Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4031 - Kabanata 4040

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4031 - Kabanata 4040

5741 Kabanata

Kabanata 4031

Natulala si Andre, Gopher, at ang ibang mga miyembro ng gang sa mga sinabi ni Charlie.Hindi mapigilan ni Gopher na isipin, ‘Hindi ba’t sapat nang mawala sa pag-iisip ang anong-pangalan-niya? Nabaliw na rin ba si Mr. Wade?’Habang nag-iisip si Gopher, pinagdaup ni Porter ang mga kamay niya sa harap ni Charlie. Pagkatapos, humarap siya kina Gopher at Andre, at sinabi nang walang bahala, “Hayaan niyong ipakilala ko ang sarili ko. Ako si Porter Waldron.”“Porter Waldron?!” Nagulat si Gopher nang marinig ang pangalan. Naramdaman niya na pamilyar ito, pero hindi niya ito maalala.Sa sandaling ito, ngumisi si Andre, “Porter Waldron ang pangalan mo? Letse! Hindi nakapagtataka kung bakit sobrang yabang mo. Parehas ang pangalan mo sa lord ng Ten Thousand Armies!”Pagkatapos, nalaman ito ng mga tao!Hindi nakapagtataka na sobrang pamilyar ng pangalan na ito!Si Porter Waldron, ang sikat na lord ng Ten Thousand Armies, ay isang maalamat at parang diyos na tao.Pero, wala sa kanila na nani
Magbasa pa

Kabanata 4032

Nang makita ng ibang gang member na madaling binaluktot ni Porter ang baril, nanginig sila sa takot. Ngayong nakumpirma na nila ang pagkakakilanlan ni Porter, sigurado sila na wala na silang pagkakataon na manalo. Kahit na subukan nilang tumakas, wala silang mapupuntahan.Agad, lumuhod sila at yumuko. Hindi mahalaga kahit na marami sila, o kung puno ng tao ang makitid na hagdan. Lumuhod pa rin silang lahat, natatakot nang sobra na gawin ang ibang bagay.Namutla na ngayon sa takot si Andre. Tumingin siya kay Charlie, nanginginig, lahat ng kumpiyansa at kayabangan niya ay nawala tulad ng hangin. Sa nanginginig na boses, tinanong niya, “Mr… Mr. Wade… Ito… Anong nangyayari? May hindi ba pagkakaintindihan?”Sumagot si Charlie habang may madaling ngiti, “Walang hindi pagkakaintindihan. Hindi ba’t napanalunan mo ang cargo ship sa akin? Ibibigay ko na ito sayo ngayon.”Marahil ay malaking tanga si Andre, pero sa puntong ito, kahit ang isang tanga na katulad niya ay maiintindihan na nagpapa
Magbasa pa

Kabanata 4033

Sa sandaling iyon, akala ni Andre na nakahanap siya ng daan palabas. Nang walang pag-aatubili, tumango siya at idineklara nang sabik, “Mr. Wade, gusto kong sumali sa Ten Thousand Armies!”Tumango si Charlie, nalulugod. Nangyayari ang lahat ayon sa plano. Humarap siya kay Gopher at tinanong, “Ikaw, Gopher? Interesado ka bang sumali sa Ten Thousand Armies?”Tumingala si Gopher at sinabi nang tapat, “Mr. Wade, S… Sobrang interesado ako… Ang pagsali sa Ten Thousand Armies ay isang napakalaking karangalan!”Patuloy niyang binola si Charlie, at idinagdag, “Mr. Wade… Dahil mapapasailalim mo ang gang namin, may bagay akong iniisip na kung dapat ko bang sabihin sa iyo…”Dahil sa kung paano gumagalaw ang mga mata ni Gopher, alam ni Charlie na may masamang balak ang lalaking ito. Pero, hindi siya matitinag ng kahit anumang plano ni Gopher. Kaya, kumaway siya at ngumiti nang nalilibang, at sinabi, “Sabihin mo.”Nagsimula nang sabik si Gopher, “Mr. Wade, may lumang kasabihan ang bansa natin na
Magbasa pa

