Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4041 - Kabanata 4050

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4041 - Kabanata 4050

5744 Kabanata

Kabanata 4041

Napatitig si Gopher kay Claudia dahil sa gulat nang marinig ang sinabi nito. Pagkatapos mag-alangan sa loob ng ilang sandali, lumuhod siya saka siya bumulalas, “Claudia, nalito… nalito lang ako. Nagmamakaawa ako sa’yo, bigyan mo ko ng pagkakataon na magbago! Handa akong gawin ang kahit ano basta pakawalan mo lang ako! Matapos ang lahat, magkamag-anak tayo! Mas malapot ang dugo kumpara sa tubig! Pakiusap, pakawalan mo! Ngayon lang!”Naging malamig ang ekspresyon sa mukha ni Claudia. “Gopher, hindi ka ba namamangha sa sinasabi mo? Kinalimutan mong magkadugo tayo nang patayin mo ang pamilya ko. Pero ngayon ang lakas ng loob mong magmakaawa?! Ilang beses na kitang pinatay sa panaginip ko nitong mga nakaraang buwan! Matagal ko nang hinihintay na magkatotoo ang hiling ko, at ngayon, andito na ang pagkakataon sa harap ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay kasama ka kaysa pakawalan ka!”Nang marinig ito, alam ni Gopher na katapusan niya na talaga ngayong araw. At dahil dito, nawala ang pagmamak
Magbasa pa

Kabanata 4042

Ayos lang na maging walang awa hangga’t wala kang ibang sinasaktan.Marami ang napagsasamantalahan ng mga masasamang tao dahil hindi sapat ang kalupitan nila. Lagi silang naaawa sa iba.Subalit, sapat ang lakas na mayroon si Claudia para hindi bigyan ng pagkakataon ang mga kalaban niya.Ganoon din, kinausap ni Charlie si Porter, “Porter, dalhin mo paalis ang halimaw na ito. Itali mo ang iba at dalhin mo rin sila sa cargo hold. Gusto kong masaksihan nila na maging abo si Gopher.”Magalang na sumagot si Porter, “Nauunawaan ko, Mr. Wade, kikilos ako agad.”Nang mabanggit ito, inutusan ni Porter ang ilan sa mga sundalo ng Ten Thousand Armies para itali ang ibang miyembro ng Italian organization gamit ang matitibay na nylon cable ties. Sumunod, pinuwersa niya silang maglakad papunta sa cargo hold.Malaki ang cargo hold ng biniling barko ni Charlie. Maliban dito, nakahugis rin ito na parang isang malalim na hukay. Hindi lang ito kasing lalim ng sampung palapag pero napakaluwag rin ng e
Magbasa pa

Kabanata 4043

Nagsimulang lumuha si Gopher sa sindak. “Claudia, nagmamakaawa ako sa’yo… Gawin mo ito nang mabilis! Barilin mo na lang ako, pakiusap! Magkakaroon ka ng trauma buong buhay mo kapag pinili mo akong sunugin sa harap mo! Ayaw mo namang mabigat ang konsensya mo bawat araw, hindi ba?!”Umiling si Claudia at mahigpit siyang nagsalita, “Gusto kong magpatuloy sa buhay nang maluwag ang loob sa halip na mabuhay na puno ng galit sa mundo. Matatapos lang ang galit ko kapag nakita kong naging abo ka na!”Nang banggitin ito, agad na kinuha ni Claudia ang S.T. Dupont lighter na inihanda niya sa kanyang bulsa ilang buwan ang nakararaan.Paborito ng kanyang tatay ang ganitong klase ng lighter. Malutong ang tunog na maririnig mula rito sa tuwing binubuksan ang takip nito.Dati, sa tuwing naririnig ni Claudia ang tunog na ito, alam niyang nanininigarilyo na naman ang kanyang tatay kaya papagalitan niya ito nang kaunti.Pero, pagkatapos pumanaw ng kanyang tatay, bumili rin siya ng parehong klase ng l
Magbasa pa

