Leo'sPOVHabang nasa ilalim ng shower. Hindi mawaglit sa aking isipan ang nangyari samin ni Rhianna. Shit! It feel so good having a sex with her. I can't help myself wanting her. Napabuntong-hininga ako. This is the last, and i will never do that again until we get married. Yes, sisiguraduhin ko na ako ang mapapangasawa ni Rhianna at wala nang iba.Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Simpleng t-shirt at Cargo short lang ang suot ko. Nang matapos ako sa ginagawa ay agad akong lumabas ng silid. Saktong paglabas ko, palabas na rin si Rhianna sa kaniyang kwarto. She's wearing a plain pink dress na hanggang taas ng tuhod ang haba. Damn! She looks pretty wearing that dress."Tara na?" untag sakin ni Rhianna."Tara." wika ko. Pinauna ko na siyang lumabas sa apartment. Nang makalabas kami ay agad namin tinungo ang kotse na nasa gilid lamang ng apartment. Sumakay si Rhianna sa passenger seat samantalang ako naman ay nagtungo na sa driver's seat."Excited?" tanong ko sa kaniya tsaka
Rhianna'sPOVHabang naghihintay sa pagdating ni Harold at Brandon. Minabuti namin ni Leo na ipaalam sa mag-asawa ang aming pag-alis. Lumabas kami ng kwarto at nagtungo sa salas. Nadatnan namin ang mag-asawa na nakaharap sa telebisyon at nanonood ng panggabing teleserye. Nang makalapit kami ay bumaling sila sa aming kinatatayuan at bahagyang ngumiti."Maupo kayo dito Leo at Rhianna. Samahan niyo kami sa aming panonood." ani Doktora samin. Kimi akong ngumiti sa kaniya at naglakad ako patungo sa sofa na nasa gilid ng kanilang inuukopang sofa. Tinabihan ako ni Leo sa pag-upo. Tiningnan ako ni Leo nang makahulugan. Na ang ibig sabihin, sabihin ko na sa kanila ang sadya namin."Doc, napagkasunduan kasi namin ni Leo na ngayon na kami babalik. On the way na po yung Co-iAgent namin para sunduin kami. Pasensya na po kung nagdesisyon kami nang wala ang inyong pahintulot." wika ko. Bumaling sakin ang mag-asawa mula sa panonood. Ngumiti sila samin. Bakit ba ang babait nila?"Wala yun. Naiintindih
Limang araw lamang ang itinagal nang pagpapahinga ni Leo at magaling na ang sugat niya. Nandito ako ngayon sa kaniyang kwarto at tinatanggal ang bandage sa kaniyang sugat. Nang matanggal ko iyon ay sinipat ko ang braso. Naghilom na yun."Hayan. Okay ka na." wika ko tsaka siya tiningnan. Matamis ang ngiting iginiwad niya sakin tsaka ako kinindatan."Magaling ang nurse ko e." wika niya. Inirapan ko lang siya."Tatawagan ko so Agent Jerald para sabihin na handa na ako." wika niya. Nag-usap kasi sila na kapag ayos na si Leo doon na nila sisimulan ang paghuli kay Ysmael."Sige." wika ko tsaka umupo sa tabi niya. Inakbayan niya ako na mas nagpakilig sa akin. Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table. Tiningnan ko ang ginagawa niya. Idinidial niya ang cellphone number ni Agent Jerald. Ilang ring lang ang lumipas, sinagot na iyon ni Agent Jerald. Iniloud speaker iyon ni Leo para marinig ko."Agent Leo! Kamusta?" tanong ni Agent Jerald na nasa kabilang linya."Ayos na po ako." wika niya
