Home / Fantasy / YAKAP SA DILIM / KABANATA 17

Share

KABANATA 17

last update Last Updated: 2021-07-17 10:40:54

EYA

KINABAHAN siya nang makita ang nagkalat na dugo sa gitnang bahagi ng hita ni Master Ash, gayon din sa parte niya ay may dugo rin. Ano ba ang nangyayari? Sinaktan nga ba niya si Master? Labis siyang nag-alala sa kalagayan nito, mali yata ang ginawa niya. Kasalanan ko ito, sinaktan ko si Master.

"Hoy, Eya! Ano ba ba't naiiyak ka diyan?" sikmat sa kanya ni Master.

Napahawak tuloy siya sa pisngi niya. Naluha siya? Masyadong siyang natakot.

"Ayoko mamatay ka, Master. Ayoko," tugon niya.

Hindi niya kakayanin mawala si Master Ash. Kung kinakailangan aralin niya lahat ng bagay upang maging normal siya sa paningin ng lahat ay gagawin niya. Huwag lang mawala sa kanya si Master Ash, ngunit mukhang siya pa yata ang magiging dahilan nang pagkamatay ni Master.

Bumunghalit nang tawa si Master saka marahan tumayo sa kama. Napaigik pa ito sapo ang gitnang parte ng mga hita nito. Kaagad siyang nabahala.

"M-Mas

NIKKYOCTAVIANO

Hello, Ako si Nikky. Salamat sa patuloy na pagbabasa at sa suporta! Happy reading!

| 3
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jommel Cuizon
magandang kwinto to salamat
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 18

    ASHLEY UMANGAT yata ang kaluluwa niya nang makitang nawalan nang malay si Eya. Sobrang bilis kasi nang pangyayari, lumapit si Eya sa lalaking hostage taker at walang kaamok-amok na inagaw ang baril sa lalaki at hinila ang babaeng biktima. Pero parang split second lang, naglabas ng balisong ang lalaki at sinaksak na lang bigla si Eya sa dibdib. Nagsigawan ang lahat, maging ang mga pulis at security guard ay nataranta kaya nabaril ng mga ito ang lalaking hostage taker. Patakbo siyang lumapit kay Eya, pinipilit niya ito gumising. Ano bang nangyayari saiyo, Eya? Mayamaya pa ay mayroon nang dumating na ambulansya para dalhin si Eya at ang hostage taker sa hospital. Bigla siyang tinubuan ng kaba habang makasakay na siya sa loob ng ambulansya at hawak-hawak ang isang kamay ni Eya. Paano niya ipapaliwanag sa hospital kung malaman ng mga ito na hindi ito pangkaraniwang tao? Ilan minuto pa ay nadala na agad si Eya sa emergency room ng ho

    Last Updated : 2021-07-18
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 19

    EYA PAGDILAT niya ng mga mata nasa isang hindi pamilyar na silid siya. Nakahiga at nakagapos ang dalawang mga kamay niya maging ang dalawang paa niya ay nakagapos din. Pinilit niyang tumayo at sirain ang matigas na bakal na nakagapos sa kanya subalit hindi niya magawa. Nasaan ba siya? Ano ba ang nangyari? Nasaan si Master Ash? Ang huling pagkakatanda niya ay nasugatan siya sa dibdib at nanghina siya. Unang beses iyon na nakaramdam siya nang panghihina, hindi niya mawari pero ang pakiramdam niya ay para siyang uhaw na uhaw kaya nawalan siya ng ulirat. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid, maraming aparato siyang nakikita na hindi siya pamilyar kung ano man ang mga iyon. Ano ba talaga ang nangyayari? Ilan sandali pa ay may pumasok na tatlong lalaki at isang babae sa loob, lumapit ang mga ito sa kanya. Nakasuot ang mga ito ng puting damit at may nakatakip sa mga mukha ng mga ito. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtata

    Last Updated : 2021-07-19
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 20

