Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4061 - Kabanata 4070

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4061 - Kabanata 4070

5744 Kabanata

Kabanata 4061

Pagkatapos, nag-atubili saglit si Porter at sa wakas ay nakuha ang tapang na tanungin si Charlie. “Mr. Wade, m-may gusto akong itanong sa iyo…”Tumingin si Charlie sa kanya at sinabi, “Iniisip mo siguro kung paano ko napalubog ang yacht ni Franco?”“Oo…” Tumango si Porter at sinabi, “Mr. Wade, hindi ko maintindihan. Ang kahit sinong martial artist ba ay magkakaroon ng lakas mo kapag naabot nila ang dulo ng paglalakbay nila?”Umiling si Charlie habang may kalahating ngiti at sinabi, “Porter, sa teknikal na salita, hindi ako isang martial artist.”Natulala si Porter sa sagot niya, at binulong niya, “Hindi ka isang martial artist? Maari ba… Maaari ba na ang kapangyarihan mo ay mas malakas pa sa martial arts?”“Maaari mo itong sabihin,” ngumiti si Charlie at sinabi, “Ang daan na nilakaran ko ay mas malawak nga at ibang-iba kumpara sa martial arts lang.”Nagulat si Porter nang marinig ito, at tumango siya habang may mukha na puno ng gulat.Nang ginamit ni Charlie ang Soul Blade para
Magbasa pa

Kabanata 4062

Mabagal na huminto sa Vancouver port ang cargo ship ni Charlie bago mag madaling araw. Samantala, ang bagong biling cargo ship ni Charlie ay handa nang maglayag. Isa-isang pinasok ng mga sundalo ng Ten Thousand Armies ang mga kotse ng Italian mafia sa deck, balak nilang kunin itong lahat kasama sila.Sa sandaling huminto ang barko ni Charlie, ang mga miyembro ng Italian mafia na nandoon at si Yanciel ay inilapat sa cargo ship na paalis na sa port.Ipinadala rin ni Porter ang kalahati ng mga sundalo sa paalis na cargo ship. Sa huli, buong lakas na naglayag ang cargo ship at umalis na sa Vancouver port papunta sa Middle East.Ang grupo ng mga Italian mafia na ito ay binubuo ng mahigit walong daang tao na mainitin ang ulo mula sa magandang isla ng Sicily. Karaniwan ay may suot silang mga amerikana na gawa sa balahibo ng mga hayop habang may mga sigarilyo sa bibig nila, hawak-hawak ang mga machine gun nila at sinisira ang mga patakaran kung saan-saan. Ngayon, pinuwersa silang lakbayin
Magbasa pa

Kabanata 4063

Tumango si Charlie at sinabi, “Sinabi mo dati na gusto mong mag-aral ulit. Sa tingin ko ay ngayon na ang pinakamagandang oras. Kung kailangan mo ng tulong ko, ipaalam mo lang sa akin.”Nagmamadaling umiling si Claudia. “Charlie, ayos lang. Pinanatili kong aktibo ang student status ko sa dating high school, kaya pwede akong bumalik sa klase sa kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Nakikita ko na medyo magaling ka. Ngayong patay na si Gopher, hindi ka na guguluhin ng Italian mafia. Simula ngayon, hindi mo na ito kailangan tiisin at lumaban ka lang kung inaapi ka sa school. Kung may kahit ano na hindi mo kayang ayusin nang ikaw lang, nandiyan ang Ten Thousand Armies para sayo.”“Naiintindihan ko. Charlie… Salamat…” Namula ang mga mata ni Claudia, at tumango siya nang marahan habang hindi niya napigilan ang pagdaloy ng mga luha niya sa kanyang pisngi.Humarap si Charlie kay Porter at sinabi, “Porter, kung may problema ang nakababatang kapatid ko sa school, pakitulungan siya agad.”Su
Magbasa pa

