KHEENE'S POVKinagabihan.Kanina pa ako paikot-ikot sa sala. Alas nuebe na ng gabi pero wala pa rin si Tiburcio. Kanina pa rin ako panay tawag sa cellphone niya pero hindi niya iyon sinasagot. Tinawagan ko rin si Jace para itanong kung nandoon ba sa bar niya si Tiburcio, pero 'wala' ang sagot niya sa akin. Nagpa-salamat na lang ako at ibinaba na ang tawag.Tsk! Tiburcio, nasaan ka na ba?Hindi ako mapalagay. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan si Tiburcio.Napahilamos ako ng mukha at muling tumingin sa orasan. 9:30 na ngunit wala pa rin si Ashlee. Akmang tatayo na ako nang mag-ring ang telepono ko. Mabilis ko iyong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag.~+63912******* Calling...~
ASHLEE'S POVNagising ako sa isang kuwarto na bago sa aking paningin. Dahan-dahan akong bumangon para maka-alis kung nasaan man ako ngayon nang makaramdam ako nang sakit ng ulo. Argh! Pesteng hang-over 'to!Muli akong napahiga dahil sa sobrang hilo.Kung kanino mang kuwarto ito, malas niya dahil pinatuloy niya ako rito...Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa no'n si Kheene na may dala-dalang tray ng pagkain. Nahihilo man ay bumangon ulit ako at sumandal sa headboard nitong kama."Kanina ka pa gising?" tanong niya at lumapit sa 'kin. Inilapag niya ang tray sa tabi ko at umupo sa tabi nun."Kagigising ko lang. Balak ko pa sanang matulog ulit, kaso dumating ka e." Sagot ko, ngumiti lang siya.Umayos ako ng upo nang inayos niya sa harap ko ang
ASHLEE'S POVKinaumagahan. Nagising akong ako na lang ang nakahiga sa sofa. Wala na si Kheene. Agad akong napatayo at hinanap siya.Nagtungo ako sa kusina, umaasa na sana na doon siya upang makapag-usap kami, ngunit wala akong nakita doon kahit anino lang niya. Napatingin ako sa orasan.7:45 pa lang. Imposibleng naka-alis na agad iyon...Naisipan ko na pumunta sa kuwarto ni Kheene. Magbabaka-sakali na nandoon pa siya. Gusto kong malaman kung bakit siya nagpaka-lasing at kung galit pa ba siya sa akin. Hindi kasi ako mapakali kapag sobrang tahimik niya habang nasa paligid ako. Hindi ako sanay na ganoon siya.Pagbukas ko nang pinto ng kuwarto ni Kheene, saktong nagsu-suot na siya ng pantalon. Mabuti na lang at hindi siya naka-harap sa akin kaya likod lang niya ang nakikita ko.
KHEENE'S POVIsang araw ko ng hindi kinikibo si Tiburcio. Isang araw at isang gabi na din akong hindi makatulog ng maayos. Sa tuwing pipikit ako, galit na mukha ni Tiburcio ang agad na pumapasok sa isip ko, kaya muli akong didilat at iisipin siya ulit. Inaabot ako ng alas dose sa pag-iisip, tapos makakatulog ako at magigising ng alas kuwatro ng umaga dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Ang sakit na nga ng ulo ko!Hanggang sa panaginip ay hindi ako tinantanan ni Tiburcio. Galit pa rin siya at sinisigawan ako. Kapag ginagawa niya iyon, I feel so guilty...and sorry. Ako ang dahilan kung bakit siya galit at sumisigaw, kasalanan ko kung bakit niya ginagawa iyon sa akin.Dahil sa narinig kong sinabi niya na 'hindi niya ako mahal', hindi ko siya kinibo. Nagtampo ako sa kaniya. Hindi ko siya sinasagot kapag may
"Teka. Hindi ba sinabi sa 'yo ni Kheene na may event sa kumpanya nila ngayon? Launching ng bago nilang product, kailang nandoon siya.""Siya lang naman pala ang kailangan, bakit kasama pa ako?"Malakas akong napa-igik nang batukan ako ni Makky."Timang! Malamang asawa ka, hahanapin ka din doon!" Singhal niya.Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas ang ulo ko."Ewan. Hindi ako sasama sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya!" sabi ko at naupo sa kama. Nanatili namang nakatayo ang dalawa."Ash, kung nabu-bwisit ka man ngayon sa asawa mo, pwede ba na isantabi mo muna 'yan? Kailangan ni Kheene ang kooperasyon mo ngayon, maaari ba na makisama ka muna?" sabi ni Makky."Ayoko, mabo-bored lang ako doon.""Bakla!