    ASHLEY NAGPAKAWALA siya ng isang malalim na paghinga bago niya isinalaysay kay Ria ang lahat. Mula kung paano sa tingin niya nabuhay ang Mummy hanggang sa sundan siya nito at painumin ng dugo niya at hanggang maisipan niyang dalhin ito sa Maynila upang itago. "Anong rason mo, Ashley? Bakit mo ito tinago?" makahulugang tanong ni Ria sa kanya. Nag-isip siya. Rason? "Nung una naawa ako sa kanya. Nalaman kong hindi siya masama. Hindi siya na nanakit. Gusto ko lang siyang tulungan," madiin niyang tugon habang nakakuyom ang mga kamay niya. Blanko ang mukhang nakatitig si Ria sa kanya. "Ashley, hindi siya tao. Alam na alam mo iyon. You see? Ikaw na rin nagsabi na umiinom siya ng dugo at kumakain ng laman-loob ng hayop. May tendency na gawin niya rin iyon sa tao," giit ni Ria. Umiiling-iling siya. Hinding-hindi gagawin iyon ni Eya. "Hindi gagawin ni Eya 'yon. Hindi niya kayang manakit! Kilala ko siya!" paasik niy

    Last Updated : 2021-07-19
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 21

    ASHLEY KUMALAT ang balita tungkol kay Eya. Nag-viral ang video nito habang nagwawala ito sa Hospital at nakuhanan din ito na umiinom ng dugo. Samu't saring haka-haka ang sinasabi ng maraming tao, kesyo isa itong aswang, maligno, zombie o isang bampira. Buong bansa ay nakatutok sa eksaminasyon na ginagawa ni Dr. Lee isang sikat na scientist sa Asya. Maging ang mga karatig bansa ay nagpapahiwatig sa pagnanais din na masuri si Eya. Huminga siya nang malalim. Halos isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. Nagmu-mukmok siya mag-isa, nanuod lagi ng balita. Lagi niyang inaabangan ang balita tungkol kay Eya. Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Tinatamad man ay binuksan din niya. Si Ria. Kaagad nagliwanag ang mukha niya nang makita ito. "Ria! Anong balita kay Eya? Kumusta siya?" mabilis niyang tanong. Dire-diretsong pumasok ang kaibigan at prenteng naupo sa mahabang sofa sa salas. "Maayos naman siya. Lagi kang hin

    Last Updated : 2021-07-20
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 22

    ASHLEY "ANO SA TINGIN MO?" tanong niya kay Ria. Kasalukuyan tinitignan ito ni Ria. Nai-kuwento na rin ni Jolina kung paano napunta roon ang naturang bangkay. "My God! Paano nangyari nabuo ito? Ang sabi mo...Si Eya, nabuo dahil sa dugo mo. Nakakapagtaka kung paano ito nabuo ng walang dugo sinipsip?" kunot noong bigkas ni Ria. Ayon din ang iniisip niya. Mayamaya pa ay tumikhim si Jolina, alam na rin nito ang tungkol kay Eya at syempre naibalita na sa lahat kaya wala nang saysay pa na-itago o ilihim ang ganitong bagay. Lumingon sila ni Ria kay Jolina. Tila may nais itong sabihin. "Si...Marvin hindi niya sadya na maitapon 'yon blood sample na pinakuha sa kanya sa laboratory sa hospital. Naitapon niya doon mismo sa bangkay, nakalagay kasi 'yan sa sako nun una tapos inilipat ni marvin...kaya natapunan," nakangiwing paliwanag ni Jolina. Blood sample? Ang konti lang non? "Pero konti lang 'yon? Hindi pa rin sasapa

    Last Updated : 2021-07-21
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 23

