Agad na nagsalita ang assistant, “Master, mula sa mga salitang nakasulat sa noo ni Master, mukhang Oskian ang pumatay sa kanya!”Tumango si Finley habang malagim ang ekspresyon sa mukha. Isinantabi niya ang kanyang galit at sumang-ayon siya, “Hindi lang siya Oskian, pero mukhang marami rin siyang alam sa mga sikreto natin…”Nang mabanggit ito, agad na nagsalita si Finley, “Tama! Dapat tatanggapin ni Franco ang mga bagong stocks mula sa mga Italians kagabi. Tulungan mo akong tanungin sila kung ano ang nangyari kagabi!”Nang marinig ito, agad na tumugon ang assistant, “Kokontakin ko rin sila agad ngayon din!”Sumunod, dinampot ng assistant ang kanyang cellphone at lumabas siya ng kwarto.Samantala, nahimasmasan na nang kaunti si Finley mula sa kanyang gulat at nakakapag-isip na siya nang matino. Sumunod, kinausap niya ang kanyang sarili, “Franco, sana matahimik ang kaluluwa mo. Hahanapin ko ang pumatay sa’yo at ipaghihiganti kita. Nangangako ako na papahirapan ko siya ng 100 na bese
Magbasa pa