Kabanata 4064

Nagulat nang sobra si Mrs. Lewis sa imbitasyon ni Charlie. Tinanong niya sa sorpresa, “Charlie, ikaw… Seryoso ka ba?! Isang malaking bahay ampunan na kayang buhayin ang sampung libong tao, ito… Hindi ba’\t malaki ang gagastusing pera para dito, tama?!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi nang tapat, “Mrs. Lewis, masasabi na isa rin akong alila. Lumaki ako kasama ang ibang alila na nakakaawang bata rin na walang mga magulang. Ngayong kaya ko nang tumulong, dapat may gawin din ako para sa mga alila. Para naman sa pera, hindi ito mahalaga.”Habang sinasabi niya ito, naglabas ng malambot na buntong hininga si Charlie. “Sa simula ng plano ko, gusto kitang imbitahin pabalik para maging dean. Pero, alam ko na nag-retiro ka na at nakatira ka na sa Canada pagkatapos masanay sa kapaligiran dito. Hindi maganda para sa akin na imbitahin ka ulit para magtrabaho…”Pagkasabi nito, idinagdag din ni Charlie, “Pero, ngayong nakita ko ang sitwasyon dito sa Canada, sa tingin ko ay mapanganib na
Magbasa pa

Kabanata 4065

Marahan na nilagay ni Charlie ang kanyang daliri sa pulso ni Mrs. Lewis habang binasa niya ang pulso niya sa pamamagitan ng pagpapadala ng ilang Reiki sa kanya. Nakikita niya na kasing lusog ni Mrs. Lewis ang kahit sinong ordinaryong tao at maganda ang kondisyon ng dalawang kidney niya.Pero, sa pananaw ng Reiki niya, medyo nararamdaman niya ang kaunting pagtanggi sa pagitan ng katawan niya at ng dalawang kidney. Mukhang ito ang pagtanggi ng ipinalit na organ, pero sobrang kaunti lang ng sintomas nito. Marahil ay gumana ang anti-rejection medicine.Sa una ay gustong bigyan ni Charlie si Mrs. Lewis ng Rejuvenating Pill, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, nagbago ang isip niya. Kakaiba kung bigla siyang maglalabas ng Rejuvenating Pill. At saka, masyadong malakas ang epekto ng Rejuvenating Pill. Gugulatin nito si Mrs. Lewis at ang iba.Bukod dito, malaking gulat ito para sa mga taong katulad ni Mrs. Lewis na hindi pa naririnig ang tungkol sa Rejuvenating Pill.Maganda ang k
Magbasa pa

Kabanata 4066

“Huh? Ako?!”Nagulantang si Claudia nang marinig ang mga salita ni Charlie sa puntong hindi niya alam ang gagawin. Akala niya mali ang rinig niya sa kanya.Kanina, pinipilit ni Charlie si Mrs. Lewis na bumalik ng Oskia, naisip ni Claudia na sumama rin sa kanila kung sakali.Pero, alam niyang hindi siya gaya ni Stephanie at Mrs. Lewis. Tinuturing silang pamilya ni Charlie. Kahit tinatawag ni Claudia na kuya si Charlie, sa salita lang naman ito. Bakit naman siya maglalakas loob na magsabing gusto niyang sumama sa kanila?Alam niyang magiging mag-isa na naman siya kapag bumalik si Mrs. Lewis at Stephanie ng Oskia. Kaya, hindi niya mapigilang makaramdam ng antig nang bigla siyang imbitahan ni Charlie na sumama rin ng Aurous Hill.Nagsalita si Charlie, “Claudia, wala rin namang saysay kung mananatili ka sa Canada. Bakit hindi mo na lang sundan si Mrs. Lewis at Stephanie pabalik ng Oskia? Hindi ba nasa third year ka na ng high school? Pwede kang direktang mag-apply sa universities ng Au
Magbasa pa

Kabanata 4067

Nagdala ng liwanag ang sumunod na umaga at dahan-dahan itong kumalat sa langit ng Vancouver, tila ba nagkaroon ng kakaibang alindog ang syudad sa ilalim ng liwanag ng umagang ito.Subalit, walang nakakaalam kung ano ang madilim na bahagi ng Vancouver at kung anong klase ng dumi ang nakatago rito.Dumating rin ang parehong umaga sa Seattle na nasa parehong time zone ng Vancouver.Sa loob ng isang napakagarbong seaside villa na ilang ektarya ang lawak, isang 27 years old na binata ang hindi mapakaling naglalakad pabalik-balik sa loob ng sala.Halos maupos na ang sigarilyong nasa kamay niya.Napakunot ang kanyang kilay at nang malapit nang umabot ang sindi ng sigarilyo sa dulo, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang daliri, at hindi niya namalayang napasigaw siya saka niya naihagis palayo ang sigarilyo. Sumunod, naging malumbay ang ekspresyon sa kanyang mukha, tinanong niya ang tauhan niya, “Wala pa rin bang balita kay Franco?”Ang lalaking nagsalita ngayon lang ay wala ng iba
Magbasa pa