    ASHLEY NAKITA nila ni Ria na hinuli si Abo ng mga pulis at kinaladkad ito papasok sa police mobile car. Nagkatinginan sila ni Ria. Napabuntong hininga siya. Mabilis silang sumunod sa presinto kung saan dinala si Abo. Sinusuotan ito ng isang pulis ng jersy shorts. Kaagad sila lumapit at kinausap ang naturang pulis. "Sir, excuse me. Pasyente ito sa mental hospital, nakatakas lang," bungad agad ni Ria sa pulis. Tinignan muna sila ito bago nagsalita. "Saan mental hospital? Sigurado ba kayo?" tanong sa kanila ng pulis. Sabay silang tumango ni Ria. Nabanggit pa si Ria ng pangalan ng mental hospital. May tinawagan din si Ria doon sa mental hospital para kumpirmahin ng pulis kung tama ba ang sinasabi nila. Mabuti na lang at nakiayon sa kanila ang langit dahil sakto ang sumagot ng tawag ay pinsan ni Ria. Sinabi lang nito na may nakatakas nga na pasyente na galing doon. Kaya matiwasay na nakuha nila si Abo. Nakaka

    Last Updated : 2021-07-22
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 24

    ASHLEY UMAYON NAMAN ang lahat ng plano nila ni Ria. Pumayag kaagad si Dr. Lee na dalhin si Ebo sa China para masuri. Nagpadala si Dr. Lee ng mga staffs na maghahatid kay Ebo at nakasama siya kay Ria. Bigla tuloy siyang nasabik makita si Eya. Napag-alaman din nila na nakikipag-ugnayan na rin si Dr. Lee sa ibang malalaking bansa. Natuklasan kasi ng mga siyentipiko na triple ang lakas ni Eya sa isang Grizzly Bear at sa isang Oxen. "Napatay daw ni Eya ang isang Grizzly Bear ng isang suntok lang," kuwento ni Ria. Nai-kuwento rin lang din ito kay Ria ng isang staff. "At--walang kahihirap nito hinuli ang isang Oxen at kinakin niya," dugtong pa ni Ria. Namangha siya. Hindi niya alam na ganoon kalakas si Eya. Napasulyap sila kay Ebo na tahimik lang na nakahiga habang nakatali ang kamay at paa nito. "At saka ang usap-usapan yata na dadaan ng training sa US Army si Eya, gagastusan ito ng Amerika pero malakas na tumatanggi ang Unit

    Last Updated : 2021-07-22
  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 25

    EYA NAPATUNGO siya nang matapos na ang pinapagawa sa kanya ni Dr. Lee. Marami ito pinagawa sa kanya tulad nang labanan niya ang isang malaking oso, isang agresibong malaking baka at ngayon naman ang labanan ang isang leon. Noon una naninibago siya sa lakas na taglay niya. Bago sa kanya iyon, hindi niya rin akalain na kaya niyang bumuhat ng isang kotse ng walang kahirap-hirap. Nilalabas ni Dr. Lee lahat nang nakatagong abilidad niya. "You are indeed powerful creature, Eya," natutuwang bigkas ni Dr. Lee. Hindi pa niya lubos maunawaan ang ibig nito sabihin. May ibang lengguwahe ito na hindi pa siya pamilyar. Bagamat tinuturuan din siya ni Dr. Lee na magbasa, sumulat at magsalita ng ibang lengguwahe. "Nasaan ang Master Ash ko? Ang sabi mo nandito siya kaya sumama ako saiyo!" hiyaw niya. Malapit na siyang mapuno. Ilan araw na niyang hindi nakikita si Master Ash. Nangako pa naman ito na dadalawin siya subalit hindi ito nagpakita. Hinuha niya

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 68

    ASHLEY MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya. Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito. "E-Eya?" nag-aalalang sambit niya. "Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa. Kaagad naman niya hinawakan si Eya. "Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya. "Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito. Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 68

    ASHLEY MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya. Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito. "E-Eya?" nag-aalalang sambit niya. "Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa. Kaagad naman niya hinawakan si Eya. "Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya. "Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito. Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 67

