KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw. “Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
Huling Na-update : 2020-10-10 Magbasa pa