.Pagkatapos ng lima o anim na tawag, biglang tumunog ang boses ni Catherine. Gayunpaman, may kakaiba sa kanyang boses.Sa tabi niya ay ang inis at paos na boses ni Shaun. “Sino ‘to? Nababaliw na ba siya sa ilang beses na pagtawag?"
Read more

Kabanata 1847

“Kung ikukumpara kay Sarah, mas maganda ka, mas may kaya, mas matalino, mas genuine, at mas mabait. Bukod pa r’on, mayroon kang mas magandang background ng pamilya at mas magandang katawan. Tinalo mo siya sa lahat ng aspekto. Normal para sa kanya na magkaroon ng damdamin pagkatapos na makasama ang napakahusay na tao araw-araw.""May punto naman lahat ng sinabi mo."Napanganga si Freya sa sinabi ni Catherine. "Ako ay talagang isang napakahusay na tao. Muntik ko nang makalimutan kung gaano ako katangi-tangi."“Matagal ka nang nasa bahay para alagaan ang anak mo. Isa pa, ang nangyari kina Patrick at Thomas ay naging dahilan ng pagkawala mo ng kumpiyansa.”Natahimik sandali si Freya.Oo, ang insidente kay Thomas ay nagbigay sa kanya ng isang malaking dagok.“Freya, nakaraan na ‘yan. Wala kaming ideya kung saan tumakbo si Thomas, ngunit wala na siya ngayon. At saka, hindi rin siya nagtagumpay noon. Maniwala ka sa iyong sarili. Ikaw ang pinakamahusay doon. Dahil tapos na ang iyong conf
Read more

Kabanata 1848

Tiningnan ni Rodney ang kanyang kaakit-akit na maliit na likod. May parte sa kanya na galit na galit, ngunit ang isa pang bahagi niya ay hulog na hulog para sa babae.Sa wakas, mabilis siyang sumunod sa kanya.Nang buksan ni Freya ang pinto ng sasakyan, sumugod si Rodney para kunin ang susi ng sasakyan sa kanya. “Freya, naiintindihan ko ang sinabi mo. Hindi talaga ako karapat-dapat para sa’yo. Kaya dapat ang mga tulad ko ang maging driver mo kapag lalabas ka. Umupo ka sa likod. Saan ka pupunta? Ihahatid kita doon."Pinagbuksan siya nito ng pinto sa likod, ang mukha niya’y sabik na sabik, tila nakakita si Freya ng multo."Titingnan ko ang mga hunk. Sigurado ka bang gusto mo akong ipadala doon?" Nagtaas siya ng kilay at sinasadyang sinabi.Agad na nanigas ang gwapong mukha ni Rodney. “Oo naman. Kaya kong tumayo sa tabi mo at alamin kung ano ang type mo. Tapos, hihintayin kita hanggang sa makauwi tayo.""Nasapian ka ba ng aso?" Pakiramdam ni Freya na may kakaiba sa lahat ng mga nang
Read more

Kabanata 1849

Napabuntong-hininga si Freya. "Sa wakas ay nakabalik na ako sa Melbourne dahil gustong-gusto ko lang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan. Ayokong magkaroon ng pagtitipon ng mga kaklase. Oh, sa iyo ba ang batang ito? Kamukha mo siya.""Honey, batiin mo si Aunty Freya." Sabi ni Harley, “Anak ko siya, si Sammy. Hindi ko rin dapat siya isasama, kaso nagkataon lang na walang tao sa bahay.”“Hello, Aunty.” Tumingala ang maliit na batang lalaki at ngumiti, ngunit tila medyo naiinis ito. Hindi lang siya tumatakbo dahil nakahawak si Harley sa kanya.Medyo naiinis si Freya. Hindi kasing saya ang mamili at makipag-chat kapag may kasamang bata.Maya-maya lang ay biglang napatingin si Harley sa likod niya na nagniningning ang mga mata. "May lalaki sa likod mo. Napakagwapo naman. Mas maganda pa siya kaysa sa mga celebrity."Tumigil si Freya at lumingon, at nakita niya si Rodney-Flashy-Snow na naglalakad palapit sa kanya na may dalang bote ng mineral water."Mahal, nakuha ko na ang tubig na
Read more

Kabanata 1850

"Hindi mo naman binanggit na isasama mo pala si Young Master Snow, kaya paano ko malalaman? Hindi ko pa siya nakita dati." Bulong ni Harley, “At saka, ang gwapo niya talaga. Para siyang hunk. Naaalala ko na sinabi mo na bagama’t nasa kanyang thirties pa lang si Young Master Snow, parang matanda na siya umasta…”"Uh... Hindi ba't matanda na ang lalaking nasa kanyang thirties? Twenties pa lang ako oh." Walang pakialam na sinabi ni Freya. "Mukha lang siyang mas bata kaysa sa kanyang edad."“Kalimutan mo na. Kasing edad ko lang ang asawa ko, pero parang nasa thirties at forties na siya. Medyo tumaba din siya nitong mga nakaraang taon.” Napabuntong-hininga si Harley. “Kung alam ko lang, hindi sana ako nagpakasal kaagad pagkatapos nating mag-kolehiyo. Mas gwapo ang asawa mo."“Kalimutan mo na. Papakainin ba ako ng pagiging gwapo?" ganti ni Freya.Napakurap si Harley. “Syempre pwede. Kung hindi, paano mo nagustuhan si Patrick? Pero si Patrick ay hindi kasing ganda ni Young Master Snow.”
Read more
PREV
1
...
183184185186187
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status