Chapter Five"JUSMIYO Marimar! Hanggang kailan ka ba magmumukmok, Jann? Ilang araw ka ng tahimik at malungkot. Para kang sinasapian. Wait, don't tell me,” he paused and glared at her. “Nakipagkita ka sa ex mong bakla 'no?" pang aakusa pa ni April.Hindi mapigilang mapatirik ng mata si Jann, "Maka-bakla ka naman, teh? Babae ka, ha?"Pumalakpak si April, "Ganiyan ang kilala kong Jann! Hindi yung daig pa ang namatayan. Lumaklak ka nga ng enervon nang maboost yang energy mo, teh! Saka bakla ako, teh. Pero never akong nagpanggap na Junjun! Saka 'di ko nga kayang makipagdate sa isang tahong!""Ang daldal mo, Nag-iisip ako!" hindi maiwasang mapabusangot niyang sabi sa kaibigan."Wow, ha! Limang araw kang nag-iisip kaya 'di ka makausap nang maayos? Ano makikipagbalikan ka sa bakla mong ex?""April naman! H'wag mo na ngang isali rito si Stephen. This is no
Last Updated : 2021-07-08 Read more