ASHLEE'S POVPagpasok namin sa loob ng reception hall, bumungad sa amin ang malamyos na musika. Marami-rami na rin ang tao at halos lahat ay puro may mga masasabi sa mundo ng business.Well, ano pa ba ang aasahan ko?Nagtungo kami ni Kheene sa isang mesa sa harap ng stage, kung saan nakaupo ang mag-asawang Cuenco."Ma... Pa..." Tawag ni Kheene sa mga ito.Agad naman silang napatingin sa amin saka tumayo. Mabilis na lumapit sa akin ang ina ni Kheene at mahigpit akong niyakap. Naiilang man ay yumakap rin ako sa kaniya pabalik.Bahagya siyang dumistansya at tignan ako mula ulo hanggang paa. "My ghad! You look so beautiful on that dress. Sabi ko na nga ba't babagay sa iyo 'yan, si Kheene lang 'tong ayaw maniwala sa akin," sabi nito, saka pa lamang
"Hi, miss?" sabi nito.Miss? E, kung bigwasan ko kaya 'to?Doon ko pa lang siya nilingon at sinamaan ng tingin— na agad din naglaho nang makilala kung sino ito."S-Sir Nigel?"Napakunot man sng noo nito pero ngumiti pa rin. "Y-You know me?""Yes naman, sir." Inilihad ko ang kamay ko sa kaniya at muling nagpakilala. "Ashlee Siqua, sir. Employee niyo po dati."Mukha namang naalala na niya ako dahil nawala ang pagkakakunot ng noo nito."Oh, Ashlee Siqua... Naalala ko na," inabot niya ang kamay ko at nakipag-kamay sa akin"Kamusta na, sir? Nakabalik na pala kayo galing Europe," sabi ko."Well, I'm fine. And yes, nung nakaraang linggo lang." Anito't ngumiti. "By the
ASHLEE'S POV Kagabi, hindi ko na alam kung anong oras talaga ako nakatulog. Basta ang alam ko lang ay nakatulog na ako dahil sa kakaisip sa mga nangyari kahapon. Kaya ngayon, nagulat na lang ako nang magising ako alas dies na ng tanghali. Napa-sarap masiyado ang tulog... Hindi muna ako bumangon dahil tinatamad pa ako. Sa halip, tumagilid ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. Pipikit ulit sana ako nang may maramdaman akong matigas na bagay sa paa ko. Tuluyan kong idinikit ang paa ko sa bagay na iyon. Ano 'to? Bakit malamig? tanong ko sa isip ko. Inilikot ko ang aking paa sa bagay na iyon. Para siyang paa dahil may naramdaman akong mga daliri, kaso nga lang malamig. Tumigil ako sa paglikot nang m
KHEENE'S POV "... ..." "... ..." "... Sir Kheene.." Tawag ng isang boses, pero nananatiling wala ako sa sarili. "Sir.. Sir, tapos na ang meeting.." Ani Secretary Anj na nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ang buong paningin ko sa buong meeting room at tanging kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa loob. "Okay lang po ba kayo, sir? Mukha ho kasing wala kayo sa sarili buong meeting," sabi ni Secretary Anj. Huminga ako ng malalim at hinilamos ang parehong palad sa aking mukha para tuluyan akong magising sa katotohanan. "Sorry. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi." Dahilan ko. "How's the meeting, anyw
KHEENE'S POV"UPDATE mo 'ko kapag may balita na kayo. Report niyo agad sa'kin," sabi ko kay Detective Han na kausap ko ngayon sa telepono. Siya ang naka-assign na mag-imbestiga tungkol sa nangyari kagabi pati na rin sa kaso ni Mr. Samañego na hanggang ngayon ay wala pa rin usad."Sige po, sir." Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Malalim akong napabuntong-hininga at napahilot sa sentido.Ang dahilan kung bakit pinabalik kami ni Dad dito sa kompanya kagabi ay dahil may pumasok dito sa opisina ko walang pahintulot. Nag-report ang guwardiyang naka-duty dito kagabi kay Secretary Gino, kaya tumawag ito kay Dad at pinabalik kami.Ang sabi nang guard nung makausap namin, habang nagro-robing ito kagabi, napansin niya na nakabukas ang pinto ng opisina ko. Akala niya ay nakalimutan ko i
ASHLEE'S POV"BABE.." Tawag ni Sophie sa akin.Kanina ko pa naririnig iyon pero parang wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko man lang siya magawang lingunin kahit sandali."Babe, Ash.." Ulit niya, ngunit nanantili akong walang kibo.Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Kheene at nila tita, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa nagawa ko. Pero hindi ko naman sinadya na mangyari iyon, its just that.. hindi ko lang matiis na iwan mag-isa dito sa unit niya kagabi si Sophie knowing na masama ang pakiramdam nito. Hinintay ko pa na dumating ang isang maid nila bago ko siya iwan.Yung tungkol naman sa magulang ko, hindi ko naman na masiyadong dinamdam iyon. Alam ko naman na sanay na sila na ganoon ako