Kabanata 4044

Sa pagkakataong ito, tila ba nakatulala si Claudia.Para bang naging makatotohanan ang imahe ng kanyang mga magulang at kapatid sa kanyang harap.Samantala, nagliliyab naman sa malapit na distansya ang apoy ng kanyang paghihiganti, at natuyo rin nito ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi.Dati, pinuwersa siya ng matinding pagkamuhi na ito na buhatin ng mag-isa ang isang mabigat na responsibilidad.Ngayon, unti-unti nang nawala ang kanyang galit kasama ng malaking apoy na ito, pakiramdam niya sa unang beses naging tunay siyang malaya.Subalit, kumpara sa kanya, nanginginig sa takot si Stephanie habang pinapanood na nasusunog nang buhay ang isang tao sa harap niya.Hindi niya mapigilang yakapin si Charlie at pumikit, ayaw niyang panoorin ang eksena. Ganoon din, tinapik ni Charlie ang likod ni Stephanie at banayad siyang nagsalita, “Huwag kang matakot. Ganito talaga ang tunay na mundo.”Kahit isang ulila si Stephanie, musmos pa siya simula nang mapunta siya sa welfare institute
Magbasa pa

Kabanata 4045

Hindi sinabi ni Charlie nang buo kung ano ang ideya niya.Syempre bibigyan niya sila ng pagkakataon, pero sa halip na pakawalan sila para magsimula ng bagong buhay, kailangan nilang sumama sa Ten Thousand Armies sa Middle East para simulan ang kanilang repormasyon.Ang tunay na layunin ni Charlie ay pagtrabahuin sila nang mabuti. Hindi talaga mahalaga sa kanya kung magbabago sila o hindi.Ganoon din, dinala ng ilang mga babaeng sundalo ng Ten Thousand Armies si Claudia at Stephanie paalis ng cargo hold.Sa parehong pagkakataon, naririyan pa rin sa gitna ang sunog na katawan ni Gopher at umuusok pa ito. Ang espasyong dapat pinaglalagyan ng ilang tonelada ng produkto ay ngayon puno lang ng amoy ng sunog na bangkay.Nakatitig naman ang Italian organization members, kasama na si Andre, sa bangkay ni Gopher. Bawat isa sa kanila nakaramdam ng matinding sindak.Nang masaksihan nila ang trahedya ng pagkamatay ni Gopher, tila ba nag-iwan ito ng matinding impresyon sa kanila.Pakiramdam n
Magbasa pa

Kabanata 4046

Hindi na nag-alangan pa si Andre nang marinig ang sinabi ni Charlie.Napanood niya kung paano namatay si Gopher mula sa simula hanggang sa dulo, kaya ngayon, wala na siyang ibang gustong gawin kundi makatakas sa sitwasyong ito.Ganoon din, agad siyang tumango. “Mr. Wade, handa akong magtrabaho para sa inyo… Handa akong pagsilbihan ang Ten Thousand Armies!”Tumango si Charlie. “Bibigyan kita ng sampung minuto. Ilista mo ang lahat ng miyembro ng organisasyon mo. Tandaan mo, gusto ko ng buong listahan, hindi mo pwedeng kalimutan kahit isa!”Hindi nangahas si Andre na sumuway, kaya agad niyang tinipon ang mga lider ng kanilang organisasyon at humingi siya ng listahan ng mga miyembro.Sampung minuto ang makalipas, dumating sa harap ni Charlie ang isang listahan na may 870 na pangalan.Pagkatapos itong suriin, kinausap ni Charlie si Andre, “Ngayon, tawagan mo ang lahat ng miyembro na wala rito na magpakita agad. Kung hindi mo sila makontak, lagyan mo ng marka ang pangalan n ila.”Hin
Magbasa pa

Kabanata 4047

Napasimangot si Charlie. “Nagawang dumukot ng Italian organization na ito ng anim na babae. Kung kasangkot rin ang iba pang gangs at bawat isa sa kanila dudukot rin ng anim na babae, nasa 20 hanggang 30 katao ang ibebenta nila. Parang ang lakas naman yata ng loob nila na gawin ito? Madaling mapapansin ng iba ang ginagawa nila kung marami ang nawawala sa parehong pagkakataon. Hindi ba sila natatakot na imbestigahan sila ng Vancouver police?”Tumango si Porter. “Hindi ko rin mapigilang magtaka, pero matapos ng kaunting pagtatanong, napag-alaman kong komplikado ang relasyon nila sa awtoridad. Madalas illegal immigrants ang puntirya nila at minsan pinagbabantaan nila ang pamilya ng biktima kaya mukhang kaunti lang sa mga opisyal na papeles ang nawawalang tao sa Vancouver kumpara sa tunay na bilang nito.”Sumunod, nagdagdag si Porter, “Narinig ko rin na bibigatin ang background ng supplier nila. Para sa mga magagandang binibini na gaya ni Ms. Lewis, binebenta sila ng supplier sa mga mayam
Magbasa pa

