Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4081 - Chapter 4090

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4081 - Chapter 4090

5744 Chapters

Kabanata 4081

Kung hindi niya magagawang pagtakpan nang buo ang insidenteng ito, kailangan niyang tuluyang maglaho sa mundo. Kung hindi, siguradong hahabulin siya ng mga VIPs nila para humingi ng paliwanag o kaya maghiganti.Masakit sa kanya na magbayad ng 4.1 billion US dollars, pero ayos lang sa kanya basta ba mananatiling tahimik ang pamilya ng mga mafia members.Paglipas ng isang oras, dumating na rin sa wakas ang bangkay ni Franco sa Seattle.Natatakot si Finley na hindi matatanggap ng kanyang mga magulang ang pagkamatay ng kanyang kapatid kaya hindi siya nangahas na ipadala ito pauwi sa kanilang bahay. Sa halip, ipinadala niya muna ang bangkay ng kanyang kapatid sa isang funeral parlor.Pagkatapos, tumungo siya sa funeral parlor nang personal para tignan ang kanyang kapatid sa huling pagkakataon.Nakaramdam ng matinding konsensya at dalamhati si Finley para sa pagkamatay ni Franco.Nakokonsensya siya dahil siya ang nagdala kay Franco sa illegal circle na ito. Higit sa lahat, hindi niya n
Read more

Kabanata 4082

Maririnig ang boses ng isang lalaki na nasa 20s pa lang ang edad. Nagtanong ito, “Finley, hindi pa ba dumadating ang order ko?”Ang taong tumatawag ay wala ng iba kundi ang pinakapaboritong anak ng pamilya Fox na si Homer Fox.Si Homer ang pinakamatandang pamangkin ni Kathleen at ang pinakamatandang apo ni Spencer Fox. Ngayong taon, 27 years old na siya at pareho sila ni Finley.Kahit ilang taon siyang mas matanda kay Kathleen, siya ang pamangkin nito. Ang kanyang tatay na si Xavion Fox ang pinakamatandang pinsan ni Kathleen.Walang puso ang batang si Homer at isa itong playboy.Sa panlabas, mukha siyang nagtatrabaho para sa investment fund ng pamilya Fox. Pero, hindi talaga siya nagtatrabaho roon. Madalas, lahat ng oras at lakas niya napupunta sa paghahanap ng mga bagong bagay na magpapasaya sa kanya.Sa kabataan ni Homer, pinadala siya ng kanyang pamilya sa pinakamagandang private school. Doon, nagkaroon siya ng maraming mayayamang kaibigan mula sa mga prestihiyosong pamilya.
Read more

Kabanata 4083

Walang hihigit kay Finley pagdating sa pagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo.Nang marinig ni Finley na nagtatanong si Homer tungkol sa kanyang order, agad niyang napagtanto na ang tinutukoy nito ay wala ng iba kundi si Stephanie Lewis na siyang susunduin dapat ng kanyang kapatid na si Franco kagabi.Agad na nahulog ang loob ni Homer kay Stephanie sa pagkakataong nasilayan niya ang larawan nito. Matindi ang pagnanasang naramdaman niya sa puntong handa siyang magbayad ng napakalaking halaga.Kung dati ito, pagsasamantalahan sana ni Homer ang pagkakataong ito para ibenta si Stephanie sa iba at kumita ng malaking halaga. Matapos ang lahat, siya ang magbibigay ng serbisyo kaya tama lang na magbayad ang isang customer kung may gusto itong bilhin sa kanya.Subalit, sinuwerte si Homer kamakailan lang.Ang kanyang lolong si Spencer na siyang successor ng pamilya Fox sa loob ng ilang dekada ay nakaupo na sa trono at inalis na nito si Jordan sa kanyang puwesto.Ibig sabihin ang tatay ni
Read more