Kabanata 4068

Sa parehong pagkakataon, sa Vancouver, Canada.Malaking bilang ng Italian families sa siyudad ang nakaramdam ng matinding sindak. Nadiskubre nilang naglaho ang kanilang mga kamag-anak sa loob lang ng isang gabi.Ilan sa kanila nawawala ang asawa, may ibang nawawala ang anak, at ang iba naman nawawala ang kapatid.Hindi sila nakaramdam ng takot noong una dahil alam nilang illegal ang trabaho ng kanilang mga kamag-anak. Madalas hindi sila umuuwi buong gabi kaya sanay na sila sa ganitong klase ng sitwasyon.Subalit, nang mag-usap usap na sila, para bang binagsakan sila ng malamig na yelo dahil sa takot.Kung ilan lang sana ang nawawala, iisipin lang nila na abala ito. Pero, masyado naman yatang kakaiba kung may nawawalang mahigit sa isang tao sa bawat pamilyang naririto.Marami rin ang nakakaalala na tulog na ang mga kamag-anak nila kagabi, pero bigla silang nakatanggap ng tawag mula sa mga kasamahan nila. Mukhang pinapapunta agad sila ng kanilang boss sa Vancouver port, kaya umalis
Magbasa pa

Kabanata 4069

Pwedeng ring maging alamat ang mga ganitong klaseng tao na may miserableng buhay.Nabibilang dito si Old Godfather Ryan. Lima ang anak na lalaki ni Ryan at hindi niya mapigilang ipagmalaki sila.Sa tradisyunal na paniniwala ng Italian mafia, tanging ang mga anak na lalaki lamang ang pwedeng magpatuloy at magmana ng kanilang Sicily fighting spirit.Kaya, nanatili ang patriarchal ideology sa grupong ito ng mga tao. Para sa mga walang anak na lalaki, malaking kahihiyan ito sa tuwing nakakasalubong nila ang mga kakilala nila sa daan.Hindi mapigilang mainggit ng mga walang anak na lalaki sa tuwing nakikita nila ang ibang miyembro na dala ang kanilang mga anak na lalaki para magbenta ng droga at mangolekta ng protection fees.Iyan ang dahilan kung bakit laging ipinagmamalaki ng mga mafia members ang kanilang mga anak na lalaki. Mas mayabang sila kung mas marami silang anak na lalaki.Pinagpala si Old Godfather Ryan at nabiyayaan siya ng limang anak na lalaki nang magkakasunod. Marami
Magbasa pa

Kabanata 4070

Nakaramdam ng sindak ang lahat nang marinig nila ang galit na sigaw ni Old Godfather Ryan.Hindi nila maintindihan kung bakit ayaw pumayag ni Old Godfather Ryan na tumawag sila ng pulis.Isang babaeng humahagulgol ang nagtanong, “Godfather, sa ganitong klase ng sitwasyon… May iba ba tayong magagawa maliban sa tumawag ng pulis?”Nagtanong si Old Godfather Ryan habang malagim ang ekspresyon sa mukha, “Hindi ba sinabi sa’yo ng asawa mo na huwag tumawag ng pulis kahit mamatay siya? Ito ang basic rule ng bawat miyembro ng mafia na dapat alam niyo rin!”Nakaramdam ng matinding dalamhati ang babae nang marinig ito. Mahina siyang tumugon, “Sinabi niya na nga ang bagay na iyan, pero…”Malamig na nagsalita si Old Godfather Ryan, “Walang pero pero! Dapat alam niyong magkalaban talaga ang pulis at mafia! Wala ring saysay kahit ipaalam natin sa pulis kung ano ang sitwasyon natin!”“Matagal nang nasa blacklist ng Vancouver police ang mga miyembro ng Italian mafia. Hindi magfafile ng kaso ang p
Magbasa pa
PREV
1
...
405406407408409
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status