Kabanata 4034

Sinigaw ng isa sa pagsang-ayon, “Hindi nagbago ang mga suweldo namin, pero siguradong tumaas ang dami ng mga gawain namin!”“Pinagawa sa amin ni Andre ang mga bagay na hindi pinayagan ng dating boss, at kumita siya ng maraming pera doon. Pero wala kaming natanggap na sobrang kabayaran para sa paghihirap namin!”“Wala sa amin ang tumaas ang suweldo, pero tumaas nang sobra ang kita ni Andre sa mga nagdaang buwan. May Rolls Royce pa siya ngayon!”Pumukaw ng sama ng loob ang mga pangungusap na ito sa buong grupo.Nagkaisa ang lahat na hindi kwalipikado si Andre na maging leader, kaya dapat siyang patalsikin.Pagkatapos ay tinanong sila ni Charlie, “Ano sa tingin niyo kung si Gopher ang magiging boss niyo simula ngayon?”Sa ilang sandali, nanahimik ang lahat at tumingin sa isa’t isa.Kahit na masama ang loob nila kay Andre, mahirap tanggapin na bigla silang pamamahalaan ng isang Oskian tulad ni Gopher.Dahil, isa itong Italian organization. Marahil ay hindi sila lahat galing sa Sici
Magbasa pa

Kabanata 4035

Nagulat ang lahat ng miyembro ng Italian gang sa inamin ni Andre.Tumingin nang masama ang isa kay Gopher at dinemanda nang madilim, “Totoo ba ang sinasabi ni Andre?!”“S-syempre hindi!” Mabilis na tumanggi si Gopher, pero nanginig nang kaunti ang boses niya habang nagsasalita. Tinuro niya si Andre at umangal, “Manahimik ka, Andre! Ngayong hinahayaan ako ni Mr. Wade na maging boss, umaasta ka na para bang inaagawa ko ang lahat ng impluwensya mo! Alam mo na mawawalan ka ng kapangyarihan, kaya sinisiraan mo ako gamit ang mga kasinungalingan. Pinagmumukha mo akong isang walang hiyang kontrabida para madismaya si Mr. Wade sa akin. Pero matalinong lalaki si Mr. Wade. Hindi siya mahuhulog sa mga kasinungalingan mo!”Dito, isang kakaibang ngisi ang lumitaw sa mukha ni Charlie. Sumakay siya kay Gopher at sinabi nang malamig, “Andre, medyo masama ang tactic mo! Kung titingnan, mukhang tapat at totoo ang g*go, err, ang lalaking ito. Mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi niya, at may magandang bu
Magbasa pa

Kabanata 4036

Dahil hindi nakapagsasalita ang isang bangkay, kapag napagsamantalahan ni Gopher ang oportunidad na ito, walang mangyayaring masama sa kanya.Sa pagkakataong inilahad ni Gopher ang kanyang kamay, agad na umaksyon si Porter at hinawakan niya ang braso nito. Gumamit si Porter ng kaunting puwersa at diniin niya nang kaunti ang pulso ni Gopher.Subalit, sapat na ang kaunting galaw na ito para mapahiyaw sa sakit si Gopher. Ganoon din, nagsalita si Charlie, “Porter, huwag mo siyang balian ng kamay. Magiging wala siyang kuwenta sa atin kung sakali.”Hindi naunawaan ni Gopher kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ni Charlie, pero nasaksihan niya ang lakas ni Porter ngayon lang at alam niyang kaunting puwersa lang ang kailangan nito para mabalian siya ng kanang kamay. Ang mga salita ni Charlie ang nagligtas sa kanya sa pagkakataong ito.Magalang na tumango si Porter kay Charlie. Nilingon niya ang isa sa kanyang mga tauhan saka siya nagsalita, “Pakitali siya!”Humakbang ang is
Magbasa pa

Kabanata 4037

Kinalimutan na ni Andre ang kaligtasan niya sa puntong ito, wala siyang pakialaman kahit madamay siya.Natatakot siyang i-promote talaga ni Charlie si Gopher. Sa ugali ni Gopher, siguradong papatayin niya rin si Andre pagdating ng tamang pagkakataon.Mas mabuti pang ilantad na lang ni Andre ang insidenteng ito kaysa hayaang makarating si Gopher sa tuktok!Itinago niya ang malinaw na recording na ito bilang alas sakaling kailangan niyang pasunurin si Gopher. Hindi niya naman inaakalang gagamitin niya ito sa ganitong pagkakataon… Minamalas nga naman talaga siya!Sa totoo lang, alam naman talaga ni Gopher na mag-iiwan ng ebidensya si Andre.Mula pa sa sinaunang panahon, isang pagpapanggap lamang ang pagbibigay ng katapatan.Kung may gustong gawin ang isang tao, hindi siya pwedeng makawala sa kasalanang gagawin niya.Isa itong organisasyon kung saan pumapatay sila para magbenta ng illegal goods at gumagawa ng karahasan para mapalawak ang teritoryo. Walang magtitiwala sa isang tao na
Magbasa pa