Kabanata 4084

Hindi mapigilang magtaka ni Finley. “Naku, Young Master Fox! Anong klase ng babae ang nagustuhan niyo? Pakibigay na lang sa akin ang impormasyon niya. Maghahanap muna ako ng taong magsasagawa ng imbestigasyon sa kanya para magkaroon tayo ng oportunidad na dukutin siya. Kahit isa pa siyang prinsesa ng royal family ng kahit anong bansa, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyo!”Tumawa si Homer at nakaramdam siya ng matinding tuwa. “Naku. Finley! Wala talagang tatalo sa’yo!”Habang nakangiti, nagpatuloy si Homer, “Finley, kilala mo naman siguro ang sikat na babaeng singer sa Oskia na nagngangalang Quinn Golding?”“Quinn Golding?” Halos malaglag ang panga ni Finley sa gulat. Maingat siyang nagtanong, “Young Master Fox… Hindi mo naman ako niloloko, hindi ba? Interesado ka kay Quinn Golding?”Isang Oskian si Finley. Imposible namang hindi niya kilala si Quinn!Sa entertainment circle, si Quinn Golding ang kinikilalang “Light of the Oskians”.Kasalukuyan, isa siya sa mga Oskian
Read more

Kabanata 4085

Kung biglang maglalaho ang mga ordinaryong babae, kaunting atensyon lang mula sa kanilang maliit na komunidad ang makukuha nito. Baka nga hindi pa ito ibalita sa media. Wala itong dalang peligro at mas ligtas ang ganitong setup para kay Finley.Pero hindi iyan ang kaso para sa isang sikat na anyo na gaya ni Quinn Golding. Siguradong magugulantang ang buong mundo kung bigla siyang mawawala.Kung magkakaroon ng imbestigasyon at may makahanap ng kanyang mga bakas, hindi ba magdudulot ito ng malaking gulo sa kanyang buhay?Nang maisip ito, agad na nagsalita si Finley, “Young Master Fox, magiging matapat ako sa inyo. Ngayong taon, 27 years old na kayo, pwede na kayong magpakasal. Kung gusto niyo talaga si Quinn Golding, sigurado akong pwede niyo siyang ligawan at makakahanap kayo ng paraan para pakasalan siya…”Galit na bumulalas si Homer, “Sa tingin mo ba madali lang ang sinasabi mo? Matagal nang hinahanap ni Quinn Golding ang prince charming niya! Ilang taon na rin ang nakalilipas! Si
Read more

Kabanata 4086

Sinubukan ni Finley ang lahat ng makakaya niya para makaisip ng paraan na himukin si Homer na sumuko, pero walang saysay ito. Sabik na sabik si Homer. Hindi niya maitago ang pananabik niya, at binulong niya sa nanginginig na boses na puno ng pagnanasa, “Letse… Sobrang daming babae na ang natikman ko, pero hindi sila kasing ganda ni Quinn Golding kahit pagsama-samahin sila… Kung matitikman ko siya, makukumpleto na ang buhay ko!”“Dati, palaging babae na walang class o katayuan sila. Sa totoo lang, matagal na akong sawa sa kanila. Gusto ko ng bago. Gusto ko ng mas mahirap! Gusto ko ng mas nagpapasigla!”Walang nagawa si Finley. Inipon niya ang lahat ng tapang niya at sumagot, “Young Master Fox, si Quinn Golding nga ang pinakamaganda sa lahat ng babae. Pero masyadong malaki ang panganib! Natatakot ako na mahihirapan kang makalabas sa gulong ito kung malalantad ito!”Hindi namomroblema si Homer sa problema ni Finley. Sa kabaliktaran, puno siya ng saya. “Nakakapanabik ito dahil sa pangan
Read more

Kabanata 4087

Pero, alam ni Finley na hindi maganda para sa kanya na magkusang hilingin ito. Dahil, isa lang siyang tao na dalubhasa na gawin ang mga maruruming gawain para kay Homer. Kadalasan, lalayo ng tiyak na distansya si Homer kay Finley sa pang araw-araw na buhay niya.Buti na lang, ang isipan ni Homer ngayon ay napuno ni Quinn. Nang madiskubre na pupunta si Finley sa New york, gusto niyang manatili si Finley sa bahay niya para mapag-usapan nila nang maayos ang mga plano nila.Sumang-ayon si Finley nang walang pag-aatubili. “Okay. Kung gano’n, pupunta ako kapag handa na ako.”Sabik na sabik si Homer. “Ipaalam mo sa akin bago ka umalis. Papapuntahin ko ang butler ko para sunduin ka sa airport.”“Okay, Young Master Fox. Salamat sa abala!”Pinasalamatan ni Finley si Homer at binaba ang tawag. Pagkatapos, tinawagan niya ang assistant niya at inutos, “Sabihan mo ang crew na maghanda na. Pupunta ako sa New York.”Tinuro ng assistant niya ang bangkay ni Franco at tinanong sa mahinang boses, “Y
Read more

