ASHLEY
KUMISLAP ang pag-aalala sa mga mata ni Eya habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay tumiim ang bagang nito.
"Baka nasasaktan ka tinitiis mo lang," sambit nito.
Huminga siya nang malalim saka umiling. Hinawakan niya ang magkabila kamay nito at saka ipininid iyon sa uluhan nito pagkatapos ay dahan-dahan siyang gumalaw sa ibabaw nito. Tiniis niya ang hapdi at kirot na nararamdaman niya sa bawat galaw niya. Parang gusto niya sumigaw sa sobrang sakit pero ilan segundo pa ay unti-unti iyong napalitan ng kakaibang kiliti sa kaibuturan niya.
Oh, God! She's feeling better now. She's feeling pleasure. A blissful pleasure that she haven't felt before. This is heaven!
Sabay pa silang napaungol ni Eya nang magsimula nang bumilis ang pag-indayog ng pang-upo niya. Taas baba ang gawa niya.
"Ohh." Nag-umpisa na siyang umungol ng malakas sa sarap habang humihigpit ang pagkakasiklop ng kamay nila. "Ohh! Ohh!"
Mayamaya pa ay d
ASHLEYPINAIKOT niya ang paningin upang mapagmasdan ang kabuuan ng mansyon na pag mamay-ari ni Eda. Ang sabi nito katamtaman lang ang bahay nito pero mukhang iba yata ang katamtaman na salita para kay Eda.Napalaki ng mansyon nito. Halos malula siya sa magagandang muwebles sa loob ng mansyon nito. Hinila siya ni Eda patungo sa salas. Basag ang salamin ng bintana at nagkalat ang mga bubog sa paligid."Upo ka, Ashley. Pasensya ka na sa kalat," inimuwestra ni Eda ang isang pang-isahan na upuan para makaupo siya.Tahimik naman na naupo siya. Namamangha pa rin siya sa ganda at laki ng mansyon ni Eda. Dinaig pa ang White House. Matapos kasi siyang lumabas sa hospital, malugod siyang inaya ni Eda na pansamantalang tumira sa bahay nito. Hindi na kasi siya maaari bumalik sa inuupahan niyang apartment dahil sa kagagawan ni Eya at Ebo."Feel at home, Ashley. Pamilya ka na namin mag mula ngayon." Masayang turan ni Eda."Ha? Pamilya?""Oo, a
ASHLEY TAHIMIK lang siya nagmamasid kay Eda. Sobrang busy kasi nito sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ni Eya. Garden wedding ang napili niya at sa likod ng Glendridge Mansion gaganapin ang kasal nila ni Eya sa darating na linggo. "Maganda ba ang mga pinili kong bulaklak, Ashley?" magiliw na tanong ni Eda sa kanya habang hawak-hawak nito ang mga puting rosas. Masayang tumango naman siya. Nagkalat ang mga puting rosas sa paligid. Iyon kasi ang ginawang dekorasyon ni Eda at ng wedding planner na inupahan nito. Wala na nga siyang iba ginawa kun'di ang sumang-ayon sa mga gusto ni Eda. Mas tuwang-tuwa at sabik pa ito kaysa sa kanya. Pero magkagayon man, wala naman siyang kontra. Tutal gastos naman ni Eda ang lahat, kahit anong pilit niya kasi na makihati sa gastos ay ayaw nito pumayag kaya hinayaan na lamang niya ito. Sinabihan din siya ni Eda na parating ang gagawa ng kanyang wedding gown upang sukatan siya. "I'm so excited! Lahat ng employee
ASHLEY NAKATULALA sa kanya si Eda nang magtanong siya kung possible nga ba mabuntis siya. Possible bang magkaanak siya kay Eya. Napahugot nang malalim na paghinga si Eda bago nagsalita. "Actually, hindi rin ako sigurado. Sa kaso ko, hindi naman ako nabuntis ng asawa ko."Kumuha muna ito ng wine glass na may lamang dugo bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya. "Ewan ko lang saiyo. Pero kung sakali man mabuntis ka, magiging delikado 'yon para sa'yo," dugtong pa ni Eda sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. Paanong delikado? Alam naman niya mahirap ang magbuntis ngunit gaano kadelikado ba ang tinutukoy nito? "Bakit delikado?" naguguluhan tanong niya. Pagak ito ngumiti sa kanya at mabining hinaplos ang mahaba niyang buhok. "Delikado dahil maaari mo 'yon ikamatay." Nahindik siya sa sinagot ni Eda. "Mahihirapan ba ako manganak? Ganoon ba 'yon?" Umiiling-iling ito. "Dalawa lamang ang magiging senaryo niyan sa
