MADILIM na ang paligid pero wala paring plano si James na umuwi para itigil na ang paghahanap sa nawawala niyang asawa. Sa pagkakaisip na magandang mukha ng kaniyang kabiyak ay mabilis na nag-init ang mga mata ng lalaki."Come back to me, Aria. Hindi ko kaya kung wala ka" bulong niya saka pinigil ang sariling emosyon kahit ang totoo kanina pa niya gustong umiyak.Eksaktong tatlong buwan narin bukas ang nakalilipas mula nang mangyari ang aksidente. Marami ang nagsasabi sa kaniya na subukan niyang tanggapin ang totoo, subukan niyang tanggapin na wala na si Aria, na patay na ang asawa niya.Siguro nga pwedeng mangyari iyon. Siguro nga totoo iyon. Pero hindi sa ayaw niyang paniwalaan o kung ano pa man, kundi dahil nararamdaman niyang buhay ang asawa niya. Nararamdaman niya at sinasabi iyon ng puso niya.At iyon ang dahilan kung bakit nagpapatuloy siya. Walang dahilan para itigil niya ang paghahanap lalo na kung alam niya mismo sa sarili niya na kahit kailan h
Last Updated : 2021-02-07 Read more