Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4021 - Chapter 4030

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4021 - Chapter 4030

5741 Chapters

Kabanata 4021

Agad na tinanggap ni Andre ang makapal na salansan ng mga dokumento sa harap niya saka niya ito maingat na binasa.Pagkatapos basahin ang ilang mga pahina, napakurba ang labi ni Andre. Muling bumalik ang kanyang maliwanag na ekspresyon at napatitig siya kay Charlie habang puno ng papuri, “Naku, Mr. Wade! Talagang nakamamangha ka! May business ka rin pala sa Vancouver. Secondhand lang ang cargo ship na ito pero 20 million US dollars pa rin ang presyo nito. Hindi iyan mura!”Sumagot nang walang emosyon si Charlie. “Isang 15,000-ton cargo ship lang naman iyan. Wala lang iyan!”Sumunod, tila ba nauubusan na ng pasensya si Charlie, “Huwag ka nang magsalita ng kalokohan. Magkano ang halagang pwede mong ipahiram sa akin gamit ang cargo ship na ito? Bigyan mo ako ng numero.”Sinusubukang mag-isip ni Andre kung ano ang magiging pinakamagandang resulta para sa kanya.Madalas na nagdadala ng illegal goods ang gang nila palabas at papasok ng Canada.Dahil sa kakulangan nila sa financial stre
Read more

Kabanata 4022

“Ayos lang.” Itinuro ni Charlie ang mga papeles na may kinalaman sa cargo ship na nasa harap ni Andre. Nagngitngit ang kanyang ngipin habang nagsasalita, “Mapupunta sa’yo ang cargo ship na iyan kung hindi ko mababayaran ang utang ko!”Tumawa si Andre at sabik siyang nagsalita, “Sige! Mr. Wade, talagang mabilis kang kausap! Sa tingin ko, handa pa akong maglaro ng ilang rounds kasama ka.”Nang mabanggit ito, agad na inutusan ni Andre si Gopher, “Bigyan mo si Mr. Wade ng dagdag na 2 million dollars worth of chips!”Tumakbo si Gopher palabas ng kwarto nang walang pag-aalangan saka siya bumalik dala ang isang tray ng chips.Sa pagkakataong ito, nagkaroon ng bagong record si Charlie para sa bilis ng oras na maubusan siya ng pera.Nasa 20 minuto lang ang kinailangan niya para mawalan ng 2 million Canadian dollars.Kahit ang bunny girl na nasa tabi niya, hindi pa nakakakita ng ganitong bagay at hindi nito mapigilang magulantang.Hindi professional sa casino ang bunny girl na nasa tabi n
Read more

Kabanata 4023

“Ano?!”Nang marinig ang mga sinabi ni Charlie, agad na napatayo si Andre at napabulalas siya, “Sigurado ka bang babalik ang cargo ship sa Oskia ng ganyan kaaga?”Tumugon si Charlie, “Binili ko ang cargo ship na iyan para dalhin sa Oskia. Hindi ko naman pwedeng hayaan na nakaparada lang iyan sa Vancouver pagkatapos bilhin, hindi ba?”Nang mabanggit ito, kaswal na nagtanong si Charlie, “Gusto mo bang tawagan ko sila para sabihin na huwag munang umalis?”Bakit naman hahayaan ni Andre na tumawag si Charlie sa pagkakataong ito?Kung sakaling sabihan ni Charlie ang kabilang panig na kontakin ang pulis, siguradong mahihirapan si Andre na ayusin ang lahat.Matapos ang lahat, isang foreigner si Charlie. Hindi siya isang illegal immigrant o kung sino lang na napadpad dito. Malaking pera ang binulsa ni Andre mula kay Charlie kaya kung sakaling madadamay ang pulis, magiging malaking gulo ang lahat.Higit sa lahat, malaking importansya ang nilalagay ng Oskian embassies sa kaligtasan at kara
Read more

