Hindi mapapantayan ang sayang nararamdaman ni Gopher sa pagkakataong ito. Dinala niya ang pera sa counter at masaya niya itong pinapalitan ng chips.Sa pagkakataong ito, hindi siya kumuha ng chips na may value na 100 dollars. Ang pinakamababang halaga ng chips na kinuha ay 1,000 dollars, at sumunod ang 2,000 dollars, 5,000 dollars, at 10,000 dollars.Nang bumalik si Gopher dala ang mga chips, magalang niya itong inilagay sa harap ni Charlie saka siya nagsalita, “Mr. Wade, ito na ang chips niyo. Pakibilang na lang.”“Hindi na kailangan.” Hindi man lang nag-abala si Charlie na suriin ang chips. Kumuha lang siya ng 10,000 worth of Canadian dollars saka niya ito inihagis kay Gopher, “Para sa’yo ‘to.”“Naku! Maraming salamat, Mr. Wade. Napakabuti niyo!”Tuwang-tuwa si Gopher. Puno ng pasasalamat ang kanyang puso habang paulit-ulit niya itong sinasambit kay Charlie. Kitang kumakalat sa buong pagkatao niya ang matinding ligaya.Binalewala lang siya ni Charlie. Sumunod, kumuha siya ng is
Read more