Kabanata 4088

Masaya si Finley pero hindi niya alam na nalantad na siya.Sa daan papuntang airport, palagi niyang sinasabi sa assistant niya na siguraduhin na ayusin ang negosasyon sa mga pamilya ng Italian mafia, at siguraduhin na walang mangyayaring mali sa Seattle.Isa-isa itong sinulat ng assistant, at tinanong, “Young Master, dapat ba tayong magpadala ng tao sa Vancouver para imbestigahan ang mga babae kagabi? Marahil ay may kinalaman ang mastermind sa kanila.”“Hindi! Huwag mong gawin iyan!” Tumanggi si Finley nang walang pag-aatubili. “Kayang dukutin nang madali ng kabila ang mahigit walong daang gang member sa Vancouver. Kung maglalakas-loob tayong bumalik doon para alamin ang lakas niya, para bang inimbita na natin ang sarili nating kamatayan! Marahil ay naglagay na sila ng patibong doon at hinihintay tayo. Ang prayoridad ko ngayon ay iwasan ang kahit anong laban, para hindi na tayo magkaroon pa ng problema.”Tumango ang assistant at sumagot nang magalang, “Naiintindihan ko, Young Maste
Read more

Kabanata 4089

Tumango si Charlie at sinabi, “Magpapadala ako ng tao para ihatid kayo sa Aurous Hill pagkatapos ng mga ginagawa ko. Ang lahat ng damit niyo, pagkain, at tutuluyan ay maagang ipapadala sa Aurous Hill.”Sumingit si Stephanie at pinaalala. “Kuya Charlie, huwag mo sanang kalimutan ang tungkol kay Claudia. Babalik siya sa Aurous Hill para mag-aral…”Ngumiti si Charlie. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ito kakalimutan.”Pagkatapos nito, nagpaalam si Charlie sa tatlo bago siya pumunta sa airport para sumakay sa eroplano papuntang Providence.Bago umalis, tinawagan ni Charlie si Claire para kumustahin siya sa Providence. Sinabi ni Claire na ayos lang siya, at tinanong nang nag-aalala, “Honey, kumusta si Stephanie? Nalutas na ba ang problema niya?”Tumawa si Charlie, naantig sa kabaitan niya. “Tapos na. Gusto siyang saktan ng ilang gangster. Nalaman ito ng kaibigan niya at humingi ng tulong sa akin. Nalutas ko na ang lahat, kaya, wala na sa panganib si Stephanie. Huwag kang mag-alala.”Hu
Read more

Kabanata 4090

“New York?!” Nagulat nang sobra si Charlie.Nakatanggap siya ng impormasyon na tumakas din si Finley sa New York, pero paano niya aakalain na pupunta rin si Quinn sa New York?Dahil nag-aalala siya, tinanong niya agad, “Nana, hindi ba’t matagal nang nakatakda ang itinerary mo? Bakit ang laki ng binago mo sa huling minuto?”Ngumisi nang tuso si Quinn at sinabi, “Alam ko na nasa Providence ka. Sobrang lapit ng lugar na iyan sa New York, hindi ba?”Nasorpresa ulit si Charlie. “Paano mo iyan nalaman?”“Nagtanong ako sa iba!” Sinabi ni Quinn. “Kinausap ko si Chairman Cameron ng Shangri-La, at sinabi niya sa akin na pumunta ka sa United States para samahan si Claire na mag-aral.”Nagpanggap na galit si Quinn at sinabi, “Sa una ay balak kong pumunta sa Aurous Hill para sorpresahin ka. Tinawagan ko si Chairman Cameron para tulungan ako, at doon ko nalaman na wala ka na sa Aurous Hill. Kuya Charlie, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka sa United States?”Sumagot nang hindi akma si
Read more
PREV
1
...
407408409410411
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status