NANG LUMABAS siya ng silid ni Erie, kaagad siyang dinaluhan ni kuya Paul at niyaya sa may cafeteria ng ospital."Let me guess, wala ka pa ring sinabi kay Erie no?" Hindi siya makatingin kay kuya Paul. Basta nilalaro lang niya ang pagkain na in-order nito para sa kanya."Ganda....""Kuya... masaya siya...." Nabasag ang tinig niya kaya hindi na niya ma-i-tuloy ang sasabihin. Napa-kagat labi siya."Are you just going to cry everyday?"Muling nanikip ang dibdib niya. Akala nito gusto niya ang umiyak ng umiyak? Hindi! Ayaw niyang umiyak! Pero ang sakit kase! Yung pakiramdam na kusa nalang umaagos ang mga luha, yung pakiramdam na kahit anong pigil mo hindi mo magawa. Kase yun ang nararamdaman ng puso niya, anong magagawa niya?
Terakhir Diperbarui : 2021-06-18 Baca selengkapnya