    EYAHABANG papasok sa Police department kaagad na inihiwalay sa kanya si Adaline at ang asawa niya. Pero imbes na dalhin siya sa isang interrogation room, may matulis na bagay ang sumaksak sa leeg niya. Damn! Syringe again, the f*ck!Segundo lang at nawalan siya ng malay. Nang magising siya nakatali na siya sa isang bakal na upuan na may kung ano-ano nakakabit na kable sa buong katawan niya.Huminga siya nang malalim. Hindi siya nag-panic. Blanko lang ang pinakita niyang mukha. Nasa loob siya ng isang puting silid na pinalilibutan ng tinted na salamin. Alam niyang maraming tao ang nakatingin sa kanya. Naririnig niya ang mga tibok ng puso ng mga ito."Can someone explain me, what this is for? Where's my wife and my daughter? Hello? I know there's a lot of you watching me right now and I know you can hear me," kalmadong sabi niya.Mayamaya pa may narinig siyang boses."We already know what you are. We'd better put you there for our safety."

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 66

    ASHLEY PAGDATING ng mga sheriff sa labas ng mansyon. Kaagad na naglabas ng mga baril ang mga sheriff at tinutukan sila. Mabilis na nagtaas ng dalawang kamay si Eya. "Raise your hand! Come with us quietly so there is no trouble." Malakas na wika ng isang sheriff. Lumingon naman sa kanya si Eya at hinalikan siya sa labi saka humarap sa mga ito. "I'll go with you then. Just me and not with my wife and daughter," malamig na sagot ni Eya sa mga ito. "We also need to talk to your daughter. Don't worry, we won't do anything with you and your family. Your wife can also come," dugtong naman ng isa pang sheriff. Huminga siya nang malalim at nagkatinginan sila ni Eya. Bahagya lang siya tumango, tanda ng pang sang-ayon niya. Ayaw niya ng kahit anong gulo, kaya sasama sila nang tahimik. Tinawag niya si Adaline. Bumaba naman ito at para bang naguguluhan sa nangyayari. "Bakit may mga pulis, Mama?" "Kakausapin lang nila ang Pap

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 65

    ASHLEYBAHAGYANG lumalim ang paghinga niya nang maramdaman na may humahaplos sa mga binti at hita niya. Naramdaman din niya ang pagdampi nang mainit na bibig sa kanyang kaselanan na tila inaamoy at nilalasahan. Napaugol siya habang nakapikit pa rin. Si Eya ba 'yon? Napangiti pa siya, parang walang kapaguran ito. Naramdaman niya ang pagbuka nito sa mga hita niya, napaliyad siya nang tuluyan halik-halikan nito ang kanyang pagkababae.Kagat labing napahawak siya sa buhok nito ng sipsipin ni Eya ang kanyang pagkababae. Kaya mas tinodo niya ang pagbuka sa mga hita upang bigyan laya ito na angkinin siya."Oh, E-Eya...Hindi mo talaga ako titigilan," paanas na daing niya habang nakasabunot sa buhok nito at dahan-dahan pinagduduldulan pa lalo ang ulo nito sa pagkababae niya."Is this what you want? Hmm..."Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba kay Eya, napilitan siyang idilat ang mga mata. Nakita niya si Eya na nasa pa

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 64

    EYA MAINGAT niyang inihiga ang asawa sa kama ni Adaline. Sakto naman na bumangon na si Adaline at tumingin kay Master sabay tingin din sa kanya. "Anong ginawa mo kay Mama?" blanko ang mukhang tanong ng anak niya sa kanya. Umiiling-iling siya. "W-Wala," mabilis na tugon niya. Ngumuso lang ito at inirapan siya. Halatang hindi naniwala si Adaline. Bumaba ito ng kama saka nagsuot ito ng jacket at puting sumbrero nito. "Nagugutom ako, Papa. Gusto ko ng spaghetti at fries. Bili na rin tayo ng damit ni Mama, kasi suot niya ang damit mo tapos ikaw wala kang tshirt." Pagak siyang natawa at marahan ito kinurot sa pisngi. "Sige. Labas tayo saglit, habang nagpapahinga ang Mama mo." Ngumisi siya. Pinagod niya kasi si Master. Sa ilan taon na hindi niya ito nakasama, hinanap-hanap talaga ng katawan niya ang ganoon bagay. Pakiramdam niya nakapag-recharge siya gamit ang katawan ni Master Ash. Iginiya niya pababa si Adalin