Kabanata 4038

Hindi mapigilang magtanong ni Charlie, “Oh? Sige magpaliwanag ka. Gusto kong malaman kung bakit sinasabi mong wala kang magawa.”Pagkatapos ng ilang sandali, nagdagdag si Charlie, “Teka lang. Hayaan mo akong tawagin ang biktima.”Nilingon ni Charlie si Porter, “Porter, dalhin mo siya rito.”“Masusunod, Mr. Wade.” Tumango si Porter nang magalang saka siya umalis. Sumunod, bumalik siya kasama si Claudia.Sa pagkakataong ito, puno ng luha ang mukha ni Claudia.Mula simula, nakikinig siya. Nang marinig niya ang recording ng usapan ni Gopher at Andre, nakaramdam siya ng matinding galit. Gusto niyang saksakin si Gopher gamit ang sarili niyang mga kamay para ipaghiganti ang kanyang pamilya sa pagkakataong ito.Kinuyom ni Claudia ang kanyang mga kamay hanggang sa dumiin ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad. Nakatitig siya nang masama kay Gophe at nagsalita siya habang malagim ang tono ng boses, “Gopher! Ang mga magulang ko ang nag-ampon sa’yo at nagbigay ng bagong buhay sa mga pagka
Magbasa pa

Kabanata 4039

Nang marinig ang banta ni Gopher, napatitig si Charlie na para bang namamangha siya. “Wow! Malapit ka na sa kamatayan mo, pero sinusubukan mo pa ring saktan si Stephanie? Nakamamangha ka naman!”Hindi kampante si Gopher sa kanyang sinabi, pero alam niyang ito lang ang paraan para makaligtas siya.Kaya, naging nakasisindak ang ekspresyon sa kanyang mukha saka siya suminghal, “Inutusan ko ang mga tauhan ko na dukutin siya habang nasa casino ka, hindi na makikita ni Stephanie ang susunod na sinag ng araw!”Napasimangot si Charlie. “Bakit gusto mong dukutin si Stephanie? Ano naman ang gamit ng isang gaya niya sa’yo? O baka naman inaasahan mo na ang mga plano ko?”Nagngitngit ang ngipin ni Gopher, “Sa ilang mga aristocratic societies, ang mga gaya ni Stephanie ang pinakamagandang paraan para kumita ng pera! Naku, mas mataas pa ang value niya kumpara sa ginto o kahit anong alahas! Sa nakamamangha niyang ganda at ang katotohanang malinis siyang tignan, siguradong aabutin ng ilang milyong
Magbasa pa

Kabanata 4040

Nang makita ni Gopher si Stephanie, nadurog na ang lahat ng pag-asang mayroon siya.Sa pagkakataong ito, alam niyang wasak na ang kanyang mga pantasya at siguradong katapusan niya na!Isang bagay lang ang hindi niya nauunawaan. Paano nalaman ni Charlie na pinupuntirya niya si Stephanie?Hindi niya tuloy mapigilang magtanong, “Ibig sabihin, nagpapanggap ka lang habang nasa casino?!”Suminghal si Charlie. “Oo naman. Bakit ko naman kakalimutan ang pain kung gusto kong mangisda?”Nagulantang si Gopher. Sumunod, napasimangot siya, “Hindi ko maintindihan… Ikaw… Wala ka naman sa Canada, pero paano mo nalaman ang lahat ng ito?! Internal secret ito ng organisasyon namin. Tanging iilang mga tao lang sa organisasyon ang nakakaalam nito! At wala ni isa sa inyo ang nakakaalam nito, kaya sino naman ang pwedeng magsabi sa’yo!”Suminghal si Claudia. “Gopher, sa tingin mo ba wala akong alam sa mga bagay na ginagawa mo? Nagpautos ka ng tao para maglagay ng marka sa pinto ni Mrs. Lewis. Syempre, ma
Magbasa pa
PREV
1
...
402403404405406
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status