Kabanata 4024

Mahigit sa sampung lalaki na may suot na mask ang nasa loob ng apat na kotse. Lahat sila miyembro ng Italian gang na pinamumunuan ni Andre.Dalawang walang malay na babae ang nasa loob ng trunk ng sasakyan, pareho silang nakatali at nakabusal, at may itim na sako sa ulo. Ang mga babaeng ito ang puntirya ng gang at mukhang si Stephanie na lang ang kulang para makumpleto nila ang collection.Kung susundin nila ang plano, magmamaneho agad sila papunta ng port pagkatapos nilang madukot si Stephanie. Kikitain nila ang ibang miyembro ng gang doon at ipapadala nila ang mga dinukot nilang babae sa cargo ship na nirentahan nila.Nakababa ang bintana ng passenger’s seat ng kotse at nakalabas ang ulo ng isang lalaking may suot na mask. Itinutok niya ang isang special violet flashlight sa bahay ni Mrs. Lewis. Gaya ng inaasahan, nakita niya ang marka ng kanilang gang sa poste ng pinto. Nang makumpirma ito, sinara niya ang bintana at bumulong siya sa intercom, “Sam, magmaneho ka papunta sa back d
Read more

Kabanata 4025

Sa pagkakataong ito, halos mahimatay sila sa taranta.Dahil kayang ligpitin ng mga taong ito ang kanilang mga kasamahan nang hindi nag-iingay, ibig sabihin higit pa sa kanilang kakayahan ang lebel ng mga ito.Alam nilang sila na ang susunod. Wala na silang paraan para makatakas sa kanilang katapusan!Habang nakatayo nang hindi gumagalaw, ilan sa mga lalaking nakaitim na buhat-buhat ang kanilang mga kasamahan ang narinig nilang nagsalita. “Sir, nahanap namin ang mga drivers na ito sa labas. May dalawa ring walang malay na babae sa trunk ng isang kotse.”Ngayon, pati ang mga getaway drivers nila nahuli na rin! Nagpawis sila ng malamig at nanginginig sila nang mapagtanto nila ang sitwasyon.Habang nakasuot ng parehong itim na combat uniform, lumapit si Porter at kinausap niya ang tatlong natitirang tauhan ng Italian gang. Malamig ang kanyang tono, “Sino ang lider niyo?”Takot na takot ang tatlo at hindi sila makapagsalita. Wala silang ibang maisip kundi mag-isip ng paraan para makat
Read more

Kabanata 4026

Manipis ang karayom at mas maikli sa mga normal na syringe na ginagamit para kumuha ng duo. Sa normal na sitwasyon, hindi ito masyadong masakit kung tutusukin ng ganito kaikling karayom ang balat. Pero, ibang-iba ang naramdaman ng leader. Habang pumapasok sa laman niya ang dulo ng karayom, nanginig siya nang sobra sa sobrang sakit nito.Sinabi nang kalmado ni Porter, “May kaunting likido sa dulo ng karayom. Naramdaman mo na siguro ang ilang epekto nito. Pero tingnan mo, ang likido sa dulo ng karayom na ito ay nasa isang libo lang ng kabuuan ng medisina. Isipin mo kung ano ang mararamdaman mo pagkatapos kong iturok ang lahat ng laman ng syringe sa katawan mo. Sasabihin ko sayo: sa tuwing hihinga ka, magiging kasing sakit nito ang paglunok ng maraming bubog sa trachea mo!”Natakot nang sobra ang lalaki. Sumigaw agad siya, “Huwag! Pakiusap, huwag! Magsasalita ako! Sasabihin ko sayo… Sasabihin ko sayo ang lahat!”…Makalipas ang sampung minuto…Ilang itim na kotse an huminto sa harap
Read more

Kabanata 4027

Abala ang Vancouver port sa gabi tulad sa umaga.Ang mga malalaking port ay halos abala ng dalawampu’t apat na oras. Kahit na gabi na, nakabukas pa rin ang mga ilaw. Maramin truck na may mga container ang patuloy na pumapasok at lumalabas, at patuloy na naglalagay at nagbababa ng mga cargo ng mga barko ang dock.Kaya, hindi nagtaas ng alarma nang maraming kotse ang isa-isang pumasok sa pier.Si Porter ang unang dumating sa port, sa ilalim ng gabay ng mga miyembro ng Italian gang na nahuli niya. Dinala niya at ng mga sundalo niya ang mga miyembro ng gang sa isang maliit, at sira-sirang cargo ship sa dock.May walong miyembro ng Italian gang sa cargo ship, pati na rin ang tatlong dalaga na dinukot ng gang.Bukod sa dalawang babae na dinala ni Porter, may kabuuang limang dalaga ang nandoon. Lahat sila ay dinukot ng gang, handa nang ipadala sa karagatan ngayong gabi.Nagsagawa si Porter ng isang biglaang pagtatanong sa gang sa lumang cargo ship. Pagkatapos ay nalaman niya ang leader
Read more

