ISANG linggo pang nanatili sa hospital ang lola ni Shawn kaya naman nagboluntaryo rin si Yesha na manatili na lamang din muna roon. Tutal nagpalagay naman ng TV si Shawn, e. Hindi siya ma-b-bored. May ref din na punong-puno ng mga puwede nilang makain. Hindi rin sila magugutom. At mabuti na lamang maayos ang panlasa ni Yesha. Hindi siya sinusumpong ng paglilihi kaya walang naging problema. "Makakauwi na ba ako sa susunod na araw?" pagtatanong ng lola ni Shawn. Napatango siya sa matanda. Talagang ginawa ni Shawn ang lahat para lang hindi ito mainit at labis iyong ikinatutuwa ni Yesha. Alam niyang naging magaan ang paligid sa lola ni Shawn. "Opo, lola kaya dapat mas damihan mo pa ang pagkain mo, ha? Para may lakas ka na." "Yeah, anyway. Nasaan ang apo ko." Napakamot na lamang si Yesha sa kaniyag batok. Hindi ba naman kasi nagpaalam si Shawn sa matanda na aalis ito upang kausapin ang kaibigan daw nitong may-ari ng villa. "Ah, lola. Kasi umalis po si Shawn kani
Read more