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 63

    ASHLEY ANG MABAGAL na paggalaw ng daliri nito sa pagkababae niya ay biglang bumilis nang bumilis hanggang sa napuno nang malakas niyang ungol ang buong salas. Mariin siyang napapikit at wala sa sariling kinagat niya ang leeg ni Eya nang marahan upang ilabas ang panggigigil na nararamdaman niya habang nilalaro ng daliri nito ang pagkababae niya. Her moans turns into small screams when he pumped his fingers in and out fast and hard. Sa bilis at diin nag paglabas-pasok ng daliri nito sa loob niya ay lumilikha iyon nang ingay na mas nagpapahibang at nagpapalakas ng ungol niya. "Oh! Oh! Oh!" Halos mapasigaw na siya sa kakaungol, hindi na niya alintana ang ingay na ginagawa niya. Namamaos na siya sa lakas ng mga daing na lumalabas sa mga labi niya. Nabigla siya nang mabilis siyang buhatin ni Eya patungo sa likuran bahagi ng mansyon at malakas siyang isinandal sa pader, wala ng pakialam kung nasaktan man siya sa pagtama ng lik

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 62

    ASHLEYNATULOG siyang katabi uli si Adaline. Sa kalaliman ng kanyang pagtulog dama niya ang init na gumigising sa bawat himaymay ng balat niya lalo na sa maselang bahagi ng katawan niya. Napamulat siya at nagulat siya nang mapagtanto na nasa pagitan ng kanyang mga hita si Eya. Muntik na niyang masita ito nang malakas kun'di lang sumenyas ito na baka magising si Adaline.Napalunok siya ng laway dahil sa binabalak nito gawin."A-Anong binabalak mong gawin?" kabadong tanong niya. Although, may ideya na siya sa balak nito. Hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan at mailang. Binigyan lang siya ni Eya ng isang matamis na ngiti saka kinubabawan siya at sabay taklob nang makapal na kumot sa kalahati ng katawan nila.Walang sabi-sabing sinakop ng labi nito ang labi niya. Parang umaapoy sa init ang katawan niya dahil sa mapusok na halik na pinagsasaluhan nila. Nawala na ang anuman inhibisyon sa katawan niya habang lumalaban siya ng halikan kay Ey

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 61

    ASHLEYMALAYA niyang pinagmasdan si Adaline na mahimbing nang natutulog."Dito ka na lang matulog sa tabi ni Adaline, sa baba lang ako," malamyos na saad ni Eya. Ngumiti lang siya at maingat na nahiga sa tabi ng anak niya.Ang sarap lang isipin na buhay pala ang anak niya. Hinaplos niya ang noo nito. Hindi man niya maalala ang lahat, nararamdaman naman niya totoo ang sinasabi ni Eya. Ang ikinatatakot lang niya ay si Nathan. Paano kung may gawin itong masama kay Adaline? Paano kung patayin na naman nito si Eya? Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya.Kinaumagahan, napansin niyang gising na si Adaline at nakatunghay ito sa kanya. Nginitian niya ito."Hey--morning. Sorry kung tumabi ako sa kama mo," mahinang sabi niya."It's okay. Ikaw ang Mama ko?"Paano nga ba niya sasabihin? Kagat labing tumango siya. "Sorry, kung hindi ko kayo maalala. Kaya ang tagal kong nawala. Sana hindi ka galit sa'kin..."

DMCA.com Protection Status