Share

Art of Destiny XCIV

Maaring naramdaman ni Juno ang kakaibang init na kumalat sa buong pagkatao ni Naikkah matapos na maalab niyang tugunin ang halik nito. Naramdaman na lamang niya ang kamay nito na unti-unting humahaplos sa kaniyang beywang paakyat sa kaniyang likod habang ang isa naman ay unti-unting pumapaloob sa kaniyang manipis na puting duster.

Patuloy pa ding naghihinang ang kanilang mga labi at maalab na tinutugon ng isa't isa ang halik. Wala sa kanilang dalawa ang pangamba kung may pumasok man bigla sa kuwarto at maratnan sila sa ganoong ayos.

Unti-unting nabubuwal si Naikkah sa kama at dumagan naman sa kaniya si Juno. Napakislot siya at sabay na napasinghap ng maramdaman ang mainit na palad ni Juno sa kaniyang dibdib. Segundo lang at hindi na niya namalayang natanggal na ang hook ng kaniyang bra.

HIndi niya akalaing ganito kabilis ang kamay ni Juno kahit sa batang edad nito. May palagay siyang hindi siya ang unang babaeng naikama nito at hindi din ang magiging huli. Naramdaman niyang bahagyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status