ASHELY NAKAPANGHIHILAKBOT ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na sumulpot si Ebo at Eda upang tulungan si Eya sa pakikipagbuno sa babae. Halos hindi siya manlaki ang mga mata niya sa gulat. Kaagad na pinagtulungan ng tatlo ang babae. Marahas na hinawakan ni Eya at Ebo ang makabilang braso ng babae habang si Eda naman ay walang habas na sinaksak ang babae sa dibdib gamit ang kulay pilak na punyal. Humiyaw nang malakas ang babae kasabay ang pag-ngisay ng katawan nito at nag-apoy bigla. Unti-unti tinupok ng apoy ang babae hanggang sa maagnas ito. Natuptop niya ang bibig at napaatras siya. Paanong nabuhay uli ang babaeng iyon? At possible pala na maging bampira ang isang taong patay na? Halos mapugto ang paghinga niya sa labis na kabog ng dibdib niya. Ilan sandali pa ay nasa tabi na niya si Eya at hinila siya paakyat. "A-Anong nangyari kanina? Bakit naging ganoon ang babae iyon? Bakit siya naging bampira? Bakit ka niya sin
ASHLEY "WILL you have this woman to be your wife, to live together in holy marriage? Will you love her, comfort her, honor, and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?" Malumanay na tanong ng Pastor kay Eya. Kasalukuyan ginaganap ang araw ng kasal nilang dalawa ni Eya sa malawak na hardin ng Glendridge Mansion. Napakaraming bisita ang dumating, mga staffs, nurses at kaibigan niya doktor ay imbitado pati mga business associate ni Eya sa hospital ay narito rin. Malakas na sumagot si Eya ng 'I do' na ikinatawa naman ng ilan bisita. Napangiti siya. Siya naman ang tinanong ng pastor at walang pag-aalinlangan niya ito sinagot din ng 'I do' hanggang sa inanunsyo na ng pastor na legal na silang mag-asawa ni Eya. Masigabong nagpalakpakan ang mga bisita, kasabay ang pag-tugtog ng musika nang hinalikan siya ni Eya sa kanyang mga labi. Lahat ay masayang bumati
EBO'S POV (Isingit ko lang si Ebo sa chapter na ito) NAGTATANGIS ang mga ngipin niya habang tahimik siyang nakaupo sa likod mansyon. Mayamaya pa naramdaman niyang lumapit si Eda sa kanya may hawak itong dalawang kopita, inabot nito ang isa sa kanya. "Blood wine..." wika ni Eda. Kaagad naman niya kinuha ang kopita at walang habas na nilagok ang laman nun. Naiinis pa rin siya. Ewan ba niya bakit ganoon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Napabuntong hininga na lamang siya. "Kunwari wala akong naririnig..." pabulong na usal niya. Bumunghalit naman ng tawa si Eda at naiiling na tinignan siya. "Ang sabihin mo naiinggit ka lang. Ganoon talaga pag bagong kasal nagtatampisaw sila sa kaligayahan," nakangising tugon ni Eda. Nanlaki ang butas ng ilong niya at napataas ang kilay. Siya, maiinggit? Imposible! "Hindi ako naiinggit sa kanila. Sa katanuyan nga e, wala akong pakialam!" asik niya halos lumaba
ASHLEYISANG buwan na ang nakalipas matapos silang ikasal ni Eya. Buhat nang makauwi sila galing honeymoon sa Hawaii ay naging busy na si Eya at Eda sa hospital. Talagang seryoso ang asawa niya na aralin ang lahat tungkol sa negosyo.Marahan siyang nag-inat ng katawan at bumaba sa kama. Pagkatayo niya bahagya pa siya nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo siya sa kama. Natampal niya ang noo. Na-sobrahan na yata siya sa tulog. Pagtingin niya sa oras ay alas-dose na ng tanghali. Napabuga siya nang malalim na paghinga saka tumayo uli.Bumaba siya at nagtungo sa kusina. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Tahimik masyado. Alam niyang maaga umaalis sina Eya at Eda. Habang si Ebo naman, wala siyang ideya kung saan ito nagpupunta. May sariling mundo kasi ang isang iyon.Nagtimpla siya ng kape. Masyado na siyang late para sa kape ngunit magkakape pa rin siya. Nang tikman niya ang tinimplang kape bigla siyang napabuga at nandidiring dumura sa lababo.
EYAPINAKATITIGAN niya ang mga taong kasama niya sa conference room. Kasama niya ang ilan board members at mga residence doctors ng hospital. Tahimik lang siyang nagmamasid habang nilalaro-laro niya ang ballpen na nasa daliri. Minsan hindi rin niya maiwasan mapataas ang kilay at mapailing. Sa tuwing naririnig niya ang bulungan ng iba. Malinaw na malinaw niya kasi naririnig ang bulungan. Iyon iba maganda ang sinabi samantalang ang iba naman ay walang magandang sinabi tungkol sa kanya.Napabuga na lang siya nang malalim na paghinga.Mayamaya pa ay nalanghap niya ang isang pamilyar na amoy. Biglang sumilay ang malawak na ngiti sa labi niya. Alam niyang naroon sa hospital ang asawa niya. Para tuloy gusto na niyang tumayo at tapusin ang conference meeting. Lumipas pa ang ilan minuto ay natapos na rin ang meeting. Siya ang unang tumayo at lumabas ng conference room. Isang mabilis na takbo ang ginawa niya pababa para mapuntahan ang asawa niya. Hindi na siya gumamit ng el