Rhianna'sPOV Ipinarada ni Brandon ang kotse nito di kalayuan sa pinagtataguang mansiyon ni Don Ysmael. Bumaba na ako nang kotse. Nang makababa ako, bumaba na rin sina Brandon, Faith at Leo. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa mansiyon. Nang nasa gilid na kami ng gate ng mansiyon ay nagsalita si Brandon. "Sa harap kami ni Faith. Sa likod kayo. Magtagpo tayo sa gitna." wika ni Brandon. "Sige. Mag-iingat kayo." wika ni Leo. Tinanguan lang ni Brandon si Leo. "Kayo din. Mag-iingat kayo." wika ni Faith. "Salamat Faith." wika ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti din pabalik sakin si Faith. "Tara na!" wika ni Brandon tsaka hinawakan ni Brandon ang kamay ni Faith. Nakita kong napadako doon ang tingin ni Faith. Bakit? Ngayon lang ba siya nahawakan ni Brandon? "Halika na Rhianna. Mauna ka." wika ni Leo. Agad akong lumingon kay Leo at nauna nang naglakad. Nang marating namin ang dulong bahagi ng gate. "Aakyat ako?" tanong ko. "Oo, umakyat ka na dali. Tutulungan kita makaakyat." wika ni
Nang marating namin ang pangalawang palapag ng bahay. Sinimulan namin buksan ang bawat pinto na madaanan namin. Sa unang dalawang pinto na binuksan namin ay wala kaming nakitang tao. Nandito kami sa pangatlong pinto, pangalawa sa huling pintuan. Si Brandon ang humawak nang doorknob. Nakatutok ang hawak naming baril sa pintuan para handa kami sa anumang mangyayari. Nang mabuksan ni Brandon ang pinto. Sumambulat sa aming harapan ang tatlong kalalakihan na may hawak na baril at nakatutok sa amin. Samantalang nasa likod nila si Ysmael at prenteng nakaupo at may ngisi sa mga labi. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit. "Rhianna. Nandito pala ang pinakamamahal kong step-daughter. Hindi ko akalain na pagkatapos kitang pakainin at patirahin sa malaking bahay. Ganito pa ang igaganti mo?!" wika niya habang matalim na nakatingin sakin. Hindi ako natakot sa matalim na pagkakatingin sakin. "Oo pinakain mo kami. Pero ginawa mo kaming preso! At hindi ko kailanman ipagpapasalamat ang ginawa mo sa
Leo'sPOV Magsasalita pa sana ako subalit mahimbing nang natutulog si Rhianna. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Being with Rhianna is such a blessing. Sa wakas tapos na ang misyon namin. Binibiro ko lang si Rhianna nang sabihin ko na hindi ako aalis sa pagiging Aagent. Gusto ko lang malaman ang reaksyon niya. Kung magagalit ba siya? Pero nagkamali ako. Sinuportahan niya pa rin ako. Isang katangian nang babae na kailanman ay di ko naramdaman sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. Biglang nagmulat ng mga mata si Rhianna tsaka ako tiningnan. "Bakit gising ka pa?" tanong niya sakin. Hinaplos ko ang buhok niya. Gamit ang aking daliri ay sinuklay ko iyon. "Gusto kitang bantayan." wika ko tsaka siya kinintalan ng halik sa noo. Napasimangot siya. Natawa ako sa inasal niya tsaka pinanggigilan ang ilong niya. "Matulog ka na Leo, don't worry paggising mo nandito pa rin ako sa tabi mo." wika niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ako din, hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin. "
Rhianna's POVIsang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay nagulat ako sa aking nadatnan. Lumingon sakin si Mama na abala sa pag-aasikaso sa aming bisita na nakaupo sa sofa sa salas."Anak, nandito ka na pala. Kararating lang ni Leo. Eh, gusto ka sana niyang puntahan sa likod-bahay. Sabi ko naman hintayin ka nalang niya na makabalik." wika ni Mama. Tiningnan ko si Leo. Nakatitig siya sakin at binigyan ako nang matamis na ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sakin. Tumalikod ako mula sa kaniya at akmang lalabas muli ng bahay nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan. Naiinis ako dahil nakaya niya akong tiisin
Leo'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko."Kamusta?" tanong ko.Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase. "Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na ma