Kabanata 4028

Nagpanggap si Charlie na lumabas siya ng kotse nang may sama ng loob, mukhang sobrang naagrabyado siya. Pero sa totoo lang, nalulugod siya nang sobra.Sobrang dali lang pala lokohin ni Andre! Natutuwa siya.Naglagay lang siya ng pain sa harap ni Andre. Lumampas sa inaasahan niya ang isda at nagkusang kagatin ang kawit bago pa man niya ito maakit.Dinala rin ng isda ang lahat ng mga tauhan niya para kagatin ang pain. Sobrang sarap ng ganitong pakiramdam ng isahang pagpapasabog.Sobrang dali ng buong proseso ng pangingisda sa bawat hakbang. Ang lahat ay nasa kontrol ni Charlie.Sa sandaling iyon, dalawa o tatlong daang lalaki nag lumabas sa mga kotse nila.Nanabik din sila nang sobra nang makita nila ang malaking cargo ship.Sinigaw nang sabik ng iba, “Boss! Dahil sa atin ang cargo ship na ito, kailangan natin itong ilabas sa karagatan at magkaroon ng party sa deck para magdiwang!”Sumang-ayon agad ang lahat dito at naghiyawan sa saya.Idinagdag pa ng isa, “Kailangan din natin k
Read more

Kabanata 4029

Naglabas ng sabik na sigaw si Andre, pinasigla at pinanabik ang mga tauhan niya.Sobrang sigla nila, sabik silang sumakay sa barko at tingnan ang bawat sulok nito.Diniin ni Andre ang pistol niya kay Charlie, habang nakangisi. “Mr. Wade, mangyaring pangunahan mo.”Hindi nagsalita si Charlie at sumunod nang tahimik, humakbang paabante at pumasok siya.Sumunog nang malapit sina Andre at Gopher, habang naghihiyawan at nagkumupulan ang mga tao sa likod nila.Ang power part, control area, at ang living quarter ng mga crew ay nasa stern ng cargo ship. Ang harap na bahagi ay puno ng cargo storage.Mula sa pinto ng cabin, pumasok sila sa isang hagdanan na may bakal na istraktura papasok sa engine room, at pagkatapos ay sa cargo hold. Pero, maagang sinara ang mga daanan na ito. Umakyat na lang sila sa hagdan at dumiretso sa itaas.Wala sa kanila, kasama na si Andre, ang interesado sa istraktura ng cargo ship. Gusto lang nilang sugurin ang top floor at kontrolin ang buong tulay.Sumugod
Read more

Kabanata 4030

Ang dahilan kung bakit dati ay maayos ang sitwasyon nila sa Canada ay dahil maaga silang pumasok doon.Bago pa ang pagdagsa ng mga Asian sa Vancouver, ang mga Italian ay galing sa Sicily at itinalaga ang sarili nila sa United States at Canada.Pagkatapos ng Vietnam War, maraming retirado at natalong Vietnamese na sundalo ang dumating sa Canada at mabilis na namahala gamit ang magaling na kalidad nila sa militar.Simula noon, dumating sa mahirap na panahon ang Italian gang.Sa pag-angat ng mga Oskian gang at pagpasok ng mga Eastern European, mas lalong naging mahirap para sa mga Vietnamese. Mas lalo pang naghirap ang mga Italian gang.Sa mga nagdaang taon, nahirapang mabuhay ang mga Italian gang. Kahit ang mga nakaraang ilang araw ay nakakasakal.Hindi pinansin ni Porter ang pistol ni Andre, hindi man lang siya nag-abala na tingnan si Andre. Nanatili siyang kalmado at patuloy na kinausap si Charlie. “Mr. Wade, wala pa sa isang milyong sa isang maliit na siyudad tulad ng Vancouver.
Read more
PREV
1
...
401402403404405
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status