Ilang minuto nang makarating ako sa restaurant kung saan nagpa-reserve sila mama, tanaw ko na agad mula sa labas ang mga magulang namin ni Tiburcio. Tanging kami na lang pala dalawa ang hinihintay nila. Inatake ako bigla nang kaba dahil panigurado ay hahanapin nila sa akin si Tiburcio. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko kapag nagkataon dahil maski ako ay hindi rin alam kung nasaan iyon. Hintayin ko na lang kaya dito si Tiburcio tapos sabay na kaming pumasok sa loob? Ang kaso hindi ko naman alam kung anong oras pa darating ang isang iyon. Muli kong hinugot ang cellphone ko para sana tawagan ulit si Tiburcio at tanungin kung nakaalis na siya. ang kaso... biglang lumingon sa gawi ko si dad at sinenyasan akong pumasok na. Medyo natuliro pa ako kung tatawagan ko pa ba yung isa o papasok na lang sa loob, ngunit sa huli ay sinunod ko na lang si dad. Hindi
KHEENE'S POV HINDI na mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni dad tungkol kay Secretary Anj. Magmula rin no'n ay medyo nag-iingat ako kapag nasa paligid siya, pinapakiramdaman ko din at ino-obserbahan ang bawat kilos niya. Kung noon ay hindi ko binubuksan ang salamin sa pwesto niya, ngayon ay palagi na iyon bukas para mapagmasdan ang ginagawa niya sa kaniyang lamesa. Sinasara ko na lang ulit kapag nakikita kong papasok siya sa opisina ko. "I'll leave the office as soon as I finish this papers," sabi ko kay mama na kausap ko ngayon sa telepono dito sa opisina ko. Mayroon kaming family dinner ngayon kasama ang parents ni Tiburcio. Ito ang unang beses na mangyayari ang ganitong dinner mula nang ikasal kami, siguro'y dahil parehong busin
"Tutulong ako sa paghahanap ng file, dad. Magpapatulong ako sa secretary ko—""Don't!" Sabay na pigil nila ni Mr. Vasquez sa akin. Nagtataka ko silang tinignan."Mas mabuti kung mag-isa kang kumilos sa bagay na ito, Kheene.." Dad said."Why?" Takang tanong ko."Hindi maganda ang pakiramdam namin sa secretary mo, Kheene. I know, matagal mo na siyang kasama sa trabaho. But now.."Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila, ngunit sumang-ayon pa rin ako sa kanilang kagustuhan. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.."By the way, how's your marriage life?" Pag-iiba ng topic ni dad.Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Kumusta nga ba ang marriage life ko? "Ahm. It's good." Sagot ko na parang tumikhim lang ng pagkain.
KHEENE'S POV MAAGA akong pinatawag sa kompanya dahil sa biglaang board meeting. Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako pinapatawag, wala rin naman nabanggit sa akin si Secretary Anj sa kung ano ang dahilan ng mga ito. Tuloy ngayon ay clueless akong nakaharap sa buong board members at naghihintay ng sasabihin nila. "What now, Mr. Cuenco?" tanong ni Mr. Orencio, ang owner ng Orencio Real Estates at isa sa mga supplier namin. Ano ba kasi ang gusto nilang sabihin ko? "It seems like hindi pa alam ni Mr. CEO ang nangyayari ngayon sa kompanya nila, tama ba?" tanong naman ni Mrs. Hilario. Bakas sa mukha nila ang inis at pagka-dismaya sa hindi ko malaman na dahilan. At mukhang mas lalo pang nadadagdagan iyon dahil wala akong maisagot sa k
ASHLEE'S POVTULAD ng napag-usapan, hindi ako umalis kinabukasan. Hindi rin naman nagparamdam si Sophie kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't nandito ang asungot."Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin? Ang sama ng tingin mo ah? Inaano ba kita?" Isip-batang tanong niya habang nanlalaki pa ang mga mata at butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang ako at humalukipkip sa sofa.Ang siraulo kasi, tinotoo ang sinabi niyang hindi siya papasok sa opisina para lang makasama ako ngayon buong araw. Tss. As if naman na may mapapala siya sa akin dito. Baka nga mag-rambulan lang kami dito buong mag-hapon. Tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon.&nb
KHEENE'S POVNAGHIHIKAB pa ako habang pababa sa hagdan nang maabutan ko si Tiburcio na nag-susuot na ng kaniyang sapatos. Napatingin tuloy ako sa orasan na malapit sa akin at nagtaka nang makita kung anong oras pa lang.8:36 am*Ang aga naman ata ng lakwatsa nito?*Mabilis akong bumaba ng hagdan nang makitang papaalis na si Tiburcio. Nilapitan ko agad siya at tinanong... kahit wala pa akong mumog-mumog."Saan ka na naman pupunta? Ang aga pa ah?"Mukhang nagulat pa siya sa presenya ko dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinatatayuan niya. Nang lingunin njya ako ay masama na agad ang tingin niya sa akin."Pake mo naman?" Pabalang niyang tanong din na ikinabigla ko.Ano daw