Kabanata 4048

Sigurado si Charlie na maraming iba’t ibang factions o grupo ang kasangkot sa ganitong klaseng grey market. Maliban dito, sigurado rin siyang sakop ng kanilang distribution chain ang buong United States at Europe.Kaya, alam niyang hindi niya mapupuksa nang tuluyan ang distribution chain na ito.Ganoon pa man, dahil nasa harap na nila ang problema, at nagkataong ngayong araw rin ang napag-usapan nilang trading time, napagpasyahan ni Charlie na turuan sila ng leksyon.Kahit sino pa ang upstream supplier ng Vancouver gangs, gusto ni Charlie na lupigin sila gamit ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at pumuwersa ng impormasyon palabas sa kanilang bibig.Pagdating ng susunod na araw, biglang maglalaho ang Italian organization pati na rin ang supplier na nakipagkita sa kanila. Magiging banta ito mula sa iba pang suppliers na lumayo sa Vancouver.Sa pagkakataong ito, papalapit na nang papalapit ang liwanag kay nila Charlie.Subalit, tumigil ang kabilang panig nang isang milya na lang
Magbasa pa

Kabanata 4049

Napasimangot si Charlie. May pakiramdam siya na interesado ang highest-ranking VIP kay Stephanie.Ganoon din, tumunog ang communicator ng cargo ship at isang boses ng lalaki ang maririnig, “Vancouver 003, sumagot kayo kung naririnig niyo ako copy.”Napatitig ang miyembro ng Italian organization kay Charlie at kinakabahan itong nagtanong, “Sasagot… ba ako?”Tumango si Charlie. “Sumagot ka lang gaya nang madalas mong ginagawa.”“Masusunod.”Dinampot ng Italian na lalaki ang communicator saka siya nagsalita, “Ito ang Vancouver 003, I copy.”Nagsalita ang kabilang panig, “Dalhin niyo ang goods sa deck at maghanda na kayo para sa handover.”Nagtanong ang Italian organization member. “Paaano namin gagawin ang handover? Dadalhin ba namin sila sa inyo o kayo na ang kukuha sa kanila?”Nagbigay ng utos ang kabilang panig, “Dalhin niyo muna ang mga babae sa deck at siguraduhin niyong hindi nakatakip ang mukha nila. Magpapadala kami ng drone para i-verify sila. Pagkatapos, magpapadala kami
Magbasa pa

Kabanata 4050

“Sirain ang sinasakyan nila?!”Halos malaglag ang panga ni Porter nang marinig niya ang sinabi ni Charlie.Iniisip niyang mali ang pagkakaunawa ni Charlie sa kanilang sitwasyon kaya muli siyang nagpaliwanag, “Mr. Wade… Wala tayong kahit anong armas na pwedeng magpalubog ng isang malaking barko…”Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag, “Sa kasalukuyan natting firepower, kahit paiksiin natin ang distansya ng 500 metro, madadaplisan lang sila nang kaunti ng mga bala natin.”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Wala kayo ng firepower, pero mayroon ako.”Gumawa si Charlie ng ilang amulets bago ang auction.Sa pagkakataong iyon, dahil nabiyayaan siya ng makapangyarihang spirit energy ng Cultivation Pill, gumawa si Charlie ng bagong magical instrument para sa kanyang sarili.Mas malakas ang magical instrument na ito kumpara sa Thunder Order at tinatawag itong Soul Blade.Tumatawag ng divine lightning ang Thunder Order at gumagawa ito ng malaking komosyon, pero hindi sapat ang destructive abil
Magbasa pa
PREV
1
...
403404405406407
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status