***
HINDI siya tinigilan ng kanyang nanay sa kakatanong kung saan niya ginugol ang magdamag. She just said that she’s with Kim at doon na rin siya nagpalipas ng gabi. Ni hindi na nga rin ito nagtanong sa suot niyang damit.
Pinagalitan lang siya saglit nang malamang hindi siya nakapasok sa kanyang klase ngayong araw. Pina alala nito ang scholarship niya na pwedeng mawala. Nasa huling taon pa naman na siya ng kursong Mass Communication.
Masakit din ang pagitan ng mga hita niya pero hindi niya iyon masyadong pinahahalata. Nakita niyang pinagmamasdan siya ng kanyang nanay kaya mas lalong naging pang best actress ang pag-arte niya.
Alas-tres ng hapon ay nag-ayos na siya para sa part time job niya sa Spotz. Hindi siya pwedeng basta-basta um-absent at wala siyang karilyebo. Gusto na rin niya kasing makausap si Kim para itanong kung kumusta na ito.
May sinat siya nang makarating sa trabaho. Hindi niya na lang yun ininda.
Pagpasok niya ay si Kim agad ang nabungaran niya. May hawak na naman itong mop at naglalampaso ng sahig.
“Late ka ata ngayon, April.” Hindi iyon sita kundi isang paalala ng kanilang manager. Si Sir Leon.
Agad niyang tinignan ang wall clock. Late nga siya ng 15 minutes. Ang hirap kasing maglakad lalo na at iniinda niya talaga ang nasa pagitan ng kanyang hita.
“S-Sorry po sir, hindi na mauulit.” Hingi niya ng paumanhin dito at agad-agad na pumunta sa locker room para magpalit.
Paglabas niya ng staff room ay si Kim ulit ang nabungaran niya. Mukang hinihintay talaga siya ng kaibigan.
“A-April, kamusta ka? Pasensya na m-masyado ata akong n-nalasing kagabi hindi ko alam kung anong nangyari. P-Pano ka nakauwi?” Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Hindi ako nakauwi sa bahay namin. At hindi na rin ako virgin.
Gusto sana niya itong sabihin sa kaibigan pero nag tikom na lang siya ng bibig. Para saan pa?
Nilibot niya muna ang tingin sa buong restaurant. Wala pa masyadong tao, pero maya-maya lang ay dadagsa ng ang mga ito para mag hapunan.
“O-Okay lang ako, Kim. Wala naman masamang nangyari sakin.” Wala nga ba?
Wala siya sa mood para mag-kwento, at wala rin siyang planong mag-kwento sa kaibigan… sa ngayon.Kinuha nito ang mga menu at naglakad papunta sa gilid ng pinto para i-welcome ang mga bagong dating.“N-Naka-uwi naman akong maayos.” Nginitian niya pa ito para hindi na mag-alala. “Ikaw, paano ka nakauwi?”
Agad naman itong pina mulahan ng pisngi.
“Ano… ayos lang rin naman akong n-nakauwi. May ano… may naghatid sa’kin pauwi. Oo may naghatid sa’kin pauwi.”
Sinilip pa niya ang kaibigan dahil agad itong yumuko. Kilalang-kilala niya ito, at sa ngayon alam niyang may tinatago ito sa kanya.
“May tinatago ka sa’kin.” Sita niya rito.
“W-Wala ah!” Napalakas pa ang boses nito kaya pinag tinginan sila ng mga tao. Defensive ito masyado.
“Pero bakit masyado kang defensive?” Tukso niya dito.
“Hindi ah!” Sigaw nitong muli. Agad namang napayuko si April nang makitang paparating na si Sir Leon.
“I believe na oras ng trabaho. Anong pinagkakaguluhan niyong dalawa?” Masungit nitong sabi.
“W-Wala po sir.”
Masuring tinignan silang dalawa nito.
“Back to work!”
At dali-daling bumalik sila sa pwesto. Si Kim sa pagma-mop at si April sa gilid ng pinto at hawak ang menu.
~~
“Sweetheart, let’s go to my pad. You know I missed you. Your touch, your groans, your kisses. And of course the way you fu-“
Agad niyang tinapakan ang preno nang makita niya si April.
Nasa loob ito ng isang restaurant. Nakasuot ito ng pang-waiter na uniform at nakangiting nagse-serve. Kitang-kita niya kung papaano hagurin ng tingin ng customer nito ang katawan ng dalaga. She’s wearing a descent uniform and yet nababastos pa rin ito.
Pinagmasdan pa rin niya ang dalaga na walang kamuwang-muwang sa ginagawa sa kanya ng binata. Pero may iba pa siyang napansin. The way she walk, she’s limping. Well hindi na siya nagtataka. Nakalimutan niyang mag dahan-dahan kagabi. The way she purr and groan last night made him forget anything.
“Ano ba, sweetheart? Nagugutom ka ba? Do you want to eat first before going to my pad?” Malanding sabi ng babaeng kasama habang hinihimas pa ang kanyang dibdib, pababa ng pababa hanggang sa maabot nito ang kanyang pinaka-sentro.
Naiinis na tinabig niya ang kamay nito. She called Brianna, one of his bed buddy, to let out some steam, masyado ino-occupy ni April ang isip niya. Hindi siya sanay, the last time he went nuts to a girl umuwi lang din siyang bigo at sugatan. He doesn't like it to happen again.
Pero kahit anong isipin niya ay nawawala siya sa mood. After what happen to him and April last night biglang nawalan ng gana ang best buddy niya sa ibang babae. Ganoon katindi ang naging epekto ni April sa kanya.
“Get out of my car!” Sigaw niya dito na nagpagitla sa babae.
“Swee-“
“I said get out!” Sigaw niya ulit dito. Isa sa pinaka ayaw niya ay ang pina paulit-ulit siya.
“Fine!” Agad namang lumabas ang babae sa kanyang kotse. Hinila nito pababa ang damit dahil lumalabas na ang hindi dapat lumabas pagkatapos ay pasalpak na sinara ang pinto.
Damn that girl. Balak pa atang sirain ang kotse ko.He remind himself to delete the number of that bimbo. Hindi na makaka-score ulit sa kanya ang babaeng iyon.
~~
11:30 na ng matapos ang trabaho ni April sa restaurant. Magkasabay silang naglalakad patungo sa sakayan ni Kim. Pero magkaiba sila ng way ng uwian kaya magkaiba sila ng jeep na sasakyan.
Napansin niya ang pagsunod ng isang itim na SUV sa sinasakyan niyang jeep. Ewan niya pero simula nang lumabas silang dalawa ni Kim sa pinagta-trabahuan ay naka-sunod na ito. Nakakataka dahil nagtagal pa siya sa terminal ng jeep dahil naghayang kumain ng lugaw ang kaibigan pero nakasunod pa rin ito ngayon.
Nagkibit balikat na lang ito. Marami naman sigurong kamuka ang sasakyan na iyon. Baka iba yung nakita niya kanina sa may restaurant at sa ngayon.
~~
Nakamasid lang si Cyril sa pababa ng jeep na si April. Halos hating gabi na at ngayon pa lang ito natapos sa pagtatrabaho.
Buti nalang at magka iba ang gamit niyang sasakyan ng ihatid niya ito kanina at ang gamit niya ngayon.
Kanina pa niya sinusundan ang dalaga. Hindi rin niya maiwasang mainis ng kumain pa ito saglit. Dapat ay diretso uwi na ito dahil delikadong magpagabi.
Hanggang sa pagsakay nito sa jeep at ngayon ngang pagbaba nito at paglalakad sa eskenitang tinitirhan nito ay nakasunod siya.
Itinapat niya ang sasakyan sa eskinita. Gusto niyang makitang pumasok na talaga ito sa kanilang bahay bago iwanan ang dalaga.
Hindi kalayuan ay nakita niyang may pinasukan itong munting barong-barong. Mukang doon na ang bahay nito, he stayed for a couple of second bago tuluyang umalis.
For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading! Please wash your hands regularly, humans! Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :) Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :) You can use the #YoungHearts RNL Stories
Wise men say: Only fools rushing. But I can’t help falling in love with you. - Can’t help falling in love, Elvis Presley *** NAGDAAN ang mga araw na kagaya ng naka-ugalian. Wala naman ibang nagbago sa mga nakagawian ni April. Medyo naging madalas nga lang ang pagkahilo niya lalong-lalo na sa umaga. Hindi naman niya iyon pinapansin, alam niya kasing dahil lang iyon sa pagod dahil sa nagdaang exam week. Simula noong hinatid siya sa bahay ni Cyril ay hindi pa niya ito nakikita muli. Pero kahit kailan ay hindi ito nawaglit sa kanyang isipan. A night so wonderful like that takes time to forget. At alam niyang darating rin siya sa ganoong punto. Mas mabuti na iyon sa kanyang palagay. Ayaw na niya ng dagdag alalahanin sa ngayon. Ang kailangan niyang gawin ay mag-focus sa research na siyang pangunahing kailangan para siya ay maka-graduate. “Nahihilo ka nanaman? Napapadalas ata?” Tanong ni Kim nang mapansin niya ang kaibigang sapo-sapo ang noo habang naglalampaso. “Wala ka namang lag
*** MONDAY afternoon sa university na pinapasukan ni April. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit sobrang antukin niya nitong mga nakaraang araw. Muntik pa nga siyang mapagalitan ng professor niya dahil naka-idlip siya sa klase nito. Buti nalang at naiintindihan nito na may part time job siya at maaaring pagod lang siya ngayon. Pero hindi naman siya sobrang pagod sa trabaho. Hindi na rin siya masyadong busy sa research niya dahil malapit na niyang matapos ang first part nito. Maaga rin siyang natutulog sa gabi, ganoon pa man ay hirap na hirap pa rin siyang bumangon sa umaga. Katulad na lang ngayon. Nasa library siya para sana maghanap ng mga librong magiging reference niya sa research. Pero hindi siya makapag-concentrate dahil hinihila siya ng mga upuan sa dulong bahagi ng library para matulog. Meron siyang isa’t kalahating oras na vacant at kailangan niya itong gugulin sa paghahanap ng references para sa research niya ng hindi siya mahuli sa schedule. Pero iba ang gusto ng kat
Cause it’s you who fills the emptiness in me. It changes everything, you see. When I know I’ve got you with me. - You, Basil Valdez *** DALAWANG linggo na ang nakaraan matapos ang insidente sa library. Aminado siyang medyo nag-expect siya sa binata dahil sa nangyari sa restaurant. Nakalimutan niyang playboy nga pala ito. Sanay sa mga ganoong bagay. She sometimes sees Cyril around the campus. Well, this time with a different girl. This should be an ordinary day for April. Pero ang sama talaga ng timpla ng katawan niya. Nagsuka pa nga siya kanina pagkagising. Pagkatapos noon ay wala na siya sa mood. Ngayon naman ay gusto niya ng manggang hilaw. Kamalas-malasan pa ay wala sa dati nitong pwesto sa labas ng kanilang campus ang tinderang suki niya. Ramdam na ramdam ni April ang panunubig ng mga panga dahil sa pagka takam sa manggang hilaw. Kailangan kong makakain noon. Pakiramdam ko ay mababaliw ako anumang oras kapag hindi pa ako nakakain ng manggang hilaw. Sabi nito sa saril
*** NANGILABOT si April sa sinabi nang kaibigan ni Cyril. Kilala niya ito, sino bang hindi nakakakilala sa dalawang mala-demigod na lalaki na iyon? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil nandoon si Cyril. Pero ang mas inaalala niya ngayon ang sinabi ng kaibigan nito. Para siyang upos na kandilang napaupo sa bench malapit sa gate. Nang banggitin ng kaibigan ni Cyrill ang tungkol sa buntis ay isa lang ang naisip niyang gawin. Ang tumakbo. Panganay siya at meron pa siyang apat na malilit na kapatid, saksi siya sa pagbubuntis ng kanyang ina kaya pamilya siya sa mga sintomas ng pagiging buntis. She clearly have the signs. Bakit hindi niya napansin ito agad? Her sudden cravings. Ang madalas niyang pagiging antukin at ang pagsusuka niya kaninang umaga. Idagdag mo pa ang pagiging delay ng monthly period niya. She’s regular. Namamawis na ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan na rin siya ng malapot. Agad niyang naisip ang kanyang mga pangarap. She’s in the last year of
Wag kang matakot. Di mo ba alam nandito lang ako, sa iyong tabi. Di kita pababayaan kailan man. - Huwag kang Matakot, Eraserheads *** LITONG-LITO ang dalaga. Hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Wala siya sa sarili, kaya kahit meron pa siyang huling klase ay agad siyang umalis sa campus nila at tumuloy sa trabaho. Kim is on duty at kaunti lang rin ang mga kumakain sa restaurant. “Oh bat ang aga mo? Closing ang shift mo ngayon diba?” Tanong nito sa kanya habang nag-aayos ng mga untensils sa bakanteng lamesa. Hindi siya kumibo at nag dire-diretso sa locker room. Wala sa sariling nilagay niya ang mga gamit sa loob ng locker. Pagsara nito ay agad siyang napadausos paupo. She hug her knees and like a lost girl, cried her hearts out. “April?” Bumukas ang pintuan ng locker room at niluwa noon ang kaibigan. “Anong nangyari?” Agad siyang dinaluhan ng kaibigan ng makita siyang umiiyak. Bakas sa boses nito ang pag-aalala. “Anong problema? Bakit ka umiiyak, huh?” Sunod-su
~~ Masama ang pakiramdam ni April but she needed to work. Sobrang na-drain siya sa pag-iyak nila ni Kim at sa kaalamang buntis siya. Kim gave him a plastic of oranges bago ito umalis kanina. Tanong din ito nang tanong sa mga pagkaing gusto niya at sa mga hindi niya gusto. Sa totoo lang ay hindi niya alam. Wala pa siyang ibang nararamdaman bukod sa matakaw siya sa tulog. Nine ng gabi natapos ang shift niya sa Spotz. Kagaya noong mga nakaraang gabi ay may pakiramdam siyang may sumusunod sa kanya ngayon. Sobrang takot ang nararamdaman niya dahil mag-isa siya ngayon, wala si Kim na kasabay niyang umuwi. Lakad takbo ang ginawa niya para makarating sa terminal ng jeep sa kanto. Syempre nag-iingat siyang madulas, hindi na lang dapat ang sarili niya ang iniisip. There’s a little monster inside her right now. Pero napa-preno ang paa niya nang may maamoy sa paligid. Kasunod nito ay ang pagkalam ng sikmura niya. Wala sa sariling napahawak siya sa ulit sa tiyan. Ngayon lang niya na
We do it in the dark, with smiles on our faces. - The Take Over The Breaks Over, Fall Out Boys *** 4 DAYS have passed since the day April discovered her real condition. Apat na araw na rin niyang kinikimkim ang tungkol dito. Tanging ang kaibigan lang ang may alam sa tunay niyang kalagayan. Nagising siyang sobrang sama ng pakiramdam. Ito na ata ang simula ng kalbaryo niya. Wala pa siyang balak bumangon sana pero hindi ata nakisama ang kanyang anak. Bumangon siya at agad-agad na pumasok sa banyo. Sinuka nya ang kinain ng nagdaang magdamag hanggang sa pakiramdam niya ay buong bituka, atay at baga niya ay nailabas na niya. “Abril, anak? Okay ka lang?” Katok sa kanya ng ina. Ipinikit niya ang mata at nagbilang hanggang sampu. Sa ganoong paraan ay inaasahan niyang mawawala ang hilo. Salamat sa Diyos dahil effective ito. Dali-dali siyang nag mumog at lumabas ng banyo only to see her mother standing adjacent. Matulis ang mga mata nito at sinuri siya mula ulo hanggang paa. Pagka
*** HINDI niya na nakita si Cyril simula noong nagkita sila sa ilalim ng punong manga. Hindi pa rin niya alam kung anong dapat gawin. Mabuti siguro kung sabihin muna niya sa ina bago kay Cyrill. Kahit iresponsable ito, he needed to know. Nasa World Literature class siya ng oras na iyon. Kahit na kaklase niya dito ang binata ang hindi niya ine-expect na makita ito dito. After all hindi naman pumapasok si Cyril sa klase na ito. She’s doing everything she could so she would stay awake during the whole class. 15 minutes palang ang nababawas sa one and a half na klase na ito pero feeling niya ay 10 oras na. She’s so
*** ~ 3 years after ~ “SA atin naman pong sports news, nakatutok live and exclusive mula sa Thailand si April. April anong balita sa ating mga atleta sa SEA Games?” Lumabas ang animated gap ng news program, pagkatapos ay ang muka ni April sa screen. She’s wearing a white polo shirt that has the logo of the network and maong pants. Hawak nito ang mikropono na may logo din ng network. Sa paligid nito ay kitang kita ang mga nagsasayang tao. Hawak ang bandera ng Pilipinas at masayang masayang winawagayway ito. “Thank you Ms. Nadeth. At ito nga po, live tayo sa Nimibutr Stadium sa Thailand kung saan ginanap ang championship ng ating Men’s Basketball teaM laban sa koponan ng Thailand. Naging madugo at mahirap ang laban, pero sa huli tayo pa din ang nagwagi! Isang ginto nanaman para sa ating bayan.” Pagkatapos ay pinakita ang video skits kung saan may inserts ng videos ng basketball game ng team Philippines versus Thailand na kanyang vino-voice over live. After ilang segundo ay pina
I'm never gonna let you go, I'm gonna hold you in my arms foreverGonna try and make up for all the times I hurt you soGonna hold your body close to mine from this day on we're gonna be togetherOh I swear this time I'm never gonna let you go.- Never Gonna Let You Go, Sergio Mendes***HINDI mapakali si Cyril. Nandoong tatayo ito, o di kaya ay maglalakad at iikot ikot sa loob ng hotel room. Namamawis din ang kanyang mga palad. “Relax, son. Para namang sasabak ka sa gera niyan, you are just getting married.” Pagpapahinahon sa kanya ng ama. He sits on the sofa once again. “I don’t know, dad. This is what they called wedding jitters maybe? Naniniwala naman akong hindi na ako lalayasan ng asawa ko, pero kinakabahan talaga ako. P-Paano kung hindi magustuhan ni April yung ayos ng venue? Yung yari ng mga gown ng a-” “S-Son! Stop. Just stop.” Natatawang umiiling ito habang tinatapik siya sa paypay. “You better relax, Cyril. Ayaw mo naman sigurong mahimatay sa mismong kasal mo? That wou
You taught me how to loveYou showed me a tomorrow and todayMy love, that's different from the yesterday I knewYou taught me how to loveAnd darling, I will always cherish youToday, tomorrow, and forever- When I Met You, APO Hiking Society***“I SHOULDN’T have listened to you! I should not have done that!” He is in a state of panic right now. When the coordinator said that April is gone, biglang nag blanko ang isip niya. And then something hit him. After he recovered he immidiately called Kyle. The real general manager of this hotel resort. Agad naman siya nitong pinuntahan. Hindi pa ito nakakalapit sa kanya ay siya na ang pumunta dito. “Kyle! I need all the CCTV footage right now! Bring me to the security room!” “S-Sir, what happen?” “My wife’s missing!” Agad naman siya nitong dinala sa opisina na nagco-control sa CCTVs. They checked every footage that has the recording. Nakita niya sa video ang asawa na lumabas ng kanilang kwarto 5 minutes after he went out. Pumunta ito
*** KINAKABAHAN siya. Mas pa kaysa noong kausapin ang biyenan. Hindi niya alam kung nakailang baso na ba siya ng tubig simula ng magising kanina. Kahit si April ang nahahalata ang pagiging agitated niya. “Cy, what’s wrong? Bakit kanina ka pa hindi mapakali?” Tanong nito sa kanya ng makasalubong sa hagdanan ng kanilang bahay. Busy na busy ito sa pag aasikaso sa mga anak. Aalis kasi ulit sila ngayong weekend, and as their family day sinabi niyang pupunta sila sa isang resort sa Batangas. “N-nothing,” Tanggi niya dito. “Oh wait! Baka mamaya may important kang client call at hindi mo sinagot kasi aalis tayo?” Medyo pabalang na tanong nito. April got upset when he did not answer an important meeting call. Medyo nagkagulo ng kaunti. Wala naman masyadong nagyari pero she’s upset a little dahil nadagdagan ang trabaho niya after not answering the call. “No! None. I…I am just excited to see the resort. Gusto ko lang makita first hand if my investment doesn’t go to waste.” Pagdadah
*** “ANGELA, ANGELO. Kainin niyo na itong mga ice cream niyo. Matutunaw. Sayang.” Kinuha ng mga anak ang ice cream na hawak at masayang tumakbo pabalik sa kanilang mga house helpers na nagpapalipad ng saranggola. They are in a picnic park somewhere in Laguna. Another weekend means family day for their little family. Nasa ilalim sila ng isang mayabong at malaking puno. Like other family and friends here, nakaupo sila sa isang mat. Dala dala ang iba’t-ibang klase ng pagkain. She doesn’t forget her children’s favorite snacks. And of course, her first born aka her husband’s, favorite food. “Here. Kainin mo na.” Abot niya sa chicken sandwich na paborito nito. “Thanks!” And he immediately takes a bite. Naka sandal sila sa katawan ng puno habang masayang pinagmamasdan ang mga anak. Their kids are playing with their bodyguards and house helpers. Another happy memories to cherish. “Ang bilis nilang lumaki.” Malungkot na sabi ni April sa asawa. “Next thing we know, mag papakilala
I know we’re starting over again This time we’ll love all the pain away Welcome home my lover and friend We are starting over, over again - Starting Over Again, Natalie Cole *** “C-CY! Let’s talk. Please?” A woman’s voice is echoing in the busy, yet quiet, lobby of the Constantino Group of Companies Building. All eyes are at the center of the attraction. A woman was held by 2 woman bodyguards. Nagmamakaawa sa lalakeng kakarating lang. But the man is deaf to the woman’s plea. “Cy, please. I…W-We need to talk.” Her cries are not enough. Ni hindi man lang humarap ang lalakeng pinapakiusapan. He is just standing with his secretary at the elevator’s doors waiting for the express elevator to open. “S-Sir?” Though he is nervous, the male secretary asks his boss. “What?” “S-Si Ms. Vanity po.” The secretary said the obvious. “I know.” Punong puno ng pagtataka ang secretary sa sinagot ng kanyang amo. “C-Cy! I am still the representative of the P-Pangilinan Group of Comp
***“BAKIT hindi ka kumikibo? May nagawa ba ako? Please tell me.” Malambing na tanong ni Cyril sa asawa. Hindi na kasi ito kumibo simula ng tanungin nito kung anong nagyari sa kanila ni Lucas. “Hindi kasi ako naniniwala na walang nagyari sa inyong dalawa ni Alex. Kilala kita, Cy.” Napakamot na lang ng batok si Cyril. Alam talaga ng asawa kung anong karakas niya. At bilang mabuting asawa dito, hindi dapat siya nagtatago ng sikreto dito. “We just talk. Nothing fancy.” “Anong pi
'Cause this angel has flown away from meLeaving me in drunken miseryI should have clipped her wingsAnd made her mine for all eternity- Heaven Knows, Orange & Lemons***“HATID na kita.” Alok ni Alex sa kanya habang papalabas sila ng Cloud 9. Malalim na ang gabi at malamig na din ang simoy ng hangin. Hating gabi na din. “Hindi na. Nakakahiya naman sayo.” “Wala yon. Isa pa, baka saksakin ako ng asawa mo. Pumayag na nga siyang makapag usap tayo, tapos hahayaan pa kitang umuwi mag isa? Saka ako nagdala sayo dito, ako din ang mag uuwi sayo.” “Hindi na.” Itinaas nito ang cellphone na hawak. “Magpapasundo na lang ako sa asawa ko.” Wala na itong nagawa ng i-dial niya ang cellphone at tawagan ang asawa. “Cy?” Nagulat pa siya ng isang ring pa lang ay sumagot na agad ang asawa. “Cy?” Tawag niya ulit dito dahil hindi ito nagsasalita. “Y-Yes?” “Nasaan ka? Puwede bang… pwede bang magpasundo?” Nahihiya pa niyang tanong dito. “Look at your right.” Simpleng sagot nito. Agad niyang sinunod
*** MALAKAS ang ihip ng hangin. Nagtatagpo ang bituin sa langit at bituin sa lupa mula sa mga bahayan at building sa kalakhang Maynila. Wala masiyadong nagbago sa lugar mula nang una silang nagpunta dito. Pareho silang nakatanaw sa kawalan, pinapakiramdaman ang bawat isa. “Parang kailan lang nung una tayong pumunta dito.” Ito ang unang bumasag sa katahimikan. Hindi naman niya maiwasang matawa nang maalala iyon. “Ang lamig lamig dito pero kinuha mo ako sa Route ‘77 na ang tanging suot lang ay one piece leather suit at stockings.” Tuluyan itong natawa ng maalala ang una nilang pagpunta dito sa Cloud 9. “Naalala ko nanaman yung mukha ni Hershey at Tommy nang kuhain kita sa stage.” Naiiiling pa ito habang humihigop ng kape na kanilang inorder. “Inatake ata si Mammy Tommy dahil sa ginawa mo.” Natatawa ding tugon niya dito. Katahimikan ulit ang bumalot sa kanilang dalawa. “Naaalala ko din kung anong pinagusapan natin ng mga oras na yon.” “Umiyak